Chapter 29

8.2K 620 300
                                    

Rainey

I am trailing my fingers on Carrie's face as she sleeps on my shoulder. We are all squeezing in inside Tita Grant's van. Sabi ni Harrice kanina, hindi daw nakatulog talaga si Carrie habang nagmamadali silang lumuwas kanina. Alalang-alala daw ito na baka matangay na ako palayo ni Elle.

Kaya naman nang makatulog ito kanina ay isinandal ko na yung ulo nito sa balikat ko. Mukhang nahihiya pa kasi.

What a sleeping beauty.

Napakunot pa yung noo ko nang tuluyang napansin na parang may iba sa mukha nito. May bahagyang sugat kasi ito sa gilid ng labi. Bukod pa sa parang namamaga ng bahagya yung kanang pisngi nito.

Nakipag-away ba ito?

To be honest, I don't perceive Carrie as a troublemaker. Sa tagal din naman ng in-stay ko sa bahay nila, alam ko kung gaano nito pinipigilan yung sarili nito na manakit pag galit ito. Lagi itong iiwas at iiwas sa gulo. Kaya siguradong kung anuman ang rason ng sugat nito, tiyak na mabigat na isyu iyon.

Sabagay si Harrice nga din na akala ko palaasar lang, nakakatakot din pala pag nakipag-away. Napangiwi talaga ako nang maalala yung ginawa nitong pananabunot at pananampal kay Elle.

I glance towards Elle's direction at the back. She's talking to her Mom on her phone. She's literally crying as she tells her Mom that Harrice hurt her. Si Harrice naman ay tila hindi man lang naguilty dahil ngumiti pa nga ito na tila ba masayang masaya pa na nakaganti para sa amin ng ate nya. Nang makitang nakatingin ako ay nag thumbs up pa ito. Gigil na piningot tuloy ito sa tenga ng Mama nito. Yung Mommy naman nito ay sinamaan ito ng tingin. Hindi ko tuloy alam kung maaawa ba ako dito o tatawa. Napapagitnaan pa kasi ito ng mga magulang nito.

Si Priam naman ay nakagitna lang kay Elle at Tris. Kung si Elle ay nagsusumbong na sa Momma nito, si Tris naman ay hirap na hirap umupo ng maayos. Kung hindi pa nga hinatak ni Tita Grant yung anak nito kanina ay hindi pa iyon titigil.

Eris seemed a bit scared when her mother warned her about the consequences of hurting Tris. Thus, making her to step back immediately.

"C'mon, eyes on me, Ms. Alleman. Just on me."

Natawa ako nang marinig si Carrie na nagsasalita habang nakapikit pa din. Is she still sleeping or already half-awake? Pati sa panaginip, ang demanding.

"Not just my eyes are on you, Ms. Oliviar." I whispered back. "All of my affection and attention too. Pati ba naman sa panaginip mo, nakikipaglaban ka pa?" pabirong pinisil ko yung pisngi nito.

Dahil mukhang masakit talaga iyon ay bahagya pang napasimangot si Carrie bago napamulat ng mata.

Swear, the way her eyes glint while still half-asleep and still grasping what's going on her surroundings, is so damn hot.

Intense burning green eyes.

"Pati ba naman sa pagtulog ko nanakit ka?" akusa nito.

Napangiti naman ako. Why even her voice sounds so freaking hot?

"Am I?"

Itinuro nito yung pisngi nito na pinisil ko kanina. "Ang sakit." Reklamo pa nito. "I forgot to put a cream on this."

Doon tuloy napunta yung buong atensyon ko sa pisngi nitong bahagyang namamaga na.

"Napaano ba yan? Nakipag-away ka ba?" masuyong hinalikan ko iyon para tumigil na ito kakareklamo. "Hindi ka naman palaaway na tao. Sino yang nanakit sayo? Ganti kita."

I let out a low laugh when this chic turned crimson red.

"Kasalanan mo kaya napaaway ako." mahinang bulong nito. "Will you please stop putting me in a position where I always have to prove your innocence to everyone around us? Cray did this to me. Akala nya kasi pinagsamantalahan mo yung kapatid nya."

Koi No YokanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon