Chapter 1

10.1K 533 193
                                    

Rainey

"Here's your allowance for the whole month."

Napaangat yung tingin ko kay Mommy nang iabot nito sakin yung envelope. Cash?

As if reading my mind, she nods her head. "Pinacut na ni Alice yung mga cards mo. Pati yung savings and other bank accounts mo, nakafreeze pansamantala." Sinulyapan pa nito si Mama na para bang walang naririnig habang busy pa din sa pagdadrive.

"What?" Kung uso lang ang pagtili at pag-iyak ng sabay, I could fit.

"Pansamantala lang naman, Rainey."

"No way!" Mabilis na kontra ko. "Hindi na lang ako papasok kung ganyan lang din naman ang gagawin nyo."

It will be another  first day in school. Hindi ko na halos nabilang kung pang-ilang beses na ito na nag-eenroll ako pero kahit isang semester wala akong natatapos. I just find getting a degree my biggest struggle.

Why do I have to enroll pa? My parents can just train me straight on how to handle our family business. That can save me four to five years of my life.

Hindi ba kaya nag-aaral yung mga tao para makakuha ng trabaho? Then, I don't need it. May pera naman kami. May sariling business. Besides, I am a strong believer that not everything that I can learn from the school can be of any use in the future. Magsasayang lang ako ng oras kaka-aral. Ganoon pa din naman iyon kahit mag-aral ako o hindi, boss pa din ako. Why do I have to delay my fate anyway?

"Or, I could just throw you back abroad." My mother rudely cut off my sudden trail of thoughts. "That way, you can no longer see Ember. And I'll make sure you'll cut ties with the Calvry's, including Elle. Mas mabuti nga na nandoon ka para may kasama yung kapatid mo."

"You can't do this to me, Ma." Angal ko agad. Pumayag na nga ako na mag-enroll ulit. Nag-usap na kami na hindi ako magdadrop out ulit nang hindi nagpapaalam sa kanila. Basta ba ay hindi na nila ako ulit ipapadala sa ibang bansa.

Ayoko doon. Ayoko nang malayo kay Mommy. Ayokong kasama si Priam. Makikukumpara na naman ako doon sa lalaking iyon. At saka ayoko na tuluyang hindi makita si Ember.

I can settle with few far glances.

"I've had enough of your whims, Rainey." Seryoso lang na sagot sakin ni Mama. 

At dahil alam ko na wala akong mapapala dito ay kay Mommy ako bumaling para magpaawa. Sigurado ako na hindi nya ko matitiis.

"Mommy, hindi pwedeng wala akong cards. Paano na lang kung mawalan ako ng pera? Paano na ko kakain? Malilipasan ako ng gutom. Baka mamatay na talaga ako ng tuluyan."

There. Napapangiti na ako nang makita na apektado si Mommy.

But seeing the way my mother loses the color of her face as if remembering something traumatic, I immediately cuss myself inwardly.

Dama ko din yung biglang pagbabago ng ambiance sa loob ng sasakyan. Both of my parents are in the front seat while I am resting in the back seat.

"I'm sorry." Nahihiyang nagyuko ako ng ulo.

"You should be." Humigpit yung kapit ni Mama sa manibela. "You're so good in making your mother cry."

Hindi ako umimik. Alam ko naman na mali ako. I wasn't thinking when I took all of the sleeping pills in hope that I could shut all the invisible pain when Ember left me.

I am just so tired.

"You're already twenty-three, Rainey. Hindi ka na gradeschool para mawalan ng wallet." Sabat ni Mama na pinandilatan pa si Mommy na katabi nito sa harap ng sasakyan. Parang pinagsasabihan ito na wag masyadong malambot sakin. "Be responsible enough to your belongings para di ka laging naaagawan at nawawalan. Pagkatapos iiyak ka na para bang kasalanan ng lahat that you don't even know how to take good care of what's yours."

Koi No YokanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon