Chapter 13

12 1 0
                                    

TINAASAN KO siya ng kilay sa pagkamot-kamot niya sa kaniyang palad habang nakatingin sa akin habang nakangiti sa paraang nahihiya.

Ambang tatanungin ko siya nang mapatigil ako dahil sa malakas niyang pagbuga ng hangin.

I looked straight at him, waiting for him to speak. Seconds passed, and he got enough courage to ask, "Can we go outside again?"

Lumabi ako, pinigilan ang paglapad ng ngiti sa kabila ng pagpalakpak ng tainga ko.

"Let's do what couples usually do."

Bahagya akong naubo para tanggalin ang bumarang laway sa lalamunan. "Gusto mong. . ." natatawa akong huminto sandali nang sumagi sa isip ko ang medyo imposibleng ideya kahit iyon ang ipinahiwatig nito. ". . . mag-date tayo?"

Hindi niya pinalampas ang segundo nang tumango agad siya. Tiningnan niya ako nang napakaseryoso, naghihintay din ng seryosong sagot sa akin.

"Can we do it? It's just a friendly date if that's what you want to refer."

Lumunok ako. Totoo ngang magde-date kami. Siyempre, hindi magiging friendly date ang mangyayari. Gagawin ko itong napaka-memorable gaya ng madalas na ginagawa at sinasabi ng couple, kahit hindi pa naman kami couple sa lagay na ito.

"Ano'ng gagawin natin?" kuryuso kong tanong.

I don't have any idea what is couple date looks like and what we should do to make it memorable for the both of us.

Ano kaya kung gawin na lang namin iyong ginagawa ng couple sa movie na napapanood naming dalawa? Manonood ng sine at pupunta sa amusement park? Ganoon din kaya kasaya ang mararamdaman namin kapag iyon ang gagawin namin?

"Wala rin akong alam. Subukan na lang natin kung ano magandang gawin," nakangiting sagot nito. "I want to make this date friendly yet romantic."

Mas lumapad pa ang ngiti nito pero halatadong hindi buo ang kumpiyansa niya. Napansin ko ang pagpadyak-padyak ng kanang paa nito at pagpunas ng palad sa gilid ng kaniyang shorts. Hindi talaga niya maitago ang hiya at kaba niya kapag ganito ang ipinapakita niya sa akin.

Siguro first time niya rin gaya ko kaya siya ganito, pero imposible iyon. Ang lakas naman ng loob niyang ayain ako.

Nakangiti kong tinapik-tapik ang braso niya para pakalmahin siya. Huwag sana kaming magmukhang tanga at hindi maging awkward ang buong araw para sa amin.

Wala akong kaalam-alam kung ano pa ang idadagdag sa naisip ko kaninang gagawin namin, pero hindi ko maalis sa sarili ko ang excitement. Umaapoy ang pakiramdam ko sa sobrang tuwa at naglalakbay kung saan-saan ang isip ko sa sandaling ito.

"Magbihis ka na muna," utos ko pagkapihit ko patalikod.

"Ito na damit ko."

Napilingon ako para pansinin ang suot niya ulit. Mahina akong tumawa. Nakapagbihis na pala bago niya ipaalam sa akin. Suot niya ang binili kong printed hamster shirt. Talagang pinandigan kung sino siya.

Naiilang itong naglihis ng paningin, mas tumindi ang pagpunas-punas niya sa palad sa kaniyang shorts. Tuluyan akong humarap at sinakop ang distansya namin.

Hindi ko alam kung ano ang pumasok sa isip ko pero nagawa kong pisilin ang pisngi niya at ikulong ang malamig nitong pisngi.

"Huwag kang kabahan. Nasaan na iyong Jeyo na walang hiya-hiyang nararamdaman kapag kaharap ako?"

Palagi siyang nagtatanong kung ano ang gagawin ko. Kung kumusta ang araw ko. Wala siyang hiya kapag nagtatanong at nagsasabi ng kung ano-ano, pero simula noong araw na nagkaaminan kami ay bigla siyang tinablan nang hiya.

You Are Home NowNơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ