CHAPTER 3 "THE SNOB"

626 19 8
                                    

Keith's POV

"Teka! Anong pangal----boogshh!" Hndi ko na narinig ang buong  sinabi nya at pabagsak kong isinara ang pintuan. Kung hindi pa ako umalis ay baka nakita nya kung gaano na ka pula ang mukha ko ngayon. Teka bakit ako nag blu-blush??!! Bwisit na lalaking yon! Muntik na akong lumundag sa kama ko kanina dahil sa sobrang lapit ng mukha nya sa akin. At cute daw ako? Ang sarap nyang upakan!
'Lester san ka?' txt ko kay Lester
' Nandito pa ako sa Starexmall. Pauwi narin ako jan sa dorm." Reply nya sa akin.
' Hintayin mo nalang ako jan. Kailangan kong magpalamig. ' reply ko
' Bakit? Anong nangyari?' reply nya
' Basta, mahabang kwento. '
'Ok captain' Lester
Patay! Nakalimutan kong wala pala akong dalang kotse! Paano ako makaka-punta sa mall nito? Hayyyy!

*Lester POV*
Hi everyone! kilala nyo naman siguro ako pero magpapakilala parin ako. Ako pala si Lester Corpuz, 18 years old. 2nd year BSIT student. Varsity ng Volleyball team ng school. Sa aming tatlo nina Josh at Justin ay ako ang closest friend ni Keith. Hindi ko alam kung paano kami naging ganito ka close. Basta yung feeling na nag-click agad kami. Pareho kasi kaming seryoso sa volleyball. Nung una napaka-sungit nya sa akin, pero nung nagtagal eh nagkapalagayan narin kami ng loob. Yung about sa past nya, Oo, alam ko ang past nya. Sinabi nya sa akin ang tungkol dun.  At hindi ako nagdalawang isip na tanggapin at intindihin sya. Doon ko na na- realize kung bakit sya ilap sa mga lalaki. Napakabuti nyang kaibigan kahit minsan eh sobrang mainitin ang ulo nito. Speaking of Keith, kanina pa ako maghihintay sa kany dito sa Starex Mall. Mag si-six na ng gabi.
'Keith? Saan kana? Kanina pa ako naghihintay dito.' txt ko sa kanya
'Malapit na ako. Nahirapan kasi ako sa pagcommute' reply nya sa akin
Hayyy, bakit kasi hindi nya dinala ang kotse nya.
After 10 minutes ay dumating na rin sya.
" Akala ko bukas kapa dadating!" Biro ko sa kanya
" Pasensya naman, ang hirap kaya mag commute! "Sabi nya
" Saan ba kotse mo?" Tanong ko sa kanya habang papasok kami ng starbucks
"Kinuha ni Daddy. Di ko na raw kailangan ng kotse kasi nasa school dorm na ako." Sabi nya.
"Tsk! So ano bang kina-iinit ng ulo mo? " Tanong ko sa kanya.
" Yung roommate ko! Hindi ko gusto ang tabas ng dila nya! " Sabi nya habang lumalaki ang butas ng ilong nito sa inis
"Oh, relax. Ano bang nangyari?" Tanong ko sa kanya. Ikinuwento nya ang nangyari sa first meeting nya with his roommate.
"Pfftt!! Hahaha, mukhang tinamaan yata sayo captain!" Pang-aasar ko sa kanya
" Tigilan moko Lester! Isa kapa! " Sabi nya
" Hayaan mo na captain, baka talagang mapagbiro lang yung tao. Wag mo nalang pansinin." Sabi ko sa kanya
" Talagang hindi ko sya papansinin! " Sabi pa nya
Hayyy, mukhang magiging exciting ang dorm journey ni Keith ah. I can't wait to meet his playful roommate.

Keith's POV
Pagkatapos naming magpalamig ni Lester sa Starbucks ay nagpasya na kaming bumalik ng dorm. Buti nalang at may kotse tong mokong nato. Hindi na talaga ako mag cocommute. Nakakapagod!
Nang makarating na kami sa tapat ng pinto ay may narinig kaming nagtatawanan mula sa loob ng kwarto ko.
" Kita mo na! Kakabago palang sa dorm eh may pinapasok na sa kwarto namin! Naku!! Masasapak ko talaga to! " Pubulong na sabi ko kay Lester.
Hindi ko na sya hinintay na sumagot at pabiglang binuksan ang pinto ng kwarto namin. Pagkabukas ko ng pinto ay naabutan naming nagtatawan sina Josh, Justin at ang roomate kong adik.
" Uy captain! Ang cute naman nitong roomate mo!" Sabi ni Justin sa akin sabay ngiti ng nakakaloko.
" Oo nga captain, ang sarap nyang kausap!" Dagdag pa ni Josh
" Ah ganon? Gusto nyong maka-100 laps sa First day?" Tanong ko sa kanila habang nakangisi. Gusto nyo ng asaran ha? Tingnan natin ngayon.
" T-teka captain! Wala namang ganyanan! " Napatayo naman bigla si Josh.
" Sorry na Captain. Di kanaman mabiro. Tara dinner tayo, libre ko!" Sabi naman ni Justin.
" Oo captain, kahit saan mo gusto. Lilibrehan namin!" Sabat naman ulit ni Josh.
" Ayan na Keith, libre daw! Arat na!" Sabi ni Lester with matching palakpak.
" Jan ka naman mabilis Lester eh, sa libre. Tingnan mo yang katawan mo. Para kanang balyena sa laki ng tyan mo!" Sabi ni Josh kay Lester
" Captain oh!! Inaaway ako ni Jo--"
" Tahimik!!! Ang ingay ingay nyo!!!" Sigaw ko sa kanila. Kapag talaga magkakasama tong tatlong to daig pa ang perya sa ingay.
" Uhmmm--- escuse me. Pwede ba akong sumama sa dinner nyo?" Kuha pansin ng roommate ko. Nakalimutan kong nandito pala sya.
" Hindi!" Ako
"SIGE!! "  sigaw ni Lester. Sabay pa talaga kami sa pagsagot.
"Talaga?! " Roommate ko
" Hayyy ewan ko sa inyo.  Tayo na!  " inis kong sagot sa kanila.

Bumaba na kaming lima sa Cafeteria. Medjo marami na rin ang mga estudyante na nag didinner dito.
"Maghanap na kayo na pwesto at kami na ni Justin ang mag-ooder." Sabi ni Josh
Kaya ayun naghanap na kami ng bakanteng mesa.
"Dito ka maupo Captain!" Sabi ni Lester
Umupo naman ako sa tabi ni Lester, habang yung roomate ko naman ay nanatiling nakatayo,
"Uy roommate ni Captain, jan ka naman maupo!"sabi ulit ni Lester sabay turo sa upuan na katapat ko. Napatingin naman ako kay Lester ng masama, ano na naman ang pinaplano ng mokong nato?
"Ah sige".sagot naman ng roomate ko.
"Anong pangalan mo?" Panimula ni Lester sa usapan. Kinuha ko nalang ang cp at headphone ko, hindi naman ako interesado sa isang to. Maglalaro nalang ako. Ang tagal naman kasi nina Josh at Justin!

Lester's POV
"Ako si Mark Dela Cruz" sagot ng roommate ni Keith. So Mark pala ang pangalan nya. May naisip akong kalokohan, tingnan ko nga kung natamaan to kay Keith.
"Ako naman si Lester, boyfriend ni Keith." Sabi ko naman sa kanya ng nakangiti at inilahad ko ang kamay ko sa kanya, napaangat naman ng tingin si Keith, pero agad rin itong bumalik sa cp nito. Napatingin naman si Mark kay Keith na parang nanghihinayang.
"Ah, ganon ba" alanganin syang ngumiti sabay tanggap sa kamay ko.
"Pfffttt---! Hahaha, joke lang. Bestfriend ko lang tong si Keith, masyado ka namang seryoso." Di ko na napigilang sabi sa kanya. Agad namang lumiwanag ang mukha nito, sabay ngiti ng wagas. Naku! Tinamaan ng malupet to kay captain!!
"Oh mukhang masaya 'yang pinag-uusapan nyo ah! " Sabi ni Josh habang paupo sa upuang katabi ni Mark, naka-order na sila ng pagkain.
" Oo nga, pajoin naman!" Sabi naman ni Justin na upumo sa tabi ni Josh.
" Wala naman, nakikipagkilala lang ako dito kay Mark." Sabi ko naman sa kanila. Kinalabit ko naman si Keith, sobrang busy nito sa paglalaro, hindi na nya napansin na nandito na sina Josh at Justin.
"Huy, Keith, kain na." Sabi ko sa kanya.
Kaya nagsimula na kaming kumain.
"Uy, Mark ilang taon kana?" Tanong ni Justin kay Mark.
"17 na ako, turning 18 this coming September". Nakangiti pang sagot ni Mark kay Justin, napatingin naman ako kay Keith, pero parang wala itong pakialam sa pinag-uusapan namin.
"Uhmmm- ikaw Keith, ilang taon kana?" Tanong ni Mark kay Keith.
Napatingin naman kaming tatlo kay Keith, naghihintay kung magre-react ito o magbibingibingihan. Ganyan yan eh, kung di sya interesado, nagpapanggap na walang naririnig, hayyy.. iba talaga tong si Keith. Mga 3 minutes na rin kaming naghihintay kung sasagot sya, pero parang wala talaga itong planong sumagot. Kaya sinenyasan ko nalang si Josh na sya nalang ang sumagot.
"Aa-aaaahhhhh, 18 kaming lahat. Hehe. " Alanganing sagot ni Josh kay Mark.
"Aaahh, ganun ba?" Sagot naman ni Mark, nakangiti parin ito pero may bahid na ng lungkot sa mga mata nito.
Hayyy naku! Tiningnan ko ulit si Keith at patapos na ito sa pagkain. Mukhang alam ko na ang susunod na mangyayari,
"Guys, mauna na ako sa taas, may gagawin pa ako. Uy, Justin salamat sa pagkain." Sabi ni Keith sabay tayo at umalis na.
"T-teka Keith! Hoyy!!!" Pahabol kong tawag sa kanya pero mabilis itong nawala sa paningin namin. Tsk! Pag ayaw talaga nya, wala ka talagang magagawa. Para ano pa't binansagan syang Manhater ng Campus. Binaling ko naman ang tingin ko kay Mark,
"Pagpasensyahan mo na yung si Keith. Kapag kasi di pa nya gaanong kilala eh sobrang sungit nito. Ganyan na ganyan rin ang trato sa amin nung di pa kami masyadong magkakilala." Hinging paumanhin ko kay Mark.
"Ayos lang yun. Nasabi narin sa akin nina Josh at Justin na ganyan talaga sya, kaya inaasahan ko narin ang reaction nya kanina." Sabi nya.
Pinagpatuloy nalang namin ang aming pagkain at nagkwentuhan ng kung ano-ano.
Pagkatapos namin kumain ay nagkayayaan na kaming umakyat sa kanya kanya naming room. Nang nasa tapat na kami ng kwarto nina Mark,
"Mauna na ako sa inyo, salamat sa dinner." Paalam ni Mark sa amin.
"Sige." Sagot ko, tumango lang ang dalawang kasama ko.
" Ako lang ba nakapansin?" Biglang tanong ni Josh habang patuloy kaming naglalakad papunta sa mga kwarto namin.
"Na ano?" Sagot naman ni Justin.
"Na iba yung tingin ni Mark kay Keith." Josh
"Alam nyo, hayaan nyo nalang. Kahit ako, nakahalata na iba yung tingin ni Mark kay Keith eh. Ah basta, ang importante ngayon, malaman natin kung ano ba talaga ang pakay nya kay Keith".   - 'Ayokong masaktan na naman sya katulad nung dati', gusto ko sanang idagdag kaso, wag na muna. Wala akong karapatan na sabihin 'Yun' sa kanila. Si Keith na ang bahalang mag-open nun sa kanila.
Kung tama ang kutob kong tinamaan si Mark kay Keith isang napakalaking GOODLUCK sa kanya kung magagawa nyang palambutin ang pusong bato ng dakilang MANHATER ng campus!

Making You MineOnde as histórias ganham vida. Descobre agora