Chapter 5

237 20 3
                                    


Nagpa vaccine ako kahapon medyo nanakit ang ulo ko at braso kaya hindi ako nakapag notes kagabi, kaya ngayon palang ang upadte.

#keepsafeeveryone














🍀🍀🍀

BUSY sa pag i-empake si Shaina ng marinig niya ang ugong ng sasakyan ni Evo, nakapagtataka na maaga itong umuwi, ala sais y medya palang ng gabi.

Hindi na siya nagluto dahil susunduin siya ni Mang Kabo, sa mansion na siya kakain tutal madaling araw pa naman ang flight niya kasama ang mag asawang Wilson.

Isang malaking maleta ang dadalhin niya sapat sa dalawang linggong bihisan ang mga damit na inilagay niya doon. Isinara na niya ang zipper matapos makumpleto at masiguro na okay na ang mga dadalhin niya.

Alas otso siya susunduin ni Mang Kabo, pero tumawag ang biyenan niya na mapapaaga ang pagsundo sa kanya ng driver, para makatulog pa daw siya bago ang eksaktong flight nila.

Naligo na muna siya, nang matapos saka niya binitbit palabas ang maleta niya, sa labas na lang niya aantayin si Mang Kabo, hindi na din niya balak na magpaalam kay Evo. Nakakailang hakbang na siya ng maabutan si Evo sa sala. Nakaupo sa single counch ang asawa habang malalim ang tingin sa nakasarang bintana.

Hindi niya ito pinansin nagtuloy tuloy siyang humakbang palabas. Pero bago pa siya tuluyang makalabas tumayo na si Evo. Napahinto siya at mabilis na nagyuko ng ulo para maiwasan ang mga mata nito.

"Yan lang ba ang dala mo?" Saka palang siya nag angat ng ulo ng mapagtanto na para sa kanya ang tanong. Marahan ang naging pagtango niya. Nagulat naman siya ng maglakad ito palapit at agawin ang maleta niya, nauna na itong lumabas hila hila ang maleta niya.

"Evo!" habol na tawag niya sa asawa pero hindi man lang siya nilingon, mabilis niya itong sinundan at ganun na lang ang pagtataka niya ng ilagay nito sa likod ng kotse nito ang maleta niya. Lito niya itong tiningnan.

Blangko naman ang ekspresyon ng mukha nito ng bumaling sa kanya.

"May sakit ang asawa ni Mang Kabo, inutusan ako ni mommy na ihatid ka."

"Mag tataxi na lang ako," kinakabahang suhestiyon niya, hindi niya gustong makaabala. Ngunit sumama naman ang mukha ni Evo. Ayaw niya itong magalit kaya mabilis ang naging pagdipensa niya.

"Mapapagod ka pang magmaneho pag hinatid mo ako, kaya magtataxi na lang ako," paliwanag niya. Ngunit mas lalo namang sumama ang mukha ni Evo, samantalang concern lang naman siya dito, halos kauuwi lang nito at maghapon na din itong nasa opisina kaya dapat na itong magpahinga. Isa pa baka ulitin lang nito ang ginawa nito sa kanya three days ago. Muka namang nabasa ng binata ang tumatakbo sa isip niya.

"Hindi kita ibababa sa kung saan, ayoko lang na magalit si mommy, get in gumagabi na." Wala na siyang nagawa. Sumunod na lamang siya dito. Nang makalapit sa kotse nito ang balak niya ay sumakay sa passenger seat pero tinaliman siya ng mga mata ni Evo.

Iniisip lang naman niya ito, baka lang ayaw siyang katabi.

"I'm not your fcking driver," masungit na salita nito. Kagat ang labi na sumakay siya sa front seat. Pero dagli din siyang bumaba ng maalala na hindi pa pala nila na i-lock ang pinto ng bahay.

Nang ma-i-lock niya ang pinto saka palang ulit siya sumakay sa kotse ni Evo, tahimik siya buong biyahe. Ganun din ang asawa. Walang isa man sa kanila ang nagsasalita. Ngunit ng mag traffic bigla na lang nagsalita si Evo, isang bagay iyon na ikinabigla niya.

"I'm sorry about last night." Kinabahan siya habang namumula ang magkabilang pisngi. Kung ganun alam nitong siya ang katalik nito? O baka nagising ito habang tulog siya? Kung anu ano ang mga tanong na pumapasok sa isip ni Shaina. At hindi niya kayang tingnan sa mga mata ang asawa, nahihiya siya.

Mahal mo kahit PANGET(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon