SC

267 12 5
                                    

🍀🍀🍀





"Kapag umibig ka pwedeng mabago ang mga pananaw mo sa buhay, sabi pa nga nila basta nagtitiwala ka kay papa G walang imposible. Kayo ba naniniwala?"

Tiningnan ni Shaina, isa isa ang mga kasama niya sa mesa. At kapwa nakangiti ang mga ito. Isa siya sa magpapatunay na ang mga panget na tulad niya at ng mga kasama niya sa mesang iyon—na minahal sila ng mga guwapong lalake. At magkakaibigan pa. Magkakasama sila ng araw na iyon at napagkwentuhan nila ang tungkol sa naging buhay nila sa nakalipas na mga taon.

"Naniniwala ako." Napatingin siya kay Devine. Naiiling ito na nangingiti habang himas ang maumbok nitong tiyan. Para pa ngang may bagay na naalala ngunit hindi lang maibahagi sa kanila. Ito ang unang naging miyembro ng club na binuo niya. At masasabi niyang maraming nagbago sa mga paniniwala nito pagdating sa pag-ibig.

"Ako din sang ayon sa sinabi mo, patunay na lang tayong anim." Lumawak ang ngisi niya sa sinabi ni Jodelyn. Pungalumbaba ito sa mesa habang nakangiti.

Nagsalita din ang iba pa. Hindi mawala ang ngiti sa labi niya. Tiningnan niya ang mga kasama na kaibigan na din niya.

"Masarap magmahal at masarap ding mahalin ng totoo, napili natin ang tamang lalake kahit nagsimula tayo sa hindi inaasahang sitwasyon." Ngumiti si Dina.

Uminom ito sa tasa ng kape nito at ng maipatong ulit iyon sa mesa tumingin ito sa kanya.

"Nagsimula kami ng asawa ko sa hindi inaasahang sirkumtansya. Akala ko nga hindi nya ako pipiliin. Hindi na din ako gaanong umasa kasi nga ang panget ko. Pero nagulat na lang ako ng puntahan nya ako at sabihin nya sakin kung gaano nya ako kamahal. At sobrang sarap sa pakiramdam na marinig sa lalaking mahal mo kung gaano ka nya kamahal."

"Korek ka dyan!"

Nagtawanan ang lahat sa malakas na salitang iyon ni Jodelyn." at dahil ang grupo nila ang nangingibabaw ang mga boses sa cafe ni Zej, pinagtinginan tuloy sila ng mga taong naroon din sa cafe.

Tahimik silang naghagikgikan. Alam niyang agaw atensyon talaga sila. Malamang nga pinag uusapan sila kanina pa dahil sila lang naman ang grupo ng mga panget na nagkukumpulan doon sa gilid.

Magsasalita pa nga sana siya pagkatapos niyang tumawa nang dumating si Evo, papasok ito sa cafe kasunod ang lima pang mga kaibigan nito. Naagaw ng grupo ng mga ito ang mga babaeng nasa loob ng cafe.

May isa pa nga na halos lumuwa ang mga mata habang nakasunod ng tingin sa asawa niya. Naka puting t- shirt lang kasi ito na pinaresan ng ripped jeans at white na rubber shoes. Para pa din itong binata sa porma nitong iyon.

Sinalubong niya ng matamis na ngiti ang asawa na nasa kanya lamang ang tingin. Hindi na siya nagulat ng matapos nitong makalapit sa pwesto niya ay basta na lang nitong sinakop ng kamay ang panga niya para halikan siya sa mga labi. May mga narinig siyang pagsinghap sa paligid ngunit wala na ang atensyon niya doon kundi sa asawa na lamang niya.

"Let's go home, baby, I missed you," lambing na ungot nito sa kanya. Mapungay ang mga mata nito na tumitig sa mga mata niya. Naiiling niya itong kinurot sa tagiliran.

"Girl bonding namin baka lang nakakalimutan nyo?" Tinaasan niya ito ng kilay at ganun din ang ginawa niya ng tumingin siya isa-isa sa mga kaibigan nito.

Guilty naman ang mga kaibigan nila at nag iwas ng tingin.

"Wala pa kaming isang oras na magkakasama. Sino ang nagpasimuno sa pagpunta dito?" Sabay sabay na itinuro ng limang lalake si Evo.

Kakamot kamot naman sa ulo ang asawa niya.

Nailing niya ang ulo.

"Pumayag ka ng dalawang oras pero wala ka palang balak na tumupad," ngumuso siya matapos tumingin sa phone niya, ni hindi pa sila nakaka isang oras sa cafe ni Zej! Sinimangutan niya si Evo.

Mahal mo kahit PANGET(COMPLETED)Where stories live. Discover now