Chapter 7

6.9K 555 218
                                    

Cariette

She's really pathetic.

Napapangiwi talaga ako sa lasa ng alak na inabot nitong babaeng ito. Gusto kong magreklamo pero pinili ko na lang din ang manahimik lalo pa at tahimik lang itong nakatanaw sa nagkikislapang gusali.

Kanina kasi ay panay ang kulit nito na samahan ko daw ito. Papasok nga sana kami sa bar kaso sinabi ko na agad na bawal kami doon. Mahigpit na ipinagbabawal kasi ni Mama na pumunta kami ni Harrice sa ganoong lugar. Lalo pa at pareho kami ng kapatid ko na hindi sanay sa alak.

Kaya ang ginawa na lang ni Rainey ay hiniram yung susi ng sasakyan ko at ito ang nagdrive. Nagulat pa nga ako dahil off-road na yung dinadaanan nito at puro paakyat na. Ang sabi lang nito ay may lugar lang daw itong gustong puntahan na malapit doon sa bar. Kaso hindi na nito mapuntahan pa dahil wala na nga daw itong sasakyan.

Kaya heto, tangay tangay nya din ako pagpunta dito.

"This is my parent's most favorite place." Tumabi sakin si Rainey at sumandal din sa hood ng sasakyan ko matapos kumuha ng isa pang lata ng alak at buksan iyon. At base sa sunod sunod na lagok nito na malakas nga itong uminom. Pang-apat na kasi nito iyon.

Usually, that's a huge turn off for me. But weird that I am not feeling anything off about this woman even if she is surely screaming all of the red warning signs that I am allergic to.

Walang pera, iyakin, matapobre, maingay, clingy, demanding, loser. At sigurado ako na hindi mauubos lahat ng negatibong salita para idescribe ito.

Samantalang yung mukha lang naman yata nito yung maganda dito.

But when you look at her face, the list of her good descriptions follows too.

"Feeling ko dito nga ako naconceive ee." Pabirong sabi pa nito.

"That's ridiculous. Unless, you were conceived by Virgin Mary, that's next to impossible. Hindi ka na naman nag-iisip." Lumagok din ako sa lata na hawak ko. Pagkatapos ay bahagyang napaubo sa pait na gumuhit sa lalamunan ko.

Fucks! This taste horrible. Paano nya ito naiinom na parang tubig lang?

Nandito kami sa gilid ng bangin na hindi halos dinadaanan ng mga tao. Tingin ko nga ay isinarado na talaga yung daan papunta dito dahil mukhang private property na ito. Halos magkakalahating minuto na talaga kami pero wala pa din dumadaan na sasakyan. Mula dito tanaw na tanaw pa naman namin yung buong Metro Manila na nagkikislapan dahil sa panggabing liwanag.

Such a peaceful place for a perfect crime.

"I don't see anything special in here. Just a faraway world screaming in all vibrant colors beneath my lonely one."

Sa sinabi nito ay napalingon ako. I was greeted again by those sad electric blue eyes.

I suddenly felt these strange feelings again. An electromagnetic force pulling me closer to this woman. And my trail of thoughts continues to wander again.

Ipinilig ko yung ulo ko para alisin yung tumatakbo sa isip ko. I'm really getting crazy.

Pag lingon ko ulit dito ay natigilan na naman ako.

It's so weird how there seems to be a wide mass conspiracy at how everything in here decided to make this exact moment, surreal.

The way her face glows under the moonlit sky, at how the night breeze sends chills in my spine, at how there seems to be an uncomfortable tingling sensation in the pit of my stomach when she smiles, and how the city lights below us shines so magically in her electric blue eyes.

Koi No YokanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon