Chapter 20

7.6K 590 364
                                    

Rainey

"Thank you sa lift." humalik ako sa pisngi ni Elle bago nagtanggal ng seat belt. "Lipat ka na dito sa harap, Tris."

Paglingon ko sa likod ay wala na si Tris. Nakababa na pala ito. Ang bilis.

Si Elle naman ay bumaba din ng sasakyan. Lumigid pa nga ito sa side ko para pagbuksan ako ng pinto. Tris is already standing outside beside her.

"Thank you." nahihiyang sabi ko pa nang makababa. "Ingat ka magdrive, okay? Text me when you're already home so I'll be assured that you got home safe." paalala ko pa dito.

Elle playfully pinch my chin again. "Yes. I won't get you worried." itinuro nito yung doorbell ng bahay nila Carrie at inutusan si Tris na ipress iyon.

Tris rolled her eyes but did it anyway. I am mentally reminding myself to have a private talk with her. She shouldn't be always agreeing with what Elle wants. Aapihin at aalilain sya noon panigurado.

"Sige na. Palabas na din yun si Carrie." taboy ko sa mga ito.

"No. I'll watch you go." Sinilip pa ni Elle yung malaking gate. "What's taking her so long to open the gate? How long is she planning to keep you waiting?" may bahid na naman ito ng inis.

Napamaang naman ako dito. Kakapindot lang kaya ng doorbell tapos halos fifty meters din yung layo ng front door sa gate. Talagang matagal mabubuksan yung gate.

"Tell her to at least give you a key para next time di ka naghihintay lagi dito."

Napakamot naman ako sa pisngi ko. Ang totoo may susi naman talaga ako ng gate at ng bahay. Kaso nagpalit ako ng bag. Hindi ko nadala yung susi. Saka kung sakali naman ay pwede ko naman tawagan sila Carrie or Harrice kung talagang kailangan. Pero dahil sigurado naman ako na nasa loob lang ng bahay yung dalawa, hindi ko na sila inabala pa.

Bago pa ako makapagrason ay bumukas na yung gate. Nagsisikuhan pa nga at nagpapaunahan sila Harrice at Carriete na parehong natigilan nang makita na hindi ako nag-iisa.

Hindi ko alam kung bakit ang una ko agad na ginawa ay tingnan yung reaksyon ni Cariette matapos makitang si Elle yung kasabay ko at si Tris. Awtomatiko kasing tumaas yung kilay nito at napahalukipkip pa bago sumandal sa gate. Nang bumaling sakin yung tingin nito ay parang nanuyo talaga yung lalamunan ko.

Intense green eyes.

"Oh, code green again." Harrice nudged her sister.

Nang wala itong makuhang reaksyon ay lumapit na lang ito sakin. "Ate Rainey lutuan mo muna ako bago kayo mag-away ha?" hinablot nito yung bag ko na hindi ko alam kung paano napunta kay Elle.

"Hi, Cariette." Kumaway si Tris kay Carrie saka hinawakan sa braso si Elle. "We got to go. Hinatid lang namin si Rainey."

Parang ako yung nahihiya nang hindi ito pansinin ni Carrie. Nakatitig lang kasi sakin yung isa habang nakataas pa din yung kilay. Nakahalukipkip at nakasandal sa gate.

"Sige, Elle. Thanks sa lift." paalam ko na lang sa mga ito para umalis na.

"No worries. I'm always free whenever you need a lift." hinatak pa ako ni Elle at hinalikan sa pisngi. "I enjoy the ride with you."

"Ahh. Lift girl pala." hindi mapigilang komento ni Harrice.

"Excuse me?"

Naalarma ako ng marinig yung boses ni Elle na tumaas ng ilang pitch sa normal nito.

"Ikaw. Lift girl." Ngumiti pa si Harrice. Nagulat pa nga ako nang iharang nito yung kamay sa labi ni Elle palayo sa pisngi ko. "Yung nguso mo, naliligaw ng dinidikitan a."

Koi No YokanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon