Chapter 26

7.3K 579 250
                                    

Cariette

"Fuck, c'mon pick it up." I am already biting my finger as I walk to and fro at the walk-through pavement of Silva's porch.

Kanina ko pa tinatawagan si Rainey pero hindi ito sumasagot. Nagsisimula na akong mafrustrate sa ginagawa nito. Pero mas lamang pa din yung pag-aalala ko kesa sa inis ko.

"Damn, c'mon." I tried dialling for an nth time. I just want to make sure that she's safe. Nakauwi ba ito sa kanila?

Hindi din kasi ako makauwi agad para icheck ito dahil nasa isla kami. Baka bukas pa ako makabalik o sa linggo pa.

I texted Rainey to call me as soon as she got my message. Telling her I just want to make sure she's okay and safe.

Pagkabalik ko sa likod bahay nila Tita Grant, kumpleto ang mga ito na nandoon. Katabi nito si Mama at si Tita Jen. Nagkukwentuhan sila tungkol sa mga kaibigan nila. The three of them are drinking brandy.

Si Mommy naman ay kasama sina Eris at Harrice. Pinapanood yung paglalaro ng dalawa ng chess. Habang si Essex naman ay tahimik na naglalaro sa laptop nito katabi nila.

"Okay lang daw si Ate Rain?" I heard Harrice called out.

Umiling lang ako bago sumalpak ng upo sa tabi nito. "She's not answering her phone."

Sumulyap sandali sa relo nito si Harrice. "Maaga pa naman. Hindi pa natutulog yon ng ganitong oras. Nakauwi kaya yon sa kanila?"

"At paano mo naman nalaman?"

Natawa ito ng mahina bago ako siniko. "She's still studying at night. Lagi mo kasing sinusungitan pag pumupuslit sa kwarto mo e. Ayun tuloy, kahit late na, nag-aaral na lang tuloy sa sala yung tao."

Awtomatikong namula yung pisngi ko. This darn brat! Napakadaldal talaga. Palayasin ko na kaya ito sa bahay?

"Call her again. Baka may problema na iyon tapos di na naman nagsasabi."

I caught her getting worried too. Lalo pa at malakas ang ulan ngayon sa Manila. Takot pa naman sa kulog at kidlat yung babaeng iyon.

"Do you want me to call Elle to check on her? Magkapit-bahay lang sila." Offer naman ni Eris na kalaro ni Harrice.

Elle?

Hindi ko alam kung bakit nakaramdam na naman ako ng matinding selos nang marinig ko yung pangalan ng babaeng yon.

Tila napansin naman iyon ni Harrice kaya ito na yung tumanggi para sakin. "Wag na lang, Is. Tatawag naman yun si Ate Rain kapag nakita non na madaming tawag na sa kanya si Carrie."

Nagkibit-balikat lang si Eris. "Okay. If you say so. Ang alam ko kasi nasa bahay nila si Priam since last week pa."

"What?" nagtatakang napatuon yung atensyon ko sa sinabi nito.

"If Priam is already there, tiyak na hindi papapasukin ni Tita Alice si Rainey sa kanila. Di ba nga she's the trigger of Priam's trauma? So it's normal na hindi talaga sila pinagsasama ni Tita Al. Kaya nga pinabalik ulit yan dito after mag-abroad nang ilang buwan e. Nagkasakit lang si Priam nang pinilit sila pagsamahin ni Tita Alice doon."

Ang sabi ni Rainey bumalik daw ito dahil pinapasundo ni Elle si Ember at Cray na ikinulong dito sa isla ng mga magulang ng mga iyon. That's also the first time I saw her again. She hadn't mention about Priam and his triggers.

Naramdaman ko yung marahang pagtapik ni Mommy sa hita ko.

"Wait. I'll just call Ate Alice para kumpirmahin ko na lang kung nakauwi ba si Rainey. Para di ka na nag-aalala." sabi pa nito.

Koi No YokanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon