Chapter 8

319 24 5
                                    

🍀🍀🍀

TAPOS na ang dalawang linggong bakasyon nila sa France, hindi inaasahan ni Evo na mae-enjoy niya ang pagpunta sa nasabing bansa kahit nagmula ang manipulasyon sa kanyang mga magulang.

Masaya siya lalo pa at ilang ulit silang nagsalo sa isang mainit na tagpo ng kanyang asawa. Nilingon niya si Shaina, sa tabi niya mahimbing itong natutulog. Napagod sa huling pamamasyal nila bago ang pagsakay nila sa eroplano. Sa likod niya tulog din ang mga magulang habang sa unahan nakaupo naman ang kaibigan, alam niyang nakikiramdam lang si Darrin.

Kanina ay nag usap sila bago ang kanilang flight. Ipinaalala sa kanya ng kaibigan ang naging usapan nila, nakita niya ang iritasyon sa mukha nito dahil tila lumilihis siya sa usapan. Hindi rin niya alam kung bakit ganun ang ginawa niya, ngunit simula ng maangkin ulit niya si Shaina marami ang nagbago sa kanya. May mga damdamin siyang nagising at lahat ng iyon paukol sa asawa.

Kahit si Darrin nagulat ng sabihin niyang handa na siyang mahalin si Shaina. Paano si Kaylee? Iyon ang tanong nito sa kanya na madali naman niyang nasagot. Handa siyang harapin ang dating nobya, ngunit hindi na dapat ito umasa na may babalikan pa dahil nagbago na ang isip niya, wala na siyang balak na bumalik pa dito.

Hindi niya alam kung ano ang nagtulak sa kanya para mapabago ang isip niya. Kahit si Darrin nagagalit sa naging desisyon niya, baka paglaruan lang daw niya si Shaina. Wag daw siyang bumuo ng isang pasya na hindi muna niya pinag iisipan, pakiramdam niya napakaraming alam ni Darrin patungkol sa pagsasama nila ni Shaina. Napakadali para dito ang sabihin sa kanya na hindi ang katulad niya ang magmamahal sa asawa niya. Ang inaasal ni Darrin ay hindi concern ng isang kaibigan kundi ng taong naagawan.

Marahil hindi pa nga niya mahal si Shaina—hindi pa sa ngayon; tawag ng makamundong pagnanasa ang tanging namamagitan sa kanila, ngunit maaari naman niya iyong matutuhan. Wala siyang balak na kagatin ang suhestiyon ni Darrin, ang iwanan si Shaina at balikan na lamang si Kaylee. Para ano? Para ito ang pumalit sa kanya? Handa nitong tanggapin kahit napagsawaan na niya, ganun ito handang magpakababa. Nairita si Evo sa isiping iyon, sa France ay iritable na siya sa pagiging malapit nito kay Shaina, isa marahil iyon sa dahilan ng pagbabago niya. Napabuntong hininga siya, ayaw na niyang mag isip sumasakit lang ang ulo niya.

Nakarating na sila sa kanilang bahay, muntik pa niyang maiikot ang mga mata ng mahigpit na yakapin ni Darrin si Shaina. At sa harap pa ng mga magulang niya! Para bang matagal na hindi nagkita ang dalawa. Kulang na lang hilahin niya ang asawa palayo kay Darrin. Nagseselos siya!

"Bakit nakasimangot ka?" malumanay na tanong ng asawa ng makapasok sila sa kanilang bahay. Nilingon niya ito, matagal siyang tumitig sa mukha nito. Totoong hindi ito maganda, malayong malayo ang itsura nito kay Kaylee, pero nitong nakalipas na ilang araw, tila nasasanay na siya na titigan ang mukha nito ng hindi siya naiirita.

"Anong relasyon mo kay, Darrin?" masungit na tanong niya. Umawang ang labi nito nagulat marahil sa tanong niya. Blangko ang ekspresyon ng mukha ni Evo, si Shaina ay nakatitig naman sa asawa inaaral ang bawat sulok ng mukha nito. Hinahanapan ng problema. Ano at naitanong nito ang ganun? Sa itsura nito para itong may pinaghuhugutan.

Masaya naman sila sa bakasyon slash honeymoon nila sa France. Ngunit bakit para itong nang aakusa. Bakit siya tatanungin ng isang bagay na hindi naman niya alam ang kasagutan. Wala naman silang relasyon ni Darrin kaya bakit ito nagtatanong? Imposible naman na iniisip nito na may namamagitan sa kanila ni Darrin? Siya at si Darrin‽ Kung sakaling iyon nga ang nasa isip nito; isa iyong kalokohan!

"Ano mo sya? Magkakilala na ba kayo dati kaya kung umasta sya parang may nakaraan kayo." Nanlaki ang mga mata ni Shaina. Tila hindi lang paghihinala ang pagtatanong nito may halo na iyong pang aakusa, paraan ba nito iyon para tapusin ang saglit na paraisong pinagsaluhan nila. Paghihinalaan siya para dispatsahin. Malaking sampal iyon sa pagkatao niya. Siya na panget makukuha pang mangaliwa. Siya na ang juicy kung ganun.

Mahal mo kahit PANGET(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon