Chapter 32

9K 621 519
                                    

Cariette

"I'm hungry, 'My." Reklamo ni Harrice na kanina pa nakatingin sa pagkain sa hapag. "Ang tagal tagal naman. Thirty minutes na tayo naghihintay."

"Just few minutes more, Harrice. Stop complaining. Kanina ka pa."

Sabay sabay kasi kami magbebreakfast. Hinihintay lang namin sina Tita Alli at Elle bago kami kumain.

The rest are all busy. Lalo na yung mga magulang namin na pinag-uusapan yung mga plano nilang get-together pag nasa summer camp na daw kaming mga anak nila. It's about time that they spend some quality time together.

"I'm sleepy. Can I sleep some more, Mom?" Hindi na hinintay ni Eris yung sagot ni Tita Grant nang ibagsak nito yung pisngi nito sa mesa at talagang pumikit na.

Harrice nudge her. "Hindi ka ba nagugutom, Is? Di ka nagdinner di ba?"

Hindi ito sinagot ni Eris. Mukhang natuluyan na talagang nakatulog.

"Why are we even having breakfast with them?" Reklamo ng kapapasok lang na si Tris na humahatak ng upuan nito. "They don't even have any table manners. Such a shame."

"Tris." Sinaway agad ito ni Tita Sammie at sinabihan na huwag bastos.

Tris points out Eris. "She's sleeping while we're about to have a meal. That's bastos, Mom." Pagkatapos ay isinunod na itinuro si Harrice na kumakain na nga ng nakahain na macaroons. "And that one too, she's eating without waiting for everyone to arrive. Goodness. Mga walang manners talaga."

Napasinghap pa nga si Tris ng magmiddle finger ng sabay dito si Eris at Harrice na parehong hindi man lang natinag sa pagtulog at pagkain na ginagawa nila.

"See, Mom?"

"Tris!" Saway ulit ni Tita Sammie. "We're the host here. They are our guest. Just take your seat and be nice."

I heard Tris mumbling Silva's are ill-mannered and unruly monkeys which earned another reprimanding from her own mother.

Nahihiyang inawat ko na tuloy si Harrice. Mahirap na at baka maubos nito yung mga pagkain sa mesa.

"Bakit ba kasi ang tagal tagal ng lift girl na yon? Pa-feeling prima donna. Di naman kagandahan." palatak pa nito habang sige pa din sa pagkuha ng macaroons. "Ate Rainey, tikman mo 'to. Ibake mo ako ng ganito. Marunong ka nito? Pag hindi, pag-aralan mo." Pagkasabi niyon ay isinalpak ni Harrice sa bibig ni Rainey yung isang buong macaroons.

Napapangiting sinipa ko yung paa ni Rainey sa ilalim ng mesa. Kagaya kasi ni Eris, mukhang antok na antok ito. Ngumunguya nga ito nang nakapikit.

"Patikim din ako." Hirit ni Eris. Sinubuan din ito ni Harrice. Nakalapat pa din yung pisngi nito sa mesa habang kumakain.

Si Tris tuloy ang sama ng tingin sa kanila na para bang nandidiri pa.

"Ms. Alleman." I called my girlfriend.

Nagmulat lang ito saglit nang mata at tumingin sakin. Unti-unting sumilay yung ngiti sa labi nito. She mouthed, tired and hungry.

Such a baby. Gusto pa yata subuan sya.

"Rainey?" tawag dito ng Mommy nito. Pero mukhang hindi iyon narinig nung isa.

Siniko tuloy ito ni Priam. I almost held my breath when Rainey says, "I didn't do anything last night, swear."

Ang defensive.

Tinapunan tuloy ako ng nang-aasar na tingin ni Harrice na katabi ko ngayon. Sina Mama naman ay tinaasan ako ng kilay. Samantalang si Mommy ay parang natatawa pa.

Koi No YokanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon