CHAPTER 8 "1ST DAY"

299 13 2
                                    

KINABUKASAN

Keiths POV

Maaga akong nagising dahil ngayon na ang first day of classes. Kailangan kong pumunta agad sa booth para sa mga initial preparation para sa sports club. Kaya bumangon na ako at inayos ang aking kama. Sa kabilang kama naman ay mahimbing pang natutulog si Mark. Hindi ko na namalayan kung anong oras sya naka-uwi kagabi. Gusto ko pa sana siyang hintayin kagabi para makapag-pasalamat sa pagtulong nya sa paghahanap sa akin kahapon. Ah! Mamaya nalang.

Naligo na ako at saktong paglabas ko ng banyo ay nakabangon na si Mark. Nagkatinginan kami at para itong natulala pagkakita nya sa akin. Pano ba naman eh tanging twalya lang ang nakabalot sa ibabang bahagi ng katawan ko. Nakita ko pa kung paano sya napalunok katititig sa akin.

"Hoy! Anong tinitingin- tingin mo?" sita ko sa kanya. Bigla naman itong umiwas at tarantang tumayo.

"Ahh! S-sorry. A-aalis muna ako at bibili ng pagkain. D-dito kana kumain. Saglit lang ako." Sabi nito habang lakad-takbong tinungo ang pinto.

"Wag na- *bugsh!*" Hindi na nito narinig ang sinabi ko at tuluyan nang sinara ang pinto. Tsk! Galit ba sya? Halos masira yung pinto namin sa lakas ng pagkakasara nya. Papalakad na sana ako para magbihis ng bumukas ulit ang pinto.

"S-sorry! D-di ko yun s-sinasadya. K-kukunin kolang ako ng wallet ko. Hintayin moko dito". Sabi nito sabay kuha mg wallet nito na nasa mesa sabay karipas ulit papalabas ng kwarto.

Napa-iling nalang ako. Pagkatapos kong magbihis ay inayos ko na ang mga gamit ko. Lumabas muna ako saglit sa balcony ng kwarto para tawagan si Lester.

"Oh, sige. Kita nalang tayo sa gym at wag kang malelate." Huli kong sabi kay Lester tsaka binaba ang tawag.

Pagkabalik ko sa loob ng kwarto ay sakto naman bumukas ang pinto at niluwa si Mark. May dala dala itong mga pagkain.

Agad naman nitong inayos ang mga pagkain sa pangdalawahang mesa dito sa kwarto. Tila hinihingal pa ito sa pagmamadali.

"Tara na kain na tayo." Sabi nya sa akin sabay ngiti.

"Bakit mo pa ako binilhan. Di naman kita sinabihan ah?" Sagot ko sa kanya at biglang nawala ang ngiti nito.

"Eh bakit mo ako hinintay? " Seryosong sabi nito na tila nanunudyo.

"Ikaw? Hinintay ko? Asa ka!" Sabi ko sabay bitbit ng bag ko at tinungo ang direksyon ng pinto.

"Hep!hep! Teka! Walang lalabas dito ng hindi nag-aalmusal!" Sabi nito sabay harang sa daanan ko. Tsk! Ang kulit!

" Umalis ka nga jan! Nagmamadali ako!" Sabi ko sa kanya.

" 6:00 Am palang oh. Kahit 30 minutes lang. O kahit na 15 minutes? O 10 minutes nalang. Sige, 10 minutes nalang. Sige na, sabay na tayong kumain." Sabi nito.

" Kung hindi ka ba naman kasi umalis kagabi edi sana nagkasabay tayo sa pagkain." Sagot ko sa kanya.

Yumuko ito tsaka may binulong. Hindi ko masyadong narinig ang sinabi nito. Hayy! Di ko talaga maintindihan ang taong to. Parang may topak.

MARK' POV

"Kung hindi ka ba naman kasi umalis kagabi edi sana nagkasabay tayo sa pagkain." sumbat nya sa akin. Kinukulit ko kasi sya na sumabay sa akin mag-almusal.

"Gusto ko kasi na tayong dalawa lang ang magkasamang kakain." Sabi ko nang pabulong

"Ano? Anong sabi mo? Lakasan mo nga!" Sabi nya sa akin.

"Ang sabi ko, napagod ako sa pagtakbo para makabili ng pagkain tapos ayaw mo pala. Uy, alam mo bang bawal tangihan ang pagkain? Sige ka at mamalasin ka nyan. " Sabi ko sa kanya.

Making You MineWhere stories live. Discover now