Chapter 3

6.9K 190 10
                                    

Nandito ulit ako sa School, meron na naman nakasunod sa akin.

Kakainis!

Pauwi na ako, papunta na ako ng parking lot ng biglang may humarang sa akin.

"A-anong ginagawa mo dito?"-tanong ko kay Lewis dahil nandito siya sa University.

"Come with me Now!"-agad niya akong hinila patungo sa itim na sasakyan.

"Ay!saglit ang kotse ko!"-sabi ko dito ,hindi puwedi iwanan ang kotse ko.

Pero parang bingi ito.

"Saan tayo pupunta?"-tanong ko Dito.

Pero hindi talaga ito nag sasalita.

Ang tagal din ng byahe namin.Bumaba na kami sa isang malaking building at pumasok dito.

Pumasok kami sa isang office.Nadatnan namin si Vice President at may kasama pang isang matandang lalaki at isang lalaki pa na sobrang guwapo kahit may edad na ito at napakagandang babae na katulad din ng isang lalaki kahit may edad na rin lutang pa rin ang ganda nito.

Nakangiti sila sakin puwera lang si Vice na talaga namang sobrang seryoso.

"Judge ,umpisahan mo na ang pagpapakasal sa kanila"-utos ni Vice na ikinataranta ko.

"Wait ! wait po!puwedi po ba maka ihi muna?"-saad ko na lahat sila nakanganga,eh sadya naman na ihing ihi na ako.

Tiningnan ako ni Lewis ng nagbabantang tingin.At nakita ko rin ang tingin ni Vice na parang naiinis kaya tumahimik na ako.

Ang bilis ng pangyayari,kasal na ako.

Hindi ito ang pinangarap kong kasal!

"May you now kiss the Bride"-saad ni Judge.

Humarap sa akin si Lewis at hinalikan niya ako sa labi.

"Congratulations Anak, welcome to our family"-Mommy pala at Daddy ito ni Lewis!

"Sige na Lewis dalhin mo na pauwi ang Asawa mo"-utos ni Vice.

Hinila agad ako ni Lewis ni hindi man lang kami nagpaalam sa pamilya niya,wala talagang modo!

"Uuwi ako sa condo ko"-saad ko dito.

"Asawa na kita kaya sa bahay ka uuwi"-matigas na sabi nito.

"Hindi puwedi!"-nagpapadyak na sabi ko dito

Tiningnan nito ako .

"Tatakas ka?"-

"Hindi ah,kainis ka talaga wala akong damit sa bahay mo ,pati panty at bra"-irap ko dito.

"Hindi mo na Kailangan iyon, kumpleto na lahat sa bahay ang lahat na kailanganin mo"-saad nito na

Na stressed talaga ang beauty ko,sa isang iglap lang kasal na agad ako.

"Oo nga pala ayoko ko sa lahat na ginagabi sa pag uwi,pagka galing sa school diretso na pag uwi, maliwanag?"-

"Tatay ba kita?!"-irap ko dito.

"Tatay na bubuntis sa iyo"-nakangisi na saad nito.



Stolen GroomWhere stories live. Discover now