Wakas

362 19 4
                                    

🍀🍀🍀

ARAW ng kasal ni Shaina at Evo, tatlong babae ang nag aayos sa kanya at isa doon ang babaeng kasama daw noon ni Darrin ng bumisita sa kanya sa hospital.

Chinikadora niya ang babae, kung may nakaraan ba ito at si Darrin, o kung may relasyon na ang dalawa pero tikom ang bibig nito. Kaya lang makulit si Shaina, gusto talaga niyang makakuha ng impormasyon kung ano ang ugnayan nito sa kaibigan niya. At ang babae, tipid lang ang salitang sinabi sa kanya.

"Malabong maging kami, hindi kami bagay." Tiningnan niya ang babae, malaki ang ngisi niya dahil sa pagiging nega nito, ganun na ganun siya noong pinapantasya palang niya si Evo.

"Naniniwala ka ba sa forever?" Ngumiti ito ng malaki.

"Hopeless romantic po ako, ma'am," parang nangangarap na bulalas nito.

Hinarap naman niya ito. "Kung ganun, isa lang ang maipapayo ko. Wag kang aalis sa tabi ni Darrin, sigurado akong darating din ang araw na mapapansin ka nya," suhestyon niya. Ngumiti lang ang babae at hindi na nagkomento pa.

Marahil sa isip nito kinakalkula nito ang mga bagay bagay.

Napangiti si Shaina, sa una tiyak na magiging nega pa din ang babae sa mga bagay bagay sa paligid nito. Hindi rin ito magkakaroon ng tiwala sa sarili katulad niya, pero nababago naman ang sitwasyon. Basta maging mabuti ito at walang tinatapakang tao tiyak na makakamit nito ang anomang hihangad ng puso nito.

Matapos maayusan ni Shaina, humarap siya sa salamin, umawang ang labi niya ng hindi makilala ang sarili, nawala ang pilat niya sa pisngi natakpan din ang malaking nunal niya, parang hindi siya ang nakikita niya sa salamin.

Ang ganda niya!

Hinarap niya ang babae pati na ang dalawa pang kasama nito kapwa nakangiti ang mga ito habang nakatitig din sa kanya.

"Ready na ang bride?" bungad na tanong ng biyenan niya na biglang pumasok sa silid nila ng asawa, at ganun na lang ang gulat nito ng mapatingin sa kanya.

"Wow! Hija ang ganda ganda mo," puri nito habang galak na sinisipat ang kabuuan niya. Napangiti si Shaina.

"Ako nga din po hindi makapaniwala," totoo sa loob na wika niya, niyakap siya ng biyenan niya.

"Sigurado akong mabibigla si Evo kapag nakita ka."

At hindi nga ito nagkamali, dahil ng pumasok si Shaina sa simbahan, literal na napanganga si Evo, maging ang mga kaibigan nito at ilang mga bisita.

Napangiti si Shaina, kahit araw araw nang sinasabi ni Evo na maganda siya sa paningin nito sa pinaka espesyal na paraan iba pa rin ang nararamdaman niya ng mga sandaling iyon, puno ng galak ang puso niya dahil sa mga titig ni Evo at ng mga imbitado sa kanilang kasal.

Naranasan din niya na maging totoong maganda sa harap ng karamihan.

Thank you papa G, sana marami ka ding mga panget na mapasaya. Deserve din kasi nila. Humarap siya sa altar at puno ng pagmamahal na nginitian ang kanyang asawa.

"I love you."

"I love you more, baby."

Sinalubong siya ni Evo ng makarating siya sa altar.

"You're so beautiful, baby, gusto ko na agad matapos 'to para masolo na kita." Nginisian niya ang asawa.

"Ang ganda ko noh?"

"Sobra," ngising sagot ng asawa. Hahalikan sana siya nito ng pigilan niya.

"Mamaya na." Parang nanghinayang ang asawa niya dahil hindi napagbigyan. Pero sumunod din naman. Ilang sandali pa, nagsisimula na ang seremonya ng kasal, at ng magsasalita siya para sa kanyang vow. Tinitigan niya ng may pagsuyo ang asawa.

Mahal mo kahit PANGET(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon