CHAPTER 10 "FIRST LOVE"

290 14 1
                                    

LESTER'S POV

Pagkatapos ng higit kalahating oras ng pag-iyak ay nahimasmasan na si Keith. Kumalas na rin ito sa pagkakayakap kay Keith. Mugtong-mugto ang mga mata nito.

"Sorry guys. Hindi ko alam kung paano ipapaliwanag ang-"

"Wag kang mag-alala Keith. Alam naming sasabihin mo ang bagay na yan sa tamang panahon. Pero sa ngayon, kailangan muna nating tapusin ang mga dapat nating gawin dito sa booth. Magpahinga kana muna dito sa loob, at aasikasuhin muna namin ang mga estudyante sa labas." putol ko sa sasabihin nya. Napatango na lamang ito.

"Ano bang nangyari kanina Les? Nagulat nalang kaming lahat. Bakit mo ba sinuntok yung lalaki?" Tanong ni Josh sa akin nang makabalik ako sa pwesto ko kanina.

"Hindi ko kasi gusto yung mga sinasabi nya. Puro kabastusan ang mga lumalabas sa mga labi nya." sagot ko. 

"Sino kaya yon? Bakit parang kilalang-kilala nya si Keith?" Tanong naman ni Justin.

"Wala akong ideya eh. Pero hintayin nalang natin syang magkwento. Alam kong sasabihin nya rin sa atin." sagot ko.

******

Alas kwatro na nang hapon nang matapos ang club hunting. Marami-rami ring mga estudyante ang nag sign up para sa club. Pagkapasok ko sa loob ng booth ay makita ko si Keith na nakatulog sa mesa. Tila napagod ito sa nangyari kanina. Buti nalang at tinulungan kami nina Mark at Kenn sa pag-aasikaso ng mga estudyante kanina.  

"Salamat Mark at Kenn sa tulong ah. " sabi ko sa kanila habang nagliligpit kami ng mga gamit.

"Wala yon. Masaya kaming makatulong." sagot naman ni Kenn. Di nagtagal ay natapos na kami sa pagliligpit. Nagising na rin Keith. Nauna nang umuwi sina Annika,Nate at Paulo ,kaming anim nalang ang naiwan dito. 

"Keith, ayos kana ba?" tanong ko kay Keith.

"Oo. Ok na ako. Sorry nga pala sa nangyari kanina guys." hinging paumanhin nya sabay yuko.

"Ok lang yon. Ano kaba. Ang importante ay ok kana." sabi ni Justin sabay yakap kay Keith. Kaya napayakap na rin si Josh kay Keith. 

"Oyy, sali ako! Ang daya nyo! Hindi nyo ako sinasali sa group hug!" sabi ko sabay yakap sa kanila. Napatawa naman si Keith.

"Salamat guys. Ang swerte ko dahil nagkaroon ako ng kaibigan na tulad nyo." sabi ni Keith.

"Ikaw pa. Malakas ka sa amin." Sagot naman ni Josh.

"Tama na ang drama at baka mag-iyakan pa tayo. Umuwi na tayo't magpahinga." Sabi ko naman  sa kanila.

Kaya naglakad na kami papuntang dorm. Di nagtagal ay nakarating na kami sa building A. 

"Una na ako guys. See you tomorrow." Sabi ni Kenn sabay bow ng 90 degrees. Napatawa naman kaming lahat.

"Sige, salamat sa pagtulong sa booth Kenn." sabi ni Keith. Nagthumbs up lang ito tsaka tuluyan nang pumasok sa dorm nya.

Nagpatuloy na kami sa paglalakad hanggang sa makarating na kami sa building B. 

"Mauna na kayo guys. Pupunta muna kami sa mall, magrerestock lang kami ng fridge namin." sabi ni Josh sabay akbay kay Justin.

"Oh, tamang-tama. Pupunta rin pala ako ng mall." sabi ko. Sabay senyas kay Josh na sasama ako.

"Ha? Diba sabi mo may gaga-" di na natapos ni Justin ang sasabihin nito nang takpan ni Josh ang bibig nito.

"Hindi, Love. Sasama sya sa atin ngayon diba?" pangungumbinsi ni Josh kay Justin. Napatango na lamang si Justin na tila naguguluhan pa rin sa nangyayari.

Making You MineWhere stories live. Discover now