Chapter 8

12 1 0
                                    

DUMIKIT ang pawisan niyang braso sa akin habang marahan nitong nababangga. Nakatutok ang mata niya na may ngiti nang lingunin ko siya.

Halos ilabas ko na ang dila ko sa tindi ng init sa sikat ng araw kahit may payong na kaming dalawa o sadyang nagsisiksikan kami sa iisang payong. Tumatagaktak ang butil ng malagkit kong pawis sa likod. Ramdam ko ring basa na ang bandang kili-kili ko. Itinulak ko siya palayo. May payong siya, pero nakikipayong pa. Nagdala pa ng payong, hindi rin naman gagamitin.

"Yuna, may bago akong nahanap na puwede mong—"

"Hindi ako interesado," maagap kong putol. Abala ang kamay kong hinahalungkat ang bag para kunin ang panyo.

Sa gilid ng mata ko ay nakita ko ang pagsimangot niya. "Pinuputol mo na sinasabi ko."

Umirap akong hinarap siya. "Danabebs, hanapan mo na lang sarili mo. Kaya ko naman ang sarili ko," paniniguro ko.

Ilang beses kong sinabihang pansinin niya ang love life niya, pero napakakulit. Mas alalang-alala pa siyang magiging mag-isa ako habambuhay kaysa sa akin na ako naman ang may-ari ng buhay ko.

Hindi ko rin siya masisisi kahit paano. Alam niya ang kalahati ng buhay ko. I don't have biological parents. Pagkapanganak sa akin, diretso siguro agad ako sa bahay-ampunan o iniwan sa kalsada, tapos may nakakita sa aking madre o may mabuting puso kaya ako napunta sa bahay-ampunan.

Sinubukan kong tanungin kay Sister Legarda kung kilala ba niya ang biological parents ko kasi gusto ko silang hanapin at sabihin sa kanilang panindigan ako. Nag-anak-anak pa sila, iiwan din naman pala ako.

Iyong buhay ko sa ampunan, hindi naging madali. Iyong unang umampon sa akin, hindi ako natagalan. Ibinalik ako pagkatapos ng tatlong buwan dahil nalaman nilang magkakaanak na sila.

"Ayaw kong mag-boyfriend pa kasi hindi pa ako nakaka-move on sa kaniya," sagot niya.

Umikot ang mga mata ko sabay buga nang marahas na hangin. Kulang na lang ay hilutin ko ang magkabila kong sentido para ipakita sa kaniyang naiirita talaga ako sa kababanggit niya at hanggang ngayon mahal pa rin ex niya.

"Madaling palitan ng puti ang itim," walang pagdadalawang-isip kong sabi.

Hindi ko talaga maintindihan kung bakit mahal na mahal niya ang itim na iyon. Ginayuma siguro kaibigan ko.

"Kunwari hindi ko gets para wala akong masabi."

Hindi ko pinansin ang inis sa boses niyang nanunuway sa inilalabas ng dila kong mga salita. Humarap ako sa kaniya pagkatigil namin sa waiting shed.

"Iniwan ka niya kasi ayaw niya sa 'yo. Naghanap siya ng iba dahil hindi ka na niya mahal, kaya bakit ayaw mong pasayahin din ang sarili mo sa paghahanap ng iba?"

Ginawa kong pamaypay ang payong kong nakabukas habang hinihintay namin ang bus para makauwi. Sa ginagawa ko ay nagiging presko ang pakiramdam ko. Para akong umiinom ng malamig ng tubig sa kaginhawaan.

Tiningnan ko siya. Hindi ako iniimikan. Naiinis na nga sa akin, nagpipigil lang. Tumabi ako sa kaniya nang kaunti at iginilid ang payong para makuhanan din siya ng hangin.

Halos hahalika na ang labi niya sa maruming sahig ng waiting shed dahil sa pagsimangot. Maraming bulok na dahon sa tabi, mga plastic na pinag-inuman ng soft drink saka mga balat ng junk foods.

"Malay mo, iyong isa pala sa mga nirereto mo sa akin ay iyon na pala makakatuluyan mo." Kumindat ako noong eksaktong balingan niya ako ng tingin at salubong pa ang kilay.

"Hindi naman kasi basura iyong nararamdaman ko sa kaniya. Hindi ko kayang itapon nang basta-basta. Napakahalaga niya sa akin," seryoso niyang sagot sa akin, tila ipinapakita sa akin kung ano ang nagustuhan niya sa lalaking iyon.

You Are Home NowWhere stories live. Discover now