Chapter 27

47 20 0
                                    

Chapter 27

Where could Heikenz probably go?

Wala akong ideya kung saan iyon. Bago lang ako sa Krabi and I'm out of any idea where he could be going. For sure, he wouldn't be running to Rune because he's in Bangkok. Feeling ko naman hindi 'yon babalik ng Bangkok. He's saving up his money so he can't spend and spend everything from his savings or he'll be broke.

Kahit gusto kong hanapin si Heikenz, hindi naman ako pinayagang lumabas ng nanay nito. Hindi ko raw kabisado ang lugar at baka maligaw pa raw ako at kung saan-saan pa mapunta. Ganyan naman daw 'yan si Heikenz no'n kahit no'ng highschool pa lang daw ito. Madalas daw talagang umalis nang hindi nagpapaalam.

"Ano kayang problema no'n ni Heikenz?" napatatanong na lang ako sa sarili ko.

Mag-isa ako sa kwarto namin ngayon. Plano ko pa sanang ayusin ang mga gamit namin, but I feel like I'm just gonna exert too much effort for it that in the end, hindi naman ma-appreciate ni Heikenz iyon. I'm trying to look on the positive side naman. I'm evading the negativity in my body since it won't really help me. Doon na lang ako lagi sa positive vibes, even though hindi gano'n kaganda ang sitwasyong nangyayari, I could still find a way to make it happy.

Bumangon ako sa kama. Bumagsak ang balikat ko at inikot ko ang tingin ko sa paligid ng kwarto. There's nothing to do around here so I stood up from decided to leave the room. I lead my way downstairs and there I meet Heikenz mother who called me and made me follow her to the kitchen.

"Tulungan mo ako magluto ng dinner natin," aniya. Pumwesto naman ako across her so I could see what she's doing. "Alam mo na ba kung anong gustong ulam ni Heikenz na niluluto ko?"

"Chicken adobo," confident ko pang sagot sa tanong niya.

Pero nanliit ang mata nito na para bang offended pa sa sinagot ko. Umiling ito. "Hindi, a! Favorite nito ang homemade menudo ko. Paano mo naman nasabing adobo? Nanghula ka lang ba?"

Bahagya akong tumawa sa tanong niya saka tumango. "Yes po. Hula lang po since isa po iyon sa mga kilalang Filipino dishes. Pero good to know po na menudo pala ang favorite dish niya."

"Oo, 'yon talaga. Madalas niya pang sinasabi sa akin na lutuin ko iyon. Halos every week no'n, kailangan kong magluto ng menudo. Once a week lang naman pero hindi siya nagsasawa pero ako ata iyong nagsawa sa paulit-ulit na niluluto ko 'yon sa kanya. Pero ngayon, happy ako na iluto ko ulit ang favorite pinoy food niya. Hindi ba kayo nag-uusap dalawa? Magkasama naman kayo sa tinutuluyan ni Heikenz, 'di ba? Hindi ba kayo kumakain?"

Pa'no ko ba 'to sasabihin?

"Uhm... I'll be honest na po." I cleared my throat. She continued prepping everything for dinner. Pero ito ako, kabang-kaba naman sa mga nangyayari at ako ang naiipit dito. "Actually, ang totoo pong sinabi sa akin ni Heikenz na ang favorite ulam niya po ay chicken adobo. Nang sabihin niya 'yon, naisipan kong lutuan siya. With the help of Youtube, pinag-aralan ko po talaga lutuin 'yon so Heikenz could try and eat my version. And I did then he said it was good. He even said he misses home when he ate it. So... hindi pala niya favorite 'yon..."

She didn't give any comments, maybe she also realized that Heikenz didn't actually say the truth to me. Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko

"Ngayon alam mo na kung anong favorite niya..." aniya.

"Oo nga po... but I don't think I can cook menudo like you do o kahit may Youtube pa. 'Di bale na lang po."

Ang ikinapagtaka ko, napabitaw rin nang malalim na buntonghininga ang nanay ni Heikenz. Habang pinakukuluan niya ang pagkain, naupo muna ito sa high stool at nagsalin ng tubig mula sa pitchel sa baso niya saka siya uminom.

A Week in BangkokWhere stories live. Discover now