CHAPTER 5 "SPORTS CLUB APPLICATION"

353 17 1
                                    

Lester's POV

Nakuha ko na ang application form na pinrint ni Annika. Pagkabalik ko ay nakita kong tinutulungan nina Mark at Kenn si Saphire sa pagpulot nang mga gamit nito. Pagkalipat ko nang tingin kay Kieth ay para itong nagulat. Hindi siguro nito inasahang makikita si Mark dito sa booth. Umalis na si Saphire at tinulungan ito ni Kenn sa pagdala nang kanyang mga gamit. Nilapitan ko sa si Mark, at para itong namumula.

" Uy Mark, ayos kalang? Bakit ang pula nang mukha mo?" Tanong ko

"Aa-ahh wala, ok lang ako." Sagot nya at ngumiti.

"Ok, heto nga pala ang form. Sagutin nyo muna ni Kenn, pagkatapos ay pwede nyo na akong tulungan sa mga kailangang gawin dito sa booth." Sagot ko naman sa kanya.

"Ok, kaso wala kasi akong dalang ballpen" sabi naman nito.

"Ballpen? Heto ballpen!" Biglang sulpot naman ni Kenn sabay lahad ng isang ballpen.

"Oh, anjan kana pala. Akala ko ininjan mo na ako." Sabi naman si Mark sabay tawa

" Sorry naman. " Sagot naman ni Kenn.

"Sige na at sagutin nyo na itong form at medjo marami pa tayong gagawin." Sabi ko naman sa dalawa. Kaya dinala ko silang dalawa sa mesa kung saan nakaupo si Kieth. Busy kasi ito sa pag oorganize para sa Club opening bukas.

" Oh sya, maiwan ko muna kayo at ihahanda ko lang yung materials na aayusin natin" pagpapaalam ko sa dalawa.

Keith's POV

Kringg!!! Kringg!!!
Nagising ako sa alarm nang cellphone ko. 5:30 Am palang ng umaga.  Marami pa kasi kaming gagawin para sa preparations sa club opening bukas kaya kailangan kong gumayak nang maaga. Agad akong bumangon at tiningnan ang kabilang kama. Tulog pa ang roommate ko, hindi ko alam kung anong oras sya nakauwi kagabi kasi nakatulog ako. Pake ko ba naman?
Kaya naligo na ako at nag-ayos.  Dahan dahan ako sa bawat galaw dahil ayokong magising tong roommate ko, hindi dahil sa concern ako kundi dahil ayaw kong makausap sya. 
Lumabas na ako nang kwarto at agad na pumunta sa cafeteria. Dito kami mg aalmusal nang mga kaibigan ko. Naghanap ako nang mauupuan. Di nagtagal ay dumating na sina Lester, Josh at Justin.

" Hi Captain good morning! " Pasigaw na bati nilang tatlo sa akin habang dala ang mga pagkain. Nagtinginan naman ang mga estudyante dito sa cafeteria.
" Hoy! Ke-aga aga eh ang lakas na nang trip nyo! Dalian nyo at gutom na ako!" Sabi ko sa kanila

Kumain na kami at nagkwentuhan tungkol sa mga gagawin namin ngayong araw. Buti naman at hindi na sila nagtanong tungkol sa nangyari kagabi.
Magiging sobrang busy nang araw na to. Pagkatapos naming kumain ay dumiretso na agad kami sa gym. Dito kasi kami magtatayo ng booth para sa opening ng clubs bukas. 

"Uy, Josh. Ok naba yung mga posters?" Tanong ko kay Josh

"Oo, heto nga pala. Kami nalang dalawa ni Justin ang magkakabit nito." Sagot naman nya

"Sige, heto ang spots na lalagyan nyo ng posters." Tsaka ko binigay ang school map na may mga markings.

" Grabe Captain! Sobrang detailed mo talaga pagdating sa mga gawain!" Sigaw sabay palakpak ni Justin . Tsk! Parang bata talaga.

"Tsss. Sige na, mag umpisa na kayo. At marami pa tayong tatapusin." Sabi ko sa kanila

At umalis na nga ang dalawa. Hayy! Yung dalawang yun talaga, hindi mapaghiwalay!
Inorganize ko na ang mga gagawin namin para sa preparation. Kaming mga nasa volleyball team ang nakatoka dito sa pag gawa ng booth habang ang ibang members naman ay nag-aayos sa sports club room.

"Annika, nabasa mo na ba ang inemail ko sayo na format ng forms?" Tanilong ko sa Secretary ng Sports Club.

"Ahh, oo Keith. Binago mo pala ang form. Ibang-iba sa forms last year." Sagot nya

"Oo, binago ko na yung format para mas madaling masagutan ng mga gustong sumali sa club natin." Sagot ko naman.

"Mabuti naman at naisipan mo yun. Yung form last year parang exam sa dami ng tanong. Yung iba, hindi naman related sa sports! Hahaha" sabi ni Annika sabay tawa.

"Uyyy, anong pinagtatawanan nyo? Sali ako!" Singit naman ni Lester.

"Wala kana dun! Haha" sagot ko

"Napakasama mo talaga Captain! Ang damot!" Sabi ni Lester sabay pout.

" Hoy Lester! Napano yang bibig mo? Nakagat kaba ng langgam? Hahaha!"  Sabi naman ni Annika

" Isa kapang madamot!" Sagot ni Lester

" Oh siya tama na yan Lester. Pumunta ka nalang sa SCR(Sports Club Room) at kunin mo yung mga materials para sa booth nang may magawa ka naman." Sabi ko sa kanya.

Wala naman itong nagawa. Nag Pugay- Kamay muna ito bago tumalikod. Si Lester talaga parang timang. Tsk!

Busy ako sa mga pagaasikaso ng mga files nang biglang may narinig akong parang nagbagsakang mga gamit.
Nakita ko yung roommate ko na may kasamang lalaki at si Lester. Anong ginagawa nya rito? Tanong ko sa sarili ko.
Tinulungan nila yung babaeng nakabanggaan nila. Tsk! Gentleman? Pwe!
Teka? Ano bang pake ko? Tsss
Nagkasalubong ang aming mga mata at bigla nyang iniwas ang kanyang nga mata at tila naging kamatis sa pula ang mukha nito. Anong problema nya?
Pinabayaan ko na lamang sya at ipinagpatuloy ang aking ginagawa.

"Uy Keith, pwede bang makiupo sina Mark at Kenn dito? Sasagot lang sila ng form". sabi ni Lester na syang ikina-angat ng mukha ko. Nakita ko yung roommate ko at ang kasama nitong lalaki na Kenn daw ang pangalan.May dala dalang form para sa sports club. Athlete pala tong mokong nato? 

"Sige." Tipid kong sagot.

"Oh sya, maiwan ko muna kayo at ihahanda ko lang yung materials na aayusin natin"  sabi ni Lester sa kanila at tuluyan nang umalis.

"Uhmmm, excuse me Keith. Pwede ba kaming umupo nang kaibigan ko dito?" Tanong naman ng roommate ko.
Napaangat naman ang kilay ko sa tanong nya. Hindi ko naman inaksaya pa ang laway ko at tumango na lamang. Kailan ba ako lulubayan nang lalaking to? Ok na sana at medjo tanggap ko na ang kapalaran ko na maging roomate sya, pero yung sasali pa sya sa sports club? Kailangan ba talaga kung nasaan ako eh naroon rin sya? Hayyy!!! Kapalaran nga naman! Nakakainis!

A/N: Hello readers! How's Chapter 5?  I hope you enjoyed it. Thank you sa pagbabasa and the next episode will be uploaded soon. Stay safe and I love you all.

-KRYSTAL

Making You MineWhere stories live. Discover now