Chapter 29

6.8K 152 1
                                    

Pagbaba ko wala na si Lewis ,saan kaya nagpunta iyon?

Pumunta na lang ako sa kusina para tumingin ng makakain.

"Baby?"-

Lumingon ako ng tawagin ako ni Lewis.

"Saan ka galing?"-tanong ko dito.

"Ahm..tumawag kasi si Mommy,kakain daw tayo sa labas"-saad nito.

"Ayoko ,dito na lang ako"-nagtatampo pa din ako dito.

"Saka puwedi ba doon muna ako sa US?"-

"Ha!ba-bakit?"-natatarantang tanong ni Lewis.

"Gusto ko muna makasama sila Mommy, uuwi din naman ako dito"-malungkot na saad ko.

"Si-sige pero pupunta rin ako doon"-

"Bahala ka"-tamad na sabi ko dito.

"Puwedi ba na tanggapin natin ang imbitasyon ni Mommy na kumain sa labas?-

"Okay,maliligo lang ako"-paalam ko dito.

Pagkatapos ko maligo gumayak na ako,nagsuot lang ako ng isang simpleng dress,nilugay ko lang ang mahabang buhok ko at naglagay ng kunting blush on at lipgloss.

Naabutan ko si Lewis na nakaupo at naghihintay sa akin,hindi na ito nagbihis dahil ang suot niya iyon pa rin ang suot niya galing sa opisina.

"Your so beautiful"-agad niya kinuha ang kamay ko.

Umalis na kami papuntang Restaurant at napapansin ko na parang hindi mapakali ito.

"Okay ka lang?"-tanong ko dito.

"Ye-Yeah I'm okay"-

Hindi na lang ako umimik pa.

PAgdating namin sa Restaurant ,ang ganda ng pagkaayos.

Pumasok kami sa loob,namamangha talaga ako sa sobrang ganda.

"Let's go"-aya nito sa akin.

Nakita ko  si  Mommy Len at Daddy Louis.

"Anong meron?"-tanong ko dito dahil nandidito rin sila ni Zack at marami ding mga bisita.

Ngumiti lang ito sa akin.

Bakit ang saya ng lahat?

"Hija"-tawag ni mommy Len,lumapit ako dito at humalik sa kanila.

"Happy birthday bro!"-bati ni Jaime.

Hala! Birthday pala ni Lewis! Nakalimutan ko!

Ibig sabihin hindi birthday ni Stella,siya pala ang may Birthday!

Pinaupo na nito ako ,at pumunta ito sa gitna.

"Thank you so much to everyone for coming here on my birthday, especially  to my friends and to my parents,thank you. Tonight I would like to introduce to you ,my wife,Kelly Harrison Kingston"-nakangiti na saad ni Lewis na lahat nakatingin na sa akin.

Lumapit si Lewis sa akin.

Nabigla  ako na sa sinabi niya,

"Baby,can I marry you again? I want to show to everyone how much I love you, I want to be with you for life, please marry me again"-saad nito na lumuhod pa sa harap ko.

Ghad!hindi ko alam ang sasabihin ko!parang natatakot ako.Hindi ko alam na umiiyak na ako.

"Baby"-lahat nakaabang sa sagot ko.

"Ka-kasal na tayo di ba?..Ahmm..can you give me a time ka-kasi nabigla lang ako"-

"Magkaiba naman ang Judge sa simbahan"-saad ni Lewis na nakayuko na.

Maya maya tumayo na ito at mapait na ngumiti sa lahat.

"Lewis?"-tawag ko dito dahil bigla lamang ito tumalikod at papunta ito palabas.

"Bro?"-tawag naman ni Zack dito.

"I'm so sorry po Mommy , Daddy"-umiiyak na sabi ko dito.

"It's okay, Please Hija,ayusin ninyo ni Lewis ang inyong pagsasama  alang alang sa magiging baby ninyo"-mangiyak ngiyak na sabi ni Mommy Len.

Tumango lang ako dito,nakakahiya pati ang dami pa namang bisita .

"Daddy"-

"Don't worry,alam ko na  mabilis din ng pangyayari na biglaang pagpapakasal ninyo dati,pero sana maayos niyo ito"-mahinahon na sabi ni Daddy Louis.

Yumuko ako sa mga bisita para humingi ng pasensiya.

Lumabas na ako ng Restaurant para sundan si Lewis,alam ko nasaktan ko siya.

Hopefully,everything will be fine.

Stolen GroomTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon