Chapter 22

7K 177 0
                                    

Hirap ako kapag inaatake ako tuwing morning sickness,wala kasi ako kasama sa Condo.Si Rhenz nasa Brazil siya ngayon dahil may Pictorial siya sa bagong post niya sa Men's Magazine.

Kahit medyo nahihilo ako pinilit ko pa rin pumasok sa trabaho dahil ayoko ko talaga mag mukmok even dati may sakit ako gusto ko lagi ako may ginagawa.

Hindi ko nakita si Kuya Guard kaya. Dumiretso na ako pumasok.Isasara ko sana ang elevator ng biglang may pumigil.

Si Lewis.

"What time did you go home last night ?"-tanong  nito habang sa unahan ang tingin nito.

"Around 10pm"-saad ko sabay tingin sa Kanya.

He looks so stressed.Parang nangingitim ang gilid ng mata niya.

"Nakatulog ka ba?"-tanong ko dito.

Tumingin ito sa akin.

"How can I sleep if my wife is with another man"-diin na sabi nito sabay bawi ng tingin.

"Bakit ako sarap nga ng tulog ko noong kasama mo si Stella at Hindi ka umuwi sa bahay"-

Tiningnan niya ulit ako.

"Even I'm with her,ikaw pa rin ang nasa isip ko"-

Bigla namang tumunog ang elevator dahil nasa 11th floor na kami.

Una akong lumabas at nakasunod ito sa likuran ko.

"Nasa loob ng office ko ang table mo"-sabay talikod nito papuntang opisina niya.

Sumunod ako dito.

"Sir Lewis,Si Ma'am Stella nasa loob po"-nakayukong saad ni Donna.

Narinig kong Napabuntonghininga ito.

Dumiretso agad itong pumasok.

"Donna,kanina pa ba si Stella sa loob?"-tanong ko dito.

Tumango lang ito sa akin.Bakit parang hindi na mataray si Donna at si Mrs Solis sa akin?

Pumasok na ako sa loob ng office ni Lewis,nadatnan ko si Stella na nakaupo.Tinaasan ko ito ng kilay,akala mo ha!

Nakita ko ang table ko na malapit din sa table ng Asawa ko.Hindi pa kami totally hiwalay kaya asawa ko pa siya.

Umupo na ako sa mesa ko para magsimula na magtrabho.

"Lewis,my dad invite you for a dinner"-malambing na saad ni Stella.

"Ah-"-pinutol ko na agad ang sasagot ni Lewis dito.

" My check up ako around 5:30pm ,ay si Rhenz na lang pala ang isasama ko"-sabay kuha ko ng cellphone ko kunwari na tatawagan ko si Rhenz,pero nagulat ako na hinablot ni Lewis ito.

"I'm sorry Stella I need to accompany my wife for her check up"-

Ngiting tagumpay na naman ako.

"Check up?"-takang tanong ni Stella.

Tiningnan ko ito.

"Yes,may little penguin na sa tiyan ko"-nakangiti na saad ko na ikinabigla nito.

"Wha-What?!"-gulat pa rin ang Reaction nito.

"Anong nakakagulat doon, Syempre naman Stella mag-asawa kaya kami alangan naman magtitigan kami magdamag"-taas kilay na sabi ko dito.

Hindi pa rin ito makapaniwala.

"Kahit may anak kana Lewis okay lang sa akin,basta ang pangako mo ituloy mo ang annulment"-maluha luhang sabi nito.

"There's no annulment to be happen ,I don't want my child to have a broken Family"-diretsong sagot ni Lewis na bigla namang tumayo si Stella.

"Your unbelievable !"-galit na sabi nito at patakbong lumabas.

Hilig nitong tumakbo tapos babalik ulit!

Naka 1 point na ako.Napangisi tuloy ako.

"Gusto ko pala ng Annulment"-saad ko dito na ikinalaki ng kanyang mata.

"What?!"-

"Ayoko ko nga ulitin"-irap na sabi ko dito.

"Are you kidding me!"-

"Nagbibiro ba ako?"-sabay tingin ko sa kanya.

"Walang annulment na mangyayari at Hindi ko rin ito pipirmahan!"-galit na sabi nito at agad lumabas.

Aba!binagsak pa ng pagkalakas ang pinto!May pagka attitude din pala ang Tatay ng anak ko!

Stolen GroomNơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ