Chapter 17

11 2 0
                                    

I COULDN'T believe that was the last day I've seen him transformed as human.

Malalaglag na ang nguso ko sa matinding pagsimangot, pati ang mga balikat kong ilang araw nang nalalanta dahil sa lungkot na yumakap sa akin simula noong araw na hindi ko siya nakita pa. Halos parang wala akong kinain sa paghila ko ng bag sa locker.

Pansin kong pinapanood ako ni Dana hanggang sa maisara ko nang mabagal ang pinto at  inilusot ang kamay habang dahan-dahang iniiangat sa balikat ang sabitan ng shoulder bag.

"Makikipag-date ako. Ikaw, saan punta mo ngayon?" pagbasag ni Dana sa katahimikang binuo ko.

Alam kong kanina pa siya nagtataka at nakakahalatang hindi maganda ang araw ko dahil kanina pa rin siya pabalik-balik ng tingin sa akin.

"May dadaanan lang," matamlay kong sagot sabay pakita nang pilit na ngiti.

Hindi man ako makaramdam ng totoong saya sa mga oras na ito, pero hindi ko itatanggi sa sarili kong masaya ako para kay Dana. Nakahanap din siya ng bago niyang mamahalin at sana. . . sana hindi na siya sasaktan ng lalaking mahal niya.

Ayaw ko siyang makitang nasasaktan dahil kung sasaktan siya ulit, itataga ko sa batong hindi ko lulubayan ang lalaking iyon na pagsalitahan siya ng hindi maganda sa pandinig.

"Samahan kita, gusto mo?" presinta niya habang nakangiti at sinasabayan ako sa paglalakad palabas ng hotel.

"Hindi na. Mas magandang umuwi ka na lang at para makapag-ready ka sa date n'yo."

Sinampal niya ang nanghihina kong balikat kaya muntik akong mawalan ng balanse, mabuti na lang ay sumakto kami sa pinto kaya napasandal ako.

"Aba! Nagbago na, ah. Palagi kang nagpapasama sa akin dati."

Mahina akong tumawa sa panghihimutok niya. Wala naman akong maalalang palagi akong nagpapasama sa kaniya dahil siya naman palagi ang sumasama sa akin kahit hindi ko inaaya.

Dumaplis ang maalinsangang hangin sa aking mukha noong tuluyan kaming makatapak sa labas ng hotel.

"Change for the better," natatawa kong sagot na ikinangiwi niya.

Bumalik kami sa katahimikan pagkatapos. Marami akong gustong ikuwento sa kaniya, pero hindi ko alam kung saan ako magsisimula at kung sasabihin ko sa kaniya ang tungkol kay Jeyo, hindi ako sigurado kung paniniwalaan niya ako o akusahang nababaliw na.

Sumabay ako sa hangin sa pagpapakawala ng buntonghininga. Dumako ang tingin ko sa mga sasakyang dumadaan at nagkakatinginan pa kami noong mga pasahero.

Malawak ang ngiti ng lalaking nagsisikuan sila ng kasama niya sabay nguso sa akin. Hindi ko pinansin ang tingin nila. Nang magkasalubungan kami ay hindi pa nakatakas sa pandinig ko ang sigaw nila: "Baboy!"

Inilabas ko sa kabilang tainga ang sigaw niyang iyon dahil hindi naman ako baboy. Tao ako. Kailan pa naging baboy ang tao? Utak talaga nila.

Napairap ako sa kawalan at mas piniling tumingin na lang sa dinadaanan ko at sa mga likod ng kasabayan naming naglalakad sa harap.

"Malungkot ka. Nag-break na kayo noong ano mo?"

Nakuha ni Dana ang atensyon ko sa tanong niya. Akala niya may kami? Hindi pa sa ngayon at ayaw kong bigyan ng label ang mayroon kami kahit ramdam namin sa isa't isang lumalalim ang nararamdaman namin.

"Hindi," natatawa kong sagot.

Lumingon ako sa nadaanan naming stall, nagbebenta ng pancake at sa tabi niya ay street foods.

"May iniisip lang ako."

Huminto ako sa paglalakad at bumalik sa kinaroroonan ng pancake para makipila.

You Are Home NowWhere stories live. Discover now