Chapter 9

6.2K 165 0
                                    

Talagang hindi ako umuwi,nandito ako ngayon sa Condo ko pero putang ina hindi ako mapakali na kasama niya ang kanyang Ex.

Alas Dos pa lang hapon at mamayang alas siyete pa uuwi si Lewis sa bahay namin.

Nagtext sa akin si Bea na nasa labas sa garage na ang kotse na kinuha ko.Dali dali akong nagbihis ng isang short at T-shirt at bumaba na ,babalik ako sa Kompanya ni Lewis.Another millions na naman nabawas sa Bank accounts  ko,ang mahal pala ng kotse ni Bea wala man lang discounts!

Pagkadating sa company ,pinarada ko muna ang kotse sa garahe at pumasok na ulit sa loob.

"Kuya Nandiyan po ba ang Asawa ko?"-tanong ko dito.

"Ay tamang tama Ma'am kelly, kararating niya lang"-saad nito.

Nagpaalam ako na pupuntahan ko ito.

Paglabas ko ng elevator nasa akin na naman ang mga mata nila.Hindi na ako dumaan sa clown na secretary ni Lewis, dumiretso na ako pumasok sa loob.Pipihitin ko sana ang pinto ng biglang nagsalita ito,

"Hep hep...ang bilin ni Sir huwag daw magpapasok at paistorbo sa loob dahil nandiyan si Ma'am Stella!"-taas kilay na sabi nito.

Lumingon ako dito at nag middle finger sign sa kanya.As usual laglag panga naman ito .Pinihit ko na ang pinto at doon nakita ko ang Asawa ko at si Stella nagyayakapan .Nagulat pa si Lewis nang makita niya ako.Lumingon si Stella sa akin

Nakita kong umiiyak ito.

Parang bruha !

Hindi niya ako madala dala sa pag iiyak niya!

"Tapos na ba ang shooting?sayang hindi ko naabutan!"-nang uuyam na sabi ko dito.

"Saan ka galing?"-tanong ng taksil kong Asawa.

"Nanlalaki"-tamad na sagot ko dito na nagulat pa sa sagot ko.O, bakit siya nga nambabae.

"Seriously!"-medyo galit na sabi nito.

Inirapan ko lang ito.

"Talagang pinaalis niyo muna akong dalawa bago kayo bumalik dito!"-pag tataray na sabi ko

Pero hindi nagsasalita mga ito.

"Ano pa ang ginagawa mo dito Stella?total nakayakap kana , Umuwi kana!"-

"Kelly ,can you stop!"-galit na galit na akong tiningnan ni  Lewis .

"Ako?ako ang titigil?ay putang ina!Bakit kasi pumayag ka sa lolo mo na pakasalan ako tapos ngayon harap harapan ka nagloloko!puwedi ka namang tumanggi at magpakasal kayo ulit at ikaw naman Stella napaka arte mo na patakbo takbo ka pang nalalaman at tapos ngayon kasal na si Lewis may paiyak iyak ka pa!"-galit na rin kaya ako.

Aba!tahimik ang buhay ko noh!Oo nagkamali ako na dahil sa kalokohan ko hindi natuloy kasal nila eh kung mahal talaga nila ang isa't isa e di sana gumawa sila ng paraan na ayusin at magpakasal ulit handa ko naman sila tulungan na mag paliwanag kay Vice na nagkamali ako para hindi kami ipakasal ni Lewis .

"Aalis na ako Lewis"-mahinang sabi nito.

"At huwag ka na rin bumalik!"-saad ko dito.

Pagkaalis ni Stella agad akong sinumbatan ni Lewis ,

"Ganyan ka ba pinalaki ng mga magulang mo,walang respeto?"-saad nito.

"Depende sa kaharap ko,ikaw may respeto ka ba sa akin, Asawa mo na ako ngayon,Ang kay Kelly ay kay kelly lang kapag may gustong kumuha pa sa pagmamay ari ko, I'll make Her life Hell!"-ngising saad ko dito at umalis na ako.

Stolen GroomWhere stories live. Discover now