Chapter 10

317 22 2
                                    


🍀🍀🍀

BIRTHDAY ni Shelby, naroon sila sa kanilang bahay para i-celebrate ang third birthday ng paslit na makulit.

Mga kaibigan ni Evo ang imbitado, naroon na din ang mga magulang nito, at inimbitahan din niya si Travian, nagkita ulit sila ng binata. May asawa na din ito at may isang anak.

Masaya naman ang selebrasyon, tuwang tuwa si Shelby sa mga balloon at sa malaki nitong cake na may gown. Ang laki ng ngiti ng anak niya, lalo na sa mga regalong natanggap nito. Sangkaterbang laruan, mga damit at sapatos.

Naramdaman niya ang pag akbay ni Evo sa balikat niya, nilingon niya ang asawa. "Ang saya ni Cheche, siguradong maaga yang makakatulog dahil sa sobrang pagod." Tumaas ang kilay niya. Tila may ibang nais ipakahulugan ang asawa.

"Bakit may pinaplano ka?" Ngumisi ang asawa.

"Hindi na nasundan yung tatlong round natin sa banyo, gusto ulit kitang masolo nararamdaman kong parating na ang mga bunso natin kaya dapat makarami tayo."

Mga bunso? Anong sinasabi nito? Mula ng bumalik siya hindi na humiwalay sa kanya ang asawa. Nasasanay na siya sa prisensya nito ngunit hindi sa klase ng pagiging clingy nito. Malaki na talaga ang pinagbago ni Evo, talagang pinatutunayan nito na mahal talaga siya nito. Nasobrahan nga lang, kung minsan ay hindi na siya nilulubayan. Okay lang naman iyon sa kanya, pero ang hindi okay, ilang araw na din itong hindi pumapasok sa opisina. Ultimo sa pag ihi niya nakabantay pa.

Mabuti nga at hindi nagrereklamo ang mga kaibigan nito. Siya na kasi ang trinatrabaho ng kanyang asawa. Napakurap siya ng makita niyang naglalakad palapit sa kanila si Frenzy. Malapad ang ngiti nito, ang asawa niya ay nakasimangot naman.

"Hanggang kailan ka maglulungga sa bahay mo? Wala ka naman sigurong balak na iwan sakin ang trabaho mo? Kasi wala na akong time sa sarili ko dahil sa tatlong linggong pag absent mo," reklamo ni Frenzy sa asawa niya.

Parang batang tumulis naman ang nguso ni Evo, iiling iling niya itong kinurot sa tagiliran.

"Ouch, para san 'yon?" Sumimangot ito

Humalukipkip siya matapos dumistansya dito. Nakaharap siya sa asawa, nakahanda ng manita.

"Pumasok kana bukas, kung hindi, isang linggo ka ding walang boom boom." Umirap siya bago naglakad palapit sa anak niya, dinig pa niya ang panunukso ni Frenzy kay Evo.

"Boom panes!"

Alam niyang mayaman si Evo, kahit ilang buwan itong hindi magtrabaho mabubuhay naman sila, kaya lang paghinayaan naman niya ang asawa na hindi magtrabaho, tiyak na siya naman ang kawawa. Baka lagi siyang lupaypay sa kama. Mauubos din lagi ang energy niya, mas lalong madadagdagan ang kapangitan niya. Hindi pa naman kontento si Evo sa tatlong round.

Napangiwi siya ng may emahe na pumasok sa isip niya. Ayaw niyang magmukhang bilasang palaka sa tuwing aararuhin siya ni Evo.

"Mommy?" Napabalik sa wisyo si Shaina, hinarap niya ang anak.

"Ano yon?" tanong niya sa anak.

"Mommy, big girl na 'ko."

"Ano naman." Hindi niya makuha ang punto ng anak.

"Gusto, Cheche little sister, tatlo mommy." Umawang ang labi ni Shaina. Tatlo? Natampal niya ang noo.

Si Evo mga bunso, ang makulit na paslit, tatlong little sister. Oo nga at panget siya pero hindi siya inahing baboy.

Hinimas niya ang ulo ng anak. Inaalo, baka kasi naalog ang ulo ng tumalon-talon kanina sa pabitin.

"Saan mo naman nakuha ang little sister na yan, ha Cheche?"

Mahal mo kahit PANGET(COMPLETED)Where stories live. Discover now