Chapter 8

6.3K 166 0
                                    

Talagang ang tagal niya bumalik huh!Napag isipan ko na lumabas na rin dahil hindi pa nga nakabalik ang magaling kong Asawa.Nakita ko ang kanyang Sekretarya.

"Nakita mo ba si Lewis?"-tanong ko dito.

"Kasama ang kanyang Fiancee na si  Ma'am Stella , bakit?"-mataray na sagot naman niya dito.

"Dahil asawa lang naman niya ako!"-mataray na sagot ko dito.

"Are you kidding me?"-natatawang sabi nito.

"Huwag ka mag English English  ,alam ko walang laman ang bank account mo!"-patutsada ko dito na ikinalaglag ng panga nito.

Hindi sa pagyayabang kasama ang Daddy ko sa pinaka maimpluwensyang Business Tycon sa US at ang mga kuya ko din.Sobrang yaman talaga namin pero gusto kong mamuhay sa Pilipinas ng simple lamang.

"Kapal ng mukha mo na sabihin na walang laman ang bank account ko,baka isampal ko sa iyo ang one hundred fifty thousand na ipon ko!"-galit na sabi nito.

"Whatever!"-sabay talikod ko at pumunta ng Elevator.

Nakita ko si Kuya Guard na kumakain na ito.

"Kain po tayo Ma'am"-saad nito sa akin.

Ngumiti lang ako dito.Tanghalian na pala at nakita ko rin ang ibang empleyado na lumabas na ng building para kumain sa labas.

"Wow,sarap naman ng ulam ninyo"-nakangiti na sabi ko dito.

Kumakain naman ako ng maalat na itlog na may kamatis at tinapang isda.Ito kasi lagi niluluto ni Jane kaya naging favorite na naming magkakaibigan.

"Puwedi po makikain?"-tanong ko kay  kuya Guard.

"Oo naman Ma'am"-ngiti na sabi ni Kuya Guard at binigyan ako nito ng Plato.

Ang sarap ng Tinapa!

Sa gitna ng kasarapang kain ko,dumaan ang Sekretarya ni Lewis kasama nito ang ibang empleyado.Tumigil ito sa harap namin ni kuya Guard at ngumisi.

"Nakakaawa ka naman,akala ko Asawa ka ni Sir Kingston,eh kahit pala pambili mo ng pagkain hindi ka makabili?nakisalo ka pa kay Kuya Guard huh"-nagtatawanan ang mga ito.

Tumayo muna ako at uminum muna ng tubig.

"Kuya Guard may kotse po ba kayo?"-sabay harap ko kay kuya na napatigil rin sa pagkain niya .

"Po?wala po Ma'am eh"-sabay kamot nito sa kanyang ulo .

Kinuha ko sa pantalon ko ang susi ng kotse ko at binigay ko ito kay kuya guard.

"Sa iyo na lang ho ang kotse ko,bibili na lang ako ng bago"-nakangiti na sabi ko dito na nakatulala naman si kuya guard.Humarap ako sa secretary ni Lewis.

"May kotse ka ba?"-ngisi na tanong ko dito.

Hindi ito nakasagot .

Ngumisi ako dito.

"Kuya ,sumunod ho kayo sa akin sa garage para ituro ko sa inyo ang kotse ko"-saad ko dito,mamaya tatawag na lang ako kay Bea na bibili ako ng kotse,isa sa mga business ni Bea ang pagbibinta ng mamahaling sasakyan.

Tumalikod na ako.Ipapaayos ko na lang ang pag lipat sa pangalan ni kuya guard.

PAgdating sa garahe kinuha ko lang ang mga papeles ng kotse wala naman akong ibang  gamit sa loob.

Maya maya nakita ko na si kuya Guard.

"Ma'am totoo po ba na ibigay niyo ito sa akin?"-maluha luhang sabi niya.

"Opo,at saka mayaman naman ang asawa ko,si Lewis po"-saad ko dito.

"Asawa niyo po pala si Sir!"-

Ngumiti lang ako dito.Nagpaalam na ako kay kuya guard na uuwi muna ako at sinabihan ko rin na ako na ang mag aayos para sa pag lipat sa pangalan niya.

Pumara ako ng taxi at sa condo ko na muna ako uuwi.Mainit kasi ang ulo ko kay Lewis.

Stolen GroomOn viuen les histories. Descobreix ara