Chapter 7

24 1 0
                                    

ITINAAS ko ang basa kong buhok at ipinunas sa leeg ko ang pinunit kong piraso ng nakarolyong tisyu na nasa itaas ng orocan cabinet. Itinapon ko pagkatapos sa trash bin sa tabi ng maliit kong refrigerator. Kinuha ko ang kawali at saka ang tinapay sa tabi ng lagayan ng mga plato.

Nag-toast ako ng tinapay na madalas kong ginagawa kapag hindi bago, saka mas masarap ang malutong. Hindi ko trip lagyan ng butter o kung anong palaman kaya nang matapos kong i-toast ay inilipat ko sa pinggan.

Inilapag ko sa mesa at akmang tatalikod ako para magtimpla ng kape ko nang mapansin ko ang mesh food cover, na sa pagkatatanda ko ay wala naman doon kagabi.

Tumawa ako nang malakas pagkabukas ko para tingnan kung anong mayroon sa loob. Wala naman kasi akong itinirang pagkain at hindi ko ito ginagamit dahil dumidiretso ang lahat ng leftovers sa refrigerator.

“Ganito ka magpabago ng isip?” tanong ko sa kaniya nang makita ang timpladong gatas.

Niyakap ng kamay ko ang baso. Malamig na. Anong oras niya kaya tinimpla ito? Mas gusto ko ang mainit para magising lalo ang dugo ko, pero sayang ang gatas. Hindi pa naman din ako mahilig magtapon ng kung ano ang nakahanda.

Hinawi ko ang kurtinang nagsisilbing partition sa kusina. Umupo ako nang nakaharap sa kulungan ni Jeyo. Kitang-kita ko mula rito ang mahimbing niyang pagtulog.

Hindi ko alam kung matutuwa ako o madagdagan ang points niya sa ginawa niyang ito. Wala akong kamalay-malay na nagtimpla pala siya ng gatas, at hindi niya alam na paborito ko ang kape at isang beses sa isang buwan lang ako uminom ng gatas.

Caffeine makes my body more awake even though it won't make me sleep at night for drinking too much.

Gumuhit ang maliit kong ngiti habang bumababa ang kamay ko, dumampot ng tinapay sabay kagat. Natutunaw ang bato kong puso sa kaniya. Sa katunayan, hindi naman bato ang puso ko.

Natatakot lang akong pagkatiwalaan siya. Ano na lang ang sasabihin ng iba kapag nalaman nilang ang alaga ko ay tao pala sa gabi?

Pagtatawanan lang nila ako at baka sabihing nababaliw. Problema na nga nila taba ko at mamaya pati pag-iisip ko gawin nilang isyu.

Mahilig pa man ding magkuwento ang mga tao rito at imbes na katotohanan ang kumalat, baka mas madagdagan pa. Marami na silang pinupuna sa akin at ayaw kong pati siya ay mapuna rin. Ang nakikita kong hangad lang niya ay maging tao.

Siguro may rason siya kung bakit siya hayop sa umaga. Ewan. Kailangan niyang pag-igihan ang pagpapakitang gilas para baguhin nang tuluyan ang isip ko dahil hindi ako nagbibiro sa sinabi ko.

Tinapos ko ang pagkain at ginawa ang nakaugaliang trabaho bilang isang hotel receptionist. I am happy to assist all customers. Bulag lang talaga ang mga in-apply-an kong hotel dahil hindi nila ako tinanggap.

Tama pala iyong sinasabi ng iba na kapag masyado kang busy at mahal na mahal mo iyong ginagawa mo, hindi mo mapapansin ang takbo ng oras gaya ngayon. Parang kanina lang ay umaga, halos hindi kami nagpapansinan ni Dana dahil maraming customer ngayong araw at hindi naman bago sa amin ang ganitong sitwasyon.

Halos kalahati sa lahat ng nag-check in ay may appointment at ka-business meeting. Ngumiti ako sa babaeng lumalapit sa direksyon ko habang hawak-hawak niya ang key card saka ang mamahaling wallet niya.

Kulot ang buhok nito at may katabaan, pero mas mataba pa ako kaysa sa kaniya. Stylish ang suot niya, halatang maraming pera. Okay lang naman ang kaniyang hitsura—wala siyang leeg at may double chin; pulang-pula ang labi niya at halatang kinapalan masyado ang foundation o sinalo yata ang buong kaputian dahil parang binuhusan ng harina. Paniguradong may papatol dahil may pera siya.

You Are Home NowWhere stories live. Discover now