Chapter 2

214 18 2
                                    


🍀🍀🍀

HINDI na ulit nasundan ang pagpapaluto sa kanya ni Evo, naulit muli ang routine ng asawa at halos hindi na sila nagkikita.

Sa umaga pagkatapos mag almusal ay umaalis si Shaina, sumasabay nang almusal kay Darrin. Alam na ng binata ang sitwasyon nila ni Evo, hindi naman ito nagkukomento. Pero lagi pa ding nagpapahaging sa kanya na kapag sinaktan siya ni Evo. Ito daw ang sasalo sa kanya. Handa daw itong mahalin at alagaan siya.

Nakakataba ng puso na marinig iyon sa binata. Guwapo ito at halos hindi na lubayan ng tingin ng mga babaeng nakakakita dito. Swerte ang babaeng mamahalin nito. Ngunit hindi niya naisip na magiging sila ni Darrin. Kung maghihiwalay man sila ni Evo; ang asawa pa din ang pipiliin niya kahit masaktan pa siya. Lagi niya iyong sinasabi sa sarili at alam niyang makakaya niya iyong panindigan.

"So *ssh*le ulit ang asawa mo?" Nag angat siya ng tingin kay Darrin. Nakataas ang isang kilay nito habang inaantay ang sagot niya.

"Busy lang sya, saka kahit paano kinakain naman nya ang almusal na niluluto ko," proud na sabi niya. Umismid naman ang binata. Makailang ulit na niyang ipinagtatanggol si Evo kahit hindi naman niya direktang nakikita kung kinakain nga ng asawa ang almusal na inihahanda niya.

"Bakit kasi hindi mo sabihin sakin ang buong pangalan ng asawa mo para mapaimbestigahan ko. Malaman mo man lang kung sino ang laging kasama." Umiling siya umapila sa suhestiyon ng binata.

"Ayoko, hindi naman nya pinakikialamanan ang mga ginagawa ko, kaya ayoko ding gawin 'yon sa kanya. Hayaan na lang natin, ang mahalaga masaya sya." Bahaw ang naging tawa ni Darrin, hindi ito makapaniwalang tumitig sa mukha niya. Iniisip marahil nito na siya ang buhay na patunay na may martir pa ding nabubuhay sa mundo. At siya ang pinaka numero unong martir sa lahat.

"He's a lucky bastard huh?" Hindi na lamang siya nagkomento. Ipinagpatuloy na lamang nila ang pagkain sa cafe ng pinsan nito. Doon sila madalas na kumakain ng binata. Pagkatapos siya nitong samahang mag grocery. Halos araw araw siyang nag gogrocery ng mga ingredients para sa macaroons na paninda niya. Parati kaisng nasos-sold out. Hindi rin naman siya makapag stock ng madaming ingredients dahil hinikayat siya ni Darrin na laging mag grocery.

Handang maglaan ng oras ang binata para samahan siya, kahit alam niyang abala na siya dito. Mas lamang pa nga yata ang oras na inilalaan nito sa pagsama sa kanya kaysa sa trabaho nito.

May pagkakataon na naiisip din ni Shaina na mali na samahan niya si Darrin, o makipag usap dito. Pero sa tuwing naiisip niya na hindi normal ang relasyon niya sa asawa iniisip na lang niya na walang mali. Na isang pakikipagkaibigan lang ang dahilan kung bakit pumapayag siya na laging kasama si Darrin. At kahit may asawa na siya, alam niyang hindi naman maiisip ni Evo na pagselosan si Darrin. Masyado siyang panget para pag agawan ng dalawang guwapong lalake.

Sa huli naiisip din ni Shaina na ang ganoong kaisipan ay tiyak na tatawanan lang ni Evo.

Matapos ang tanghalian nila, umuwi na siya sa bahay para maglinis. Nang matapos siya naisipan niyang manood ng paburito niyang koreanobela. Tahimik siyang naupo sa sofa matapos magluto ng popcorn.

Kinikilig pa siya habang nakatitig sa screen ng tv kung saan pinapalabas ang paburito niyang korean actor.

"Ang guwapo mo talaga," nakangiti at nangangarap na usal niya habang nakatitig sa actor. Kumakain siya ng popcorn at hindi mapuknat ang ngiti sa kanyang mga labi.

"Hala, ang guwapo talaga."

"Who?" Nabitin sa ere ang pagsubo ni Shaina sa popcorn ng lumitaw sa pinto ang asawa niya. Nakatitig ito sa kanya habang may kunot sa noo. Muntik pa siyang masamid dahil sa pagkapahiya.

Mahal mo kahit PANGET(COMPLETED)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora