Chapter 6

248 20 1
                                    

🍀🍀🍀

NANG matapos sila sa pagpapa salon at pagpapa massage, dinala naman si Shaina ng biyenan niya sa mall. Nag shopping sila, pinamili siya nito ng mga damit, sapatos at jewelry na ang iba ay tinanggihan na niya sa sobrang dami.

Napuno ang kotse ng mga paper bags dahil sa mga pinamili nila. Gabi na ng makabalik sila sa hotel.

"Dinner will be ready at seven, sabay na lang kayong bumaba ni Evo." Bilin ng biyenan niya bago ito umakyat sa sarili nitong suite.

Nasa hilera ng suite niya ang room ni Evo, parang hindi niya kaya na harapin ito baka singhalan lang siya ng asawa. Malalim ang pagbuntong hininga niya habang sakay pa din ng elevator. Nang muli iyong tumunog may isang lalake ang sumakay. Nasa twenty seventh floor ang suite niya samantalang sa sixteenth floor naman ang biyenan niya kaya mas nauna na itong lumabas ng lift.

"Filipina?" Napakurap siya at napalingon sa lalake na tanging kasakay niya sa elevator. Hindi naman niya pwedeng isipin na may iba itong kinakausap dahil sila lang ang tao doon.

Lumunok siya ng matiim siya nitong titigan, guwapo din ito, matangkad at mukhang may halong banyaga. Singkit ang mga mata nito, maputi ang balat at may berdeng mga mata. Hindi nga lang niya masasabi na pure blooded itong banyaga dahil itim na itim ang buhok nito.

"Done checking me out?" mapanuksong anito na ikinakurap ulit niya. Nag iwas siya ng tingin.

"Filipina nga ako, bakit mo tinatanong? Filipino ka din ba?" Si Shaina naman ang nagbalik ng tanong, nilingon ulit niya ito, hindi siya sigurado kung naintindihan nito ang tanong niya dahil hindi naman ito nagsalita. Baka naman nagkamali lang siya ng akala. Baka puro talaga ang pagiging banyaga nito, ipinagkamali lang niya sa kulay ng buhok.

Tila nabasa naman ng lalake ang tumatakbo sa isip niya.

"Yes, Filipino din ako, and half- Spanish." Napangiti na siya, tuluyan na din niya itong hinarap.

"Taga dito ka?" tanong niya.

"Just business," tipid namang sagot nito. Tumango siya. Hindi natapos ang maikling usapang iyon sa elevator, dahil pareho din sila ng floor ng binata. Mabilis silang nagkapalagayang loob na katulad din ng karanasan niya sa unang pakikipag usap kay Darrin, Zej at Yolk. Parang napapansin na talaga niya na madalas ay puro lalake ang nakikilala niya. Magiliw ding makipag usap sa kanya ang bagong kakilala. Si Evo lang talaga ang hantarang lumalait sa kanya. Nag usap pa sila ng lalake habang naglalakad.

Nagpalitan din sila ng pangalan, nalaman niya na isang business man si Travian Santillan. Nang makalabas sila ng lift napag usapan nila ang tungkol sa pambubully sa kanya ng mga classmate niya noong high school, saktong nasa tapat na siya ng room niya ng sabay silang tumawa ni Travian. Sa dulo ng pasilyo bukas din ang pinto ng silid kung saan umuukupa ang asawa niya. Nararamdaman niya ang mga titig ni Evo pero hindi siya lumingon. Nginitian niya si Travian, nagpaalam na siya sa binata.

"Sige, Travian, mauna na ako, goodnight."

"Alright see you when I see you, Yna. G'night." Tumango lang siya bago buksan ang pinto ng kwarto niya. Hindi niya alam na sa pagsara niya niyon mananatili pa ng ilang segundo si Travian sa tapat ng pintuan niya.

Sumilay ang matamis na ngiti sa labi ng binata. Masaya siya dahil sa biglaang pagkakakilala kay Shaina. Masarap kausap ang babae, sa susunod na pagkikita nila aalukin niya itong lumabas, gusto pa niya itong makilala ng husto. Mas masaya kung may madadagdag sa mga kaibigan niya.

Muli pa niyang sinulyapan ang nakasarang pinto ng silid ng dalaga bago siya naglakad patungo sa sariling silid. Sa likod niya ay nakasunod naman ang matatalim na mga mata ni Evo.

Mahal mo kahit PANGET(COMPLETED)Where stories live. Discover now