Chapter 4

242 19 3
                                    


🍀🍀🍀

"FCK brad," tinaliman ni Evo ng mga mata si Frenzy, nakatitig pa din ito sa main door, siya ay nakaigting na ang panga hinahanda ang sarili sa pambubuska nito. Tiyak na anomang sandali ay pipintasan na siya ng kumag. Pero ilang segundo na ang lumipas hindi nangyari ang inaasahan niya. Nagpalipat lipat ang tingin niya sa mga kaibigan niya na pawang nakaawang ang mga labi. Iritado niyang nilingon ang main door at siya ay bahagya ding napaawang.

"Bagay na bagay sayo ang damit mo, hija, halika ng makilala mo ang mga kaibigan ng asawa mo," dinig niyang salita ng mommy niya, pero nanatiling na kay Shaina ang mga mata niya.

Iyon ang unang beses na nakita niya itong nagsuot ng dress, hindi niya akalaing may itinatagong magandang hubog ng katawan si Shaina. Humahakab sa katawan nito ang suot na light yellow dress, kita din ang cleavage nito na noon lang niya napansin na malalaki ang pagkakahulma. Sa hindi malamang dahilan pumintig ang pagkalalake niya. Napigilan lang niya ang sarili ng mapadako sa mukha nito. Tsk! Panget pa din ito at walang panama sa ganda ng nobya niya. Napaiwas siya ng tingin.

"Evo, anak, ipakilala mo ang asawa mo," may kalakip na diin sa boses ng kanyang ina. Umismid siya at sinikap na huwag samyuhin ang bango ng asawa na bigla na lang nanuot sa ilong niya ng tumayo ito malapit sa kinauupuan niya.

"Shaina, meet my friends," matabang na panimula niya. Binabanggit palang niya ang pangalan ng mga kaibigan nang sabay na tumayo sina Frenzy at Yolk.

"Hi beautiful, nice to meet you." Si Frenzy na nauna ng kamayan si Shaina.

"Hey, nice seeing you again, Yna." Nagulat silang lahat sa salitang iyon ni Yolk, lalo na ang ginawa nitong pag abot sa kamay ni Shaina at humalik pa doon. Namula ang mga pisngi ng babae na ikinairita niya.

"Magkakilala kayo?" Si Frenzy na may pagdududa sa mukha. Intrigero talaga kahit kailan.

"Nagkakilala palang kami," tipid na sagot ni Yolk bago bumalik sa upuan nito. Sunod na lumapit kay Shaina ang tatlo pa niyang kaibigan. Kaswal na nagpakilala si Ico at Hanz ganun din si Darrin. Ngunit ang huli ay hindi niya mawari kung bakit parang may kakaiba sa mga titig nito kay Shaina, o guni-guni lang niya? Hindi na rin nilulubayan ni Darrin ng tingin ang asawa niya hanggang sa komedor.

"Kumain kayo ng marami." Anang mommy niya ng dumulog sila sa hapag.

Kanina pa siya nawawalan ng gana dahil nag uunahan ang mga kaibigan niya na lagyan ng pagkain ang pinggan ni Shaina. Hindi siya natutuwa sa nakikita. Hindi iyon ang inaasahan niyang magiging reaksyon ng mga ito matapos makilala si Shaina.

"Kain ka pa, Yna."

"Ito Yna, masarap 'to."

"Here taste this."

"Try this, Yna."

"Do you want more?" Si Darrin na siyang pinakahuling nag alok ng ulam kahit puno na ang plato ni Shaina.

"Ahm... Mauubos ko ba yan?" Baka naman malagutan na ako ng hininga sa sobrang kabusugan?" Nakangiwi na si Shaina pero ayaw pa ding magpaawat ng mga kaibigan ni Evo partikular si Darrin. Kulang na lang subuan nito si Shaina.

"Can you please stop, kumain na lang kayo ng tahimik," iritableng saway niya sa mga ito pero pabalang lang siyang sinagot ni Darrin.

"Bakit pakakainin mo ba siya kung titigil kami?" Napatingin siya kay Darrin seryoso itong nakatitig sa kanya. May kakaiba sa mga titig nito, tila naghahamon. Ang salita nito ay may kalakip na anghang at insulto, tila may laman at may pinatutunguhan.

"Kung hindi mo kaya ako ang gagawa, ikaw ang manahimik." Nag igting ang panga niya, hindi niya nagustuhan ang sinabi nito, parang may kalakip na kahulugan iyon at nanggigigil siya sa ideyang may malalim na dahilan ang mga binitawan nitong salita. Naiirita siya habang nakikipagtagisan ng tingin kay Darrin. Handa na niya itong sapakin ng magsalita si Shaina.

Mahal mo kahit PANGET(COMPLETED)Where stories live. Discover now