Chapter 1

225 15 2
                                    

🍀🍀🍀

GABING-gabi na halos kung umuwi si Evo, kadalasan ay lasing ito. Pero hindi katulad ng unang ingkwentro, dahil kahit lasing ang asawa nakakaya pa siya nitong itaboy.

"Don't touch me!" Iyon ang bungad sa kanya ni Evo pagbukas niya ng pinto. Hinawi nito ang kamay niya at mag isa itong pumanik sa silid nito kahit pasuray-suray ang lakad. Napabuntong hininga si Shaina habang habol ito ng tingin.

Anim na buwan na simula ng ikasal sila—sa papel, pero hindi nagbago ang pakikitungo ni Evo sa kanya mas lalo lamang iyong lumalala. Kung minsan sa condo na nito ito madalas na natutulog para lang hindi siya makita. Napipilitan lang itong matulog sa bahay nila sa tuwing sinisermunan ito ng ama.

At kung minsan kahit hindi aminin ni Shaina, nasasaktan siya sa tuwing nakikita ang mga damit ng asawa na may bahid ng lipstick nang kung sinong babae. Hindi siya sigurado kung nakipaghiwalay na si Evo sa nobya nito. Pero wala naman na siyang narinig na kung ano patungkol sa babae.

Nasasaktan din siya sa tuwing hantarang kinukutya ng binata ang itsura niya. Lagi nitong ipinamumukha kung sino lang siya sa buhay nito. Isang katulong. Hindi siya nito itinuturing na asawa. Masakit sa dibdib, lalo pa at matagal na siyang may pagtingin sa asawa.

Mabuti na lang at kahit paano hindi nagbunga ang gabi nang pagtatalik nila. Kung nagkataon na nagbunga iyon baka mas lalong mamuhi sa kanya si Evo.

Huminga si Shaina ng malalim at naglakad na lamang pabalik sa kusina, hindi pa siya tapos sa ginagawa. Nagluluto siya ng macaroons, ibinibenta niya iyon online.

Eighty pesos kada isang tub ang bentahan niya. Kahit sagana siya sa pagkain at hindi naman siya nagugutom, doon pa din niya kinukuha ang ipinambibili niya ng iba pa niyang mga pangangailangan.

Binigyan din siya ni Mrs. Wilson ng sarili niyang credit card, ngunit hindi naman niya iyon nagagamit. Nahihiya siya sa biyenang babae. Hindi niya maatim na gastusin ang perang galing dito pagkatapos ng kahihiyang idinulot niya sa mga ito.

Simula nang ikasal siya kay Evo, hindi pa niya nagagalaw ang nasabing credit card; nakatago lang iyon sa damitan niya. Wala na siyang trabaho at kailangan niyang mag ipon para sa sarili.

Hindi niya maaaring iasa kay Evo ang lahat. Lalo na at wala naman itong kaamor-amor sa kanya. Halos isumpa na nga siya sa tuwing nakikita siya. Kaya sinanay na din niya ang sarili na hindi nagpapakita dito.

Sa umaga ay nilulutuan na niya ito ng almusal. Sa gabi ay lasing naman itong umuuwi at hindi na naghahapunan, kaya kadalasan para sa sarili na lang ang niluluto niya. Natatakot siyang magsayang ng pagkain. Baka mas lalo siyang pumangit kapag nagsayang siya ng pagkain.

Hindi siya nagpapakita kay Evo, dahil ayaw din nitong nakikita ang mukha niya. Nagkataon lang na nagkikita sila kapag pinagbubuksan niya ito ng pinto. Pero hindi rin naman ito tumitingin sa kanya, mas lamang ang galit at pandidiri.

Nang matapos si Shaina, inilagay na niya sa tub ang mga macaroons, pagkatapos ay ipinatong niya iyon sa ibabaw ng ref. Maraming orders sa kanya kaya kailangan niya iyong maihatid sa kalapit na building. Ang tirahan nila ay matatagpuan sa Makati, kung saan maraming mga nagtataasan na mga building. At halos lahat ng mga empleyado sa kalapit na building sa sabdibisyon nila ay umu-order ng macaroons niya.

Nakagawa siya ng labing limang tub. One thousand two hundred pesos din iyon pag nabenta. Hindi na din siya gagastos ng pamasahe dahil nilalakad lang niya papunta sa kalapit na building. Hindi naman ganun kalayo ang lakaran. Pinatay na niya ang ilaw sa kusina at handa ng magpahinga. Siniguro muna niya na nakalock ang mga pinto at bintana bago siya pumasok sa silid niya.

Mahal mo kahit PANGET(COMPLETED)Where stories live. Discover now