Chapter 3

7.1K 532 311
                                    

Rainey

Masamang masama yung loob ko ng pumasok ako ng biology class. Gutom na gutom na ako pero kahit piso wala ako sa bulsa ko.

Yung baon ko, wala na.

Ang hinayupak na tusong babae na iyon ay kinuha lang yung pera ko. Tapos ang kapal pa ng mukha na singilin ako ng utang ko daw kahapon. E kinuha nya na nga lahat ng pera ko.

Wala talaga itong awa dahil hinalungkat pa nito yung bag ko at yung bulsa ko. Tumigil lang ito ng masigurado na wala na talaga ako kahit singko. Saka lang ako nito pinayagan makaalis.

Gahaman talaga. Walang awa.

Pagkapasok ko ng laboratory ay yung pinakadulo yung pinili kong pwesto para hindi ako mapansin pag may mga activities na. Nakakahiya naman na sa harap pa ako pupwesto tapos puro palpak naman gagawin ko di ba?

Sana wala munang activity. Kapapasok ko lang e. Kaso malabo iyon dahil almost one week nang nagstart yung klase at late na ko ng one-week. Ang dami ko kailangan habulin.

Naiiyak na kinuha ko yung cellphone ko at tin-text si Elle na nagugutom na ako at di ako nakakain dahil may nanguha ng pera ko. Sinabi ko din yung klase ko at yung lab room ko. Sigurado ako na pag nabasa nito iyon ay hindi ako nito matitiis at pupuntahan ako niyon.

Pagkasend ko niyon ay isinubsob ko yung mukha ko sa malamig na surface ng mesa. Maaga pa naman ako ng trenta minutos dahil nga hindi naman ako nakapaglunch.

Yung ibang mga estudyante naman na nandito na din ay ang iingay pa at panay ang kantyawan. May mga sinasabi pa ang mga ito na hindi ko naman maintindihan.

Ano ba yung flask? Funnels? May enzyme catalysis pa. Yung iba nagtatanong kung ano daw yung klase at activity ngayon.

Mas lalo ko lang tuloy isinubsob yung mukha ko sa mesa habang madiin na nakakapit yung kamay ko sa kumukulong sikmura ko. Nagugutom na talaga ako.

Ayoko na dito.

"Oi!" I felt a tap on my shoulder. Naiinis naman na siniko ko lang kung sino man iyon.

"That's my chair." This time ay medyo malakas na yung kalabit sakin. Dahilan para mapaangat yung mukha ko.

Damn! Sya na naman?!

"Ano?!" Hindi ko na mapigilan ang hindi mainis. Sa tuwing nakikita ko kasi itong babaeng ito lagi akong minamalas. "Wala na akong pera. Gutom na gutom na ko dahil lahat ng pera ko kinuha mo. Tapos pati ba naman upuan, kukunin mo pa? Sayo lahat? Sayo!?"

Namaywang lang si Cariette sa harapan ko habang proud na proud pang nakatayo. Nakasukbit yung bag nito sa isang balikat nito. Hindi nakaayos yung necktie. Naka-open pa yung dalawang upper buttons ng uniporme nito. Pero disente pa din naman tingnan.

Sophomore lang ito? Ilang taon na ba itong babaeng 'to? Akala ko ay graduating na din ito gaya nila Elle. Mas matanda pa sila Elle dito?

O baka gaya ko din ito na irregular student dahil di din nakakapasa?

Napangiti ako sa isipin na iyon. Hah! At least hindi ako nag-iisa.

Umangat yung perpektong makapal na kilay nito. "Having fun there?"

"I'm sorry?"

Tila nabobobohan sakin na napailing pa ito. "Stop studying me. That won't make you pass this class." Pagkatapos ay inilapag yung bag nito sa mahabang lamesa katabi ng bag ko. "No one has passed anyway. They all end up crazy."

"Kapal." Bubulong bulong na sabi ko. Naramdaman ko na naman yung pagkalam ng sikmura ko kaya napangiwi na naman ako.

"Get out there. Lumipat ka ng upuan." Itinuro nito yung stools sa kabilang mesa na bakante.

Koi No YokanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon