Chapter 9

297 20 1
                                    

Spg alert....












🍀🍀🍀

NABIGLA ang mag asawang Wilson ng dalhin nila sa mansion si Shelby. Tuwang tuwa ang mag asawa. Panay ang papuri sa paslit na makulit. Ang ganda daw ng anak nila.

"Magand talaga mana sa asawa ko," nagmamalaking pakli ni Evo.

Natutuwa naman si Mrs. Wilson dahil mukhang babalik na sa dati ang nag iisang anak, bumalik na si Shaina ang tanging nagbibigay liwanag dito. Tumayo siya at niyakap ang manugang,

"Salamat at bumalik ka."

"Hindi po kayo galit?" Umiling ang ginang. "Naiintindihan kita kung nagawa mong iwan si Evo, alam ko na hindi pa gaanong nahahanap ng anak ko kung ano talaga ang gusto nya. Nahanap lang nya ng umalis ka. Ikaw ang dahilan ng pagbabago nya, anak," Nilingon ni Shaina si Evo.

Nakatingin din sa kanya ang asawa, nasasalamin sa mga mata ang pagmamahal. Wala ng mahabang paliwanagan mabilis na muling nagpatawad ang puso niya. Marahil kinain siya ng selos kaya siya umalis, maling desisyon na tiyak na pagsisisihan niya kung pinatagal pa niya. Napangiwi siya pinatagal nga pala niya, umabot din ng tatlong taon. Ngunit pwede naman sigurong bumawi?

"Mahal ko po si Evo, walang dahilan para hindi ako bumalik." Namasa ang mga mata ni Mrs. Wilson, hindi nagsisisi na ipinakasal ang anak kay Shaina. Tama siya ng babaeng napili para sa kanyang anak.

Muli niyang niyakap si Shaina, inaya niya ang mag anak na kumain sa mansion doon na din niya pinatulog dahil ayaw pang umalis ni Shelby. Nagustuhan ang mga laruan na binili ng abuelo nito. Palibhasa ay unang apo kaya sinusubukan ng i-spoiled.

NANG makatulog si Shelby, saka palang nagkaroon ng pagkakataon sa isa't isa si Shaina at Evo. Kapwa na sila nakahiga sa kama at napagigitnaan ni Shelby.

"Akala ko masosolo kita, hindi ko alam clingy din pala ang panganay natin." Natawa siya.

"Mas clingy ka naman, hindi ka pumasok sa opisina sinamahan mo pa kami papunta dito."

"Dahil gusto ko, saka tatlong taon kitang hindi nakasama bumabawi lang ako. Ang opisina ko hindi naman aalis pag iniwan ko, pero pag ikaw ang iniwan ko baka ikaw ang umalis at tuluyan ka na talagang mawala." Napangiti si Shaina sa pagrarason ng asawa.

Tumagilid siya ng higa paharap kay Evo ganun din ang ginawa nito.

"Pano mo nga pala nalaman na si Darrin ang nagtago sakin?" nangingiti pa din na tanong niya. Sumama naman ang mukha nito.

"Obvious ba e patay na patay yata sayo ang damuho na yon." Natawa siya.

"Imposible 'yan, kaibigan ko lang talaga si Darrin," dipensa niya. Sumimangot naman si Evo.

"Tinanong kita dati kong ano mo sya? Kung may relasyon ba kayo pero hindi mo ako sinagot." Naalala nga niya iyon.

"E kasi akala ko binibilog mo lang ang ulo ko, akala ko nakikipaglapit ka sakin para gumawa din ng dahilan at sa huli ay pasasakitan ako. Hindi ko sinabi na nauna ko ng nakilala si Darrin, bago mo pa sya ipakilala sakin dito sa mansion, kasi akala ko itinatanong mo lang yon para paratangan ako at sa huli gagamitin mo iyon para pasakitan naman ako. Malay kong sinusubukan mo na pala na mahalin ako," mahabang paliwanag niya.

Inabot ni Evo ang pisngi niya. May pagsuyo sa kislap ng mga mata nito. "Araw araw kitang hinanap, hindi ako tumigil kahit panay ang iwas ni Darrin. Buong akala ko sumama kana sa kanya, na ipinagpalit mo na ako, na masaya kana sa piling nya kaya hindi kita makita. Hindi ko din naisip na sundan si Darrin. Sinapak ko lang pero hindi ko naman sinundan. Sana pala ginawa ko para napadali ang paghahanap ko sayo."

Mahal mo kahit PANGET(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon