Chapter 12

15 1 0
                                    

NAGPAGULONG-GULONG ako sa kama at inihampas-hampas ang nahablot kong unan. Pinaulanan niya ng paru-paro ang buong sistema ko. Kakaiba sa pakiramdam. Para bang nananaginip lang ako. Mahirap paniwalaan, pero totoong-totoo. Talagang nangyari.

Ipinahinga ko ang sarili. Niyakap ko nang napakahigpit ang unan. Humilata ako nang maayos sa kama, nakaharap sa kisame. Ramdam ko ang labi kong nabibinat sa pagngiti. Hindi ko gaanong pinansin ang pumapasok na usok ng ipinipritong tocino dahil mas pinili kong bumalik sa nangyari noong nakaraang araw na hindi ko maalis-alis sa isip ko.

"Kasi?" kinakabahan kong tanong at tila napansin pa niya sa boses at sa paglipat-lipat ng mata ko mula kanan hanggang sa sahig.

Tama ba ang isinisigaw ng kutob ko? Is he going to say the three magic words to reciprocate my feelings for him, too? Ito na ba iyon?

Idinadasal ko sa isip ko na sana makiayon sa akin ang tadhana. Sana pagbigyan niya na ako sa kagustuhan kong ito. Ngayon lang ako nagkagusto ng lalaking salungat sa ideal man ko.

Humugot ako ng hininga. Iwinaglit ko sa isip ang pantasya kong iyon. Malabong magkakagusto siya sa katulad ko. Paniguradong katulad din siya ng ibang lalaki. Mas gusto ang sexy. Iyong mala-modelo ang ganda. Wala akong ganoon. Babae lang ako, pero hindi ako kasingganda at kasingseksi nila.

Pumikit ako. Ano ba itong iniisip ko! Dapat maging proud ako sa sarili ko kaso. . . bumuntonghininga ulit ako.

Nahihirapan akong matanggap ang sarili. Halos palagi na lang kasi nilang ipinapamukhang walang magkakagusto sa akin dahil mataba ako. Bawal bang mahalin ang katulad ko? Hindi ba ako tao sa paningin nila? Hayop ba ako?

Umabot sa pandinig ko ang pagpatay niya ng apoy sa kalan at nakailang hugot pa ng hininga. Nanatili lang ang tingin ko sa paa niyang suot ang tsinelas kong may malaking mukha ng hamster sa gitna.

"I. . . I. . ." nahihirapan niyang sabi. Ipinunas-punas niya ang kamay sa kaniyang shorts.

Dahan-dahan akong nag-angat ng paningin. Naabutan ko pa ang pagtaas-baba ng kaniyang dibdib. Ramdam ko ang pagiging kabado niya, lalo na sa paraan palang ng tingin niya. Mukha siyang maiihi sa salawal niya nang wala sa oras.

"I Li-like you. Do. . . you fe-"

"Likewise," I said, cutting him off in the middle of his speech.

Pinamulagatan ko siya ng tingin at napatakip ng bibig. Wala, buking na ako. Sa bagay, wala naman akong balak itanggi sa kaniya kapag dumating sa puntong tatanungin niya ako kung gusto ko siya kasi gusto ko talaga siya.

Tumitig nang husto ang mata niya sa akin at ramdam ko ang labi kong mas nabibinat pa sa kangingiti sa sobrang tuwa. Kitang-kita ko rin naman ang mala-gomang guhit ng ngiti sa labi nito. Parang may sumasayaw namang mga paru-paro sa paligid namin habang walang bumibitiw sa pagtitig.

I'm already in my 20's tapos ngayon ko lang mararanasan ang mala-highschool romance experience.

Tumikhim ako, binasag ang pagtititigan namin. "Sigurado kang gusto mo ako?"

Walang pagdadalawang-isip siyang tumango. "Bawal ba kitang gustuhin?"

Biglang naglaho ang saya ko nang tila mauntog ako bigla para matauhan sa kung ano ako. "Alam mo na. . . Kasi mata-"

"I like you. Your value is not measured in the number of scales."

Pinalobo ko ang kanang pisngi. Hindi ako nakapagsalita. Nagwawala naman sa tuwa ang puso at isip ko sa narinig dahil ngayon lang ako nakarinig ng ganito kaganda sa pandinig. Dinagdagan niya ang nauubos ko ng kumpiyansa sa sarili.

Nakangiti lang siya kaya hindi ko napigilan ang matawa nang mahina matapos ng ilang minutong pagpigil ng hininga dahil para siyang nakakain ng matamis ubas sa pagngiti.

You Are Home NowWhere stories live. Discover now