Chapter 7

6.3K 157 6
                                    

Nakaupo ako ngayon sa sofa habang nanunuod ng Tv habang nagtatrabho si Lewis.Akala ko pa naman may trabaho na agad ako,iyon pala uupo lang sa loob ng opisina niya.

Nakakainip!

"Sabi mo bibigyan mo ako ng trabaho"-nakasimangot na sabi ko dito.

"Later tatanungin ko kung saan may bakanteng Department"-sabi nito na hindi man lang tumitingin sa akin dahil busy ito sa binabasang papeles.

Maya maya may Kumatok at pumasok dito ang secretary ni Lewis.Nakita nito ako pero umiwas agad ito ng tingin.

Akala niya uurongan ko siya!wala pa ako sa kalahati niyan!

"Sir si Ma'am Stella nasa labas po"-magalang na sabi nito.

Tumingin muna si Lewis sa akin at napabuntonghininga ito

"Sige pasukin mo"-sagot ng asawa ko.

Maya maya lang may pumasok na isang napakagandang babae.Wait!ito ba iyong babaeng dapat pakasalan ni Lewis?!

"Babe"-tawag nito kay Lewis.

"What are you doing here?"-seryosong saad lang naman ng Asawa ko.

"Can we talk privately?"-saad ni Stella na nasa akin ang mga mata.

Privately! Anong gustong palabasin nito lalabas ako!

Sinaniban na naman ako ng masasamang kaluluwa.

Lumapit ako kay Lewis at kumalong ako dito

"Asawa ko,gutom na ako"-maarteng saad ko ky Lewis na napanganga ito sa ginawang pag upo sa kandungan niya.

Nakatulala naman itong si Stella.

"Si-sino siya?"-nauutal na tanong nito kay Lewis.

Dahil sa pinaglihi talaga ako ni Mommy na super madaldal ,inunahan ko na si Lewis na sumagot dito.

"Hi, I'm Kelly,Lewis Wife.Nice to meet you"-nakangiting saad ko dito  sabay alis sa kandungan ni Lewis, nabigla yata sa sinabi ko.

"What?!Paano nangyari ito?Lewis ?!"-napapaiyak ito na nakatingin kay Lewis.

" I'm sorry"-tipid na sagot lamang ng Asawa ko.

"Wait!Di ba ikaw iyong babaeng nanggulo sa kasal namin?!"-galit itong humarap sa akin.

"Malay ko ba na hindi niyo tinuloy ang kasal niyo,eh bakit ba kasi may patakbo takbo ka pang nalalaman tapos ngayon babalik ka ulit"-nang uuyam na sagot ko dito.

"How dare you!"-sigaw nito sa akin.

"Ay murahin mo si Vice President,siya lang naman ang nagplano ipakasal kami"-sabi ko sabay ngisi ko dito.

"Kelly!"-galit na tawag ni Lewis sa akin.

"O bakit?Palayasin mo  ang Babae iyan Lewis kung ayaw mo magkaroon ng World War three!"-irap na sabi ko dito.

Panay ang hilot ni Lewis sa kanyang Sentido.

"Stella can we talk on the other day?"-sabi ng magaling kong asawa.

"Walang other day na magaganap,kakasuhan ko talaga kayo!"-pambwebwesit ko sa dalawa .

Napanganga na naman si Lewis.

Masama akong tiningnan ni Stella.

"Aalis na ako Lewis"-diin na sabi nito.

Napatango na lang si Lewis dito.

Pero syempre Kailangan din natin mag babye di ba?

"Babye Stella,ingat!"-sigaw ko dito.

Aba akalain mo ba naman binagsak niya ng pagkalakas ang pinto!

"Walang modo!"-saad ko dito na ang sama ng tingin sa akin ni Lewis at sabay hilot ng kanyang Ulo.

Maya maya lang Tumayo na ito at lumabas .

Ay putang ina isa na rin itong walang modo,hindi man lang nagpaalam sa akin!


Stolen GroomTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon