Chapter 21

7.4K 556 153
                                    

Cariette

Wide awake. Can't sleep. I am still thinking about that kiss. Now, I finally know how that long-awaited kiss tasted. Napabiling pa ako ulit ng higa. Itinakip yung unan sa mukha ko bago tuluyang pumikit.

And I never thought how that kiss can make me travel back to time. To that time when I was once a stupid fool, believing all of her promised lies.

At heto na naman ako, magpapakatanga na naman. Susugal na naman. Aasa. Asking, if it's even worth a try?

But I know, I'd take that leap of faith again. To the same person. But hoping not to end up with the same fate as before.

"Ang pangit mo. Wag mo kaming titigan. Baka mapasa yang kapangitan mo." kasunod niyon ay yung malakas na tawanan ng mga lalaking nasa harap ko.

Hindi ko naman sila tinititigan. Napagawi lang doon yung tingin ko dahil narinig ko yung pangalan ni Harrice na binabanggit nila. Harrice became a talk of the campus after she declined the acceleration program. Gusto daw kasi nito ng normal na childhood at ayaw magaya samin ni Ember.

"That's rude, bro." awat dito ng isa pero mas malakas pa yung tawa. "Kapatid ni Harrice yan. Ang hot non!"

"Talaga? There's no resemblance to Harrice aa. Kahit saang anggulo wala talaga." sabat pa nung isa na napapailing pa.

"Gago, paanong wala? Square nga shape nyan. Puro anggulo na nga."

Ayun naman yung malalakas na tawanan ng mga ito.

"Hi!" napatigil ako sa paglalakad nang may humarang sa harapan ko. "Kapatid mo si Harrice?" tanong pa nito.

Hindi ako sumagot at nilagpasan lang ito.

Mas lalo lang akong napayuko kipkip yung mga libro ko. Pilit na iniiwas yung tingin sa mga ito at nagpanggap na walang naririnig.

If there's something I have practiced in perfection, that's hearing everything within my earshot and keeping my calm about those sarcastic remarks about the way I look. Lalo na yung mga hindi makapaniwala pag naririnig na pinsan ako ni Ember o kaya kapatid ko si Harrice.

"Wow. The guts, bro. Nilagpasan ka lang."

Napalingon ako nang may marahas na humablot sa braso ko. Nahulog tuloy yung mga librong bitbit ko sa sahig. "Kung kapatid mo kako si Harrice. Bingi ka ba?"

"Oo."

"Bingi pala e."

Hindi ko alam kung anong nakakatawa at naghagalpakan na naman sila ng tawa.

"Oo. Kapatid ko si Harrice. Bitawan mo nga ako." inis na tinabig ko yung kamay nito pero mas lalo lang humigpit iyon sa pagkakakapit sa braso ko.

"Pahingi ako ng number ni Harrice." Utos pa nito.

"Bakit hindi mo sa kanya hingin?" This time ay mas malakas na yung ginawa kong pagtabig dito. Muntik pa nga itong matumba dahil doon. "Sinabi ko na kasing huwag mo akong hawakan e." paninisi ko pa dito.

Naiinis na yumuko ako para damputin yung mga nahulog kong libro. Bakit ba ang daming nangagkalat na barumbado sa school na 'to? Napakayayabang. Akala mo naman kagwapuhan.

Napamura ako ng mahina nang imbes na madampot ko na lahat ng libro ko ay tumalsik na naman iyon dahil sa gagong lalaking' to. Hindi ba sila titigil?

"C'mon, move. Please stop this." pakiusap ko na para tigilan na nila ako.

"Bigay mo muna yung number ni Harri—"

Koi No YokanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon