Chapter 9

19 2 0
                                    

NAPAKO ANG mga mata ko sa abalang nagwawalis. Nakatalikod siyang nakayuko, sinisilip ang ilalim ng couch. Panay punas niya sa kaniyang noo gamit ang likod ng palad. Pawisan ang likod nito at hindi napansin ang pagpasok ko sapagkat nakatutok masyado ang atensyon niya sa pagsalo ng duming tila wala na siyang makukuha pa dahil sa kintab ng tiles ng apartment.

Sinadya kong lakasan ang pagsara ng pinto para kunin ang atensyon niya. Nag-angat agad siya ng tingin kasabay ng paglingon niya sa direksyon ko at kumaway-kaway.

Inipit ko nang mariin ang labi sa pagkahulog nang ilang hibla ng buhok niya sa noo habang nakangiti.

Sinimulan niyang humakbang sabay sabing, "Good evening, Yuna."

Sinundan ko ng tingin ang paglapit niya sa basurahan. Wala masyadong kalaman-lamang dumi ang dustpan maliban sa iilang piraso ng bulak at alikabok.

"Katatapos ko lang maglinis," dagdag niya pagkatapos nitong ibalik sa gilid ng pinto ang dustpan at ipinatumba ang walis.

Tumabi siya sa akin. Tiningnan ko sa gilid ng mga mata ko ang pag-angat niya ng kuwelyo. Nakita ko pa ang tiyan niya dahil sa ginawa niyang pagpunas ng mukha gamit ang damit. Teka. . . damit ko 'tong suot niya. Napairap ako.

Tama, sinabi ko pa lang damit ko ang hiramin niya kasi kakasya naman sa kaniya kaysa sa kumuha ulit siya ng damit sa labas.

Hindi ko pinagsisihan ang desisyon kong humarap. Tumama ang mata ko sa bandang tiyan niya, tinititigan kong mabuti kung may abs ba siya. Bumubulong-bulong ang isip kong itaas pa niya hanggang lumantad ang gusto kong makita, pero mabilis naglaho ang pagkatuwa ko sa biglang pagbaba niya, kaya bago pa ako nito mahuli ay sa mukha ko siya tiningnan.

"Naglilinis ka pa sa ganitong oras?" tanong ko.

Bakas ang pagod sa kaniyang mukha, pero wala akong narinig na reklamo sa ginagawa niya rito sa bahay. Iniangat niya ang kamay at pinadaan sa namamasa-masa niyang buhok dahil sa pawis habang may maliit siyang ngiti, hindi rin inaalis ang mata sa akin.

Unti-unti kong nararamdaman ang pag-aalburuto ng puso ko maging ang pag-akyat ng dugo ko patungo sa pisngi. Pasimple akong lumunok at nagmartsa palayo sa kaniya.

Malakas ang appeal niya. Habang patagal nang patagal kaming magkasama, mas lalo akong nabibighani sa kaniya. Ewan ko ba kung bakit. Umupo ako pagkatapos kong kunin iyong remote ng TV.

"Hindi kita pinatuloy rito para maging taga-gawa ng mga gawaing bahay. Hindi porke sinabi kong ipabahay mo, maglilinis ka na at magpapakapagod. Ako dapat ang naglilinis ng apartment ko tuwing day-off ko," sabi ko kasabay ng matinis na huni ng TV nang pindutin ko ang power on sa remote.

Wala naman akong maalalang nagsabi ako ng ganoon sa kaniya. Malamig lang ako sa una, pero paunti-unting natutunaw dahil sa may pagtingin ako.

"I don't have anything to do. Also, think of this as my payment for letting me stay with you."

Iniwasan kong tingnan ang ngiti niya kaso sobrang ang lakas niyang manghatak kaya hindi ko napigilang tumingin nang matagal sa kaniyang labi. Gumamit kaya siya ng lipstick ko noong wala ako?

His peach color lip is flattering. Wala pero akong ganiyang kulay ng lipstick. I only have rose color lipstick. Hindi kaya pumasok na naman siya sa ibang bahay?

"Magbihis ka na. Nakapagluto na rin ako," sabi niya dahilan para maglipat ako ng tingin sa mata niya.

Ngumiti ako. Hindi ako naging mabuti sa kaniya pero ang bait-bait ng pakikitungo niya. Palaging ganito ang nadadatnan ko pag-uwi galing trabaho. Kulang na lang ay pumunta siya sa Hotel Pulang Bato para dalhan ako ng tanghalian ko.

You Are Home NowWhere stories live. Discover now