Chapter 19

19 1 0
                                    

ANG UNA kong ginawa pagkabukas ko ng pinto ay inilibot ang paningin sa loob. Namataan ko siyang nakaupo sa sofa, nakayuko ito habang nakatukod ang kaniyang dalawang siko sa hita niya at ang mga daliri ay pabalik-balik ito sa pagsuklay sa buhok.

Malawak ang ngiti ko at nakahinga ako nang maluwag dahil mali ako sa akala ko.

Nagmamadali kong inalis ang nakasuot pang sandals na gumawa ng tunog. Nag-angat ako ng tingin para sana lapitan siya, pero nakatayo na ito nang may abot-langit na ngiti. Para bang ngayon lang kami ulit nagkita kahit ang totoo, ilang oras lang naman akong nawala sa bahay.

Tinakbo ko ang agwat namin at sinalubong siya ng yakap. Bumalik siya sa pagkakaupo samantalang nakadagan ako sa kaniya, hindi pinansin ang naging resulta ng ginawa ko. Tumawa siya at hinaplos ang buhok ko.

"Such a warm welcome," natatawa niyang sabi.

Dahan-dahan akong umangat para humiwalay. Umupo ako sa tabi niya. Panandalian ko siyang kinunutan ng noo na sinamahan pa nang bahagyang pagtaas ng kilay dahil mas lumilitaw ang lungkot ng ekspresyon niya kahit nakangiti.

"This will be the last time to see me like this."

Pinigilan ko ang paghinga ko sa narinig kasabay niyon ang pagbagal ng ikot ng paligid. Ang katawan ko ay tila sinemento nang walang paalam sa akin sapagkat ramdam ko ang paninigas sa pagkabigla.

Pinamulagatan ko lang siya. Hindi ako kumurap. Idina-digest ang salitang binitiwan niya kani-kanina lang bago tuluyang lumawak ang malungkot niyang ngiti.

"It's my time to go," dagdag niyang nagpaawang sa labi ko.

Unti-unting gumalaw ang kilay ko, pataas-pababa. Humugot ako ng hangin sabay buga rin pagkatapos at pumikit nang tatlong segundo.

Kunot-noo kong ibinalik ang mga nalilito kong mata. "Saan ka naman pupunta?" matapang kong pagharap.

"I can't hold it anymore," sabi niya.

Parang sibuyas ang salita niya dahilan para mag-init agad ang sulok ng mga mata ko. Umiiling-iling akong tumawa sabay palakpak nang isang beses, sabay iling ulit hanggang sa mapatitig ako sa mga mata niya na walang bahid na pagbibiro.

"Hindi." Nanginginig ang labi kong napasinghap sabay tingala. Hinawakan ko ang kaliwang mata ko, mabilis na ipinadaan ang daliri para punasan ang  nagbabadyang luha.

"Hindi totoo iyan," naiiling kong sabi sabay tawa nang napakahina.

He smiled. "It's true, Yuna."

Bumagsak ang luha sa kaliwang mata ko na kapupunas ko lang at sumunod bigla ang isa ko pang mata.

"Hindi. . . Huwag ka namang magsabi ng ganiyan. Hindi ka kaya marunong magbiro," natatawa kong sabi sa napakapaklang paraan.

Hinablot ko pa ang unan sa pagitan namin sabay hampas sa kaniyang braso para patigilin siya sa kung ano pa ang susunod na lalabas sa bibig niya.

"Yes, you're right and I am not joking."

Suminghap ako, medyo pinipigilan ang sariling bumigay nang parang walang bukas sa pag-iyak. Pinunasan ko ang luha ko gamit ang hinlalaki nang maisip ko bigla si Rodolph.

Hinawakan ko ang braso niya. "Pumunta tayo sa Rowbose. Kakausapin ko si Rodolph," paanyaya kong tumango-tango.

Tumango siya. Nagbalak akong tumayo. "Nag-usap na kami." Napabalik ako sa pag-upo. "Pinuntahan niya ako rito."

Sobrang bagal ng pagpihit ko ng ulo paharap ulit sa kaniya. "Anong sabi niya?"

Hindi siya umimik. Kinuha ko ang kamay niya. "Pakiusapan natin ulit siya na kasama ako," nakangiti kong pangungumbinsi sa kaniya habang tuloy-tuloy ang pagbuhos ng luha sa mata ko.

You Are Home NowTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon