Chapter 27

6.7K 175 2
                                    

Bakit kaya galit na galit si Lewis  sa akin nang pauwi na kami?Kainis kasi si Bea ,siya may kasalanan kung bakit nagtanong paano gumawa ng baby.

"Pupunta ako mamaya sa office mo maghahatid ako ng tanghalian"-saad ko dito habang nag aayos ito ng kanyang gamit .

"Okay"-tipid na sabi nito.

Baka sa katapusan ng buwan uuwi ako ng US,hindi ko lang alam kong sasama si Lewis sa akin.

"Aalis na ako"-sabi nito sabay halik sa labi ko.

"Ingat,siguraduhin mo lang na hindi  na napunta doon si Stella,malalaman ko din dahil may CCTV ako doon"-habol na sabi ko dito.Tiningnan lang ako nito at tumalikod na.

Naglinis muna ako ng bahay namin at ginayak ko na ang lulutuin ko para sa tanghalian na dadalhin ko sa office ni Lewis at dadalhan ko na rin si kuya Nilo (Guard).

Marunong naman ako magluto.After ko magluto, mabilisan akong nag shower.

After ng 40 minutes nasa Company na ako.

"Good afternoon po kuya Nilo,ipinagluto po kita ng tanghalian"-saad ko dito at binigay ang isang Plastic na may laman na kanin at ulam.

"Maraming salamat Ma'am kelly, sobrang bait niyo po talaga"-

"Welcome po,sige na po dalhan ko muna ng tanghalian ang asawa ko"-nakangiti na saad ko dito.

PAgdating ko sa 11th Floor,parang wala nang tao . It's already Lunch break na pala.Dumiretso na ako pumasok sa office ni Lewis pero wala siya doon.

Saan kaya nagpunta iyon?

Lumabas ulit ako at nakita ko ang isang empleyado.

"Nakita mo si Lewis?-Tanong ko dito.

"Nasa Canteen po Ma'am kelly"-saad nito.

Pumunta ako sa Canteen bitbit ang dala dala kong tanghalian.

PAgdating sa Canteen parang may kasiyahan dahil tumpok tumpok ang mga lamesa.

Nakita ko si Lewis ..

Bakit kasama niya si Stella?!

Lumapit ako dito.

Lahat nakatingin sa akin at parang nagulat pa si Lewis ng makita ako.

"Anong meron?"-tanong ko sa kanila.

"Birthday ni Ma'am Stella kaya nilibre kami lahat at dito siya nagpahanda sa Canteen"-sabi ni Donna.

Tiningnan ko si Lewis.

"I told you earlier that I would bring  your Lunch"-seryosong sabi ko dito.

"Sorry, pero kakainin ko pa din yan"-natatarantang sabi niya.

"Huwag na ,ibigay ko na lang sa mga batang pulubi na mas kailangan nila ang pagkain"-pang uuyam na saad ko dito.

Nakalimutan na niya agad na pupunta ako dito!

"Baby-"tawag niya sa akin na paalis na ako.

"Baby mo mukha mo!"-irap na sabi ko dito.

Tumayo ito at susundan niya sana ako.

"Subukan mong sumunod ng huling kita mo na sa pagmumukha ko!"-sigaw ko dito na halos lahat nasa paligid namin parang hindi na  humihinga.

Talaga!subukan niya,lalayasan ko talaga siya!

Stolen GroomWhere stories live. Discover now