Chapter 14

57 20 0
                                    

Chapter 14

Good thing, I've brought extra clothes and that's what I gave to Heikenz to wear. Magkasama kami nang magpalit kami ng damit kaya naman todo iwas ang tingin ko sa kanya. Nakatalikod naman siya mula sa akin pero hindi ko pa rin naman maiwasang mapalingon sa kanya. Ang harot-harot kasi ni Caro, binulong pa sa akin nito na baka may milagro pang mangyari and she would be so sure to it kapag matagal kaming lumabas ni Heikenz ng changing area.

"Andrew?" he called my name. Agad naman akong lumingon sa kanya.

"Yes?"

And then, right there I saw him only on his board shorts. Ilang beses pa akong napapikit-pikit kasabay nang paglunok ng laway ko. But I snapped myself out of this illusion and focused on what is going on.

"Do I look good?" he asked. I examined him from head to toe—pero mukhang na-stuck din ang mata sa pagitan ng dalawang hita niya. I don't know if he noticed the way I was looking there. Mukhang hindi naman. Inilipat ko kaagad ang tingin ko sa kanya.

"You looked so good!"

"Really? Wow," he muttered, giggling. "Well, thanks to you! I really don't have a plan of doing this, so thank you—but you really don't—"

"No, don't say that anymore. Alam mo naman na ayaw kong nakaririnig ng mga ganyan, e. Anyway, we should meet Caro back there na. She might be waiting for us."

"Yeah, let's go."

Sabay kaming lumabas ni Heikenz ng changing room. He put his arm over my shoulder and when we meet Caro there on her one piece leopard print swimsuit, she's already giving a hint of smile on her face. I tried to ignore it pero kung hindi titigil 'tong babaitang 'to, itutulak ko 'to sa lawa at bahala siya kung may sasagip sa kanya o wala.

"Wow naman, girl! Balot na balot ka naman!" puna pa ni Caro. "Kumusta naman itong jowa mo na topless pa! Hindi mo gayahin!"

"Gaga! Makikita nila boobs ko! Punyeta ka talaga!"

"That's enough, guys! We should meet the instructor now," pagpapagitna ni Heikenz. "Come on, follow me."

Sumunod kami sa kanya at patuloy pa rin ang pagtatalo naming dalawa ni Caro. Pero agad ding napunta ang usapan namin tungkol kay Heikenz. She kept saying na ano raw comment ko kay Heikenz ngayon. May suot daw bang brief under his board shorts. Inamin ko naman sa kanya na hinubad ni Heikenz ang damit niya at ang pinahiram kong board shorts lang ang suot niya. Kung hindi ko lang hawak-hawak ang babaitang ito, magwawala pa ito nang bongga. Mabuti na lang ay napigilan ko pa.

"Nakita mo naman ba?" Paniniko pa ni Caro na may kasamang ngiti pang-asar.

"'Yong ano?"

"Ito naman pa-inosenta pa! Siyempre alam mo na 'yon!"

Umikot ang mata ko sa gusto niyang marinig mula sa akin. "Hindi, gaga! Bakit naman niya ipakikita sa akin 'yon? Privacy, bes. Alam mo ba 'yon?"

She crossed her arms at inunahan ako sa paglalakad. Napailing na lang ako sa kanya hangga't sa marating namin ang area kung saan naka-destino ang instructor na tinutukoy ni Heikenz.

Hindi naman agad kami isinalang sa wakeboarding activity kung hindi ay itinuro muna sa amin kung anong gagawin namin at ilang safety procedures na kailangan din naming sundin. Tutok na tutok dsi Heikenz sa pakikinig sa instructor habang nasa kanya ang atensyon ko. Kung hindi pa ako pinalo ni Caro, hindi ko pa papansinin ang instructor.

I've only got a day left, ano na nga bang gagawin ko?

When we finished the initial training from the instructor, it's time for us to test the waters. Of course, bilang gentleman, I'd let Caro take the first in line. Hindi naman umangal ang gaga. Bet na bet pang mauna sa linya. Heikenz was okay with it. Gustong-gusto rin nito panoorin kung paano bumalentong sa wakeboard itong babaitang ito.

A Week in BangkokWhere stories live. Discover now