CHAPTER 7 "JEALOUSY"

319 17 4
                                    

Justin's POV

Pagkatapos naming kumain ay nagpatuloy kami sa pag-aayos ng booth. Hanggang ngayon ay hindi pa rin bumabalik si Keith, hayyyy. Kapag talaga may ayaw syang tao ay gagawa at gagawa ito nang paraan para makaiwas.

"Les, alam mo ba kung saan pumunta si Keith?" Tanong ko kay Lester.

"Hindi eh.. wala rin syang nabanggit sa akin. Teka lang at tatawagan ko." Sagot naman Lester.

"Annika, wala bang nabanggit si Keith sayo kung saan ang punta nya? " Tanong ko naman kay Annika.

"Wala rin eh. Basta ang sabi nya eh may pupuntahan lang sya." Sagot nya.

"Naku! Saan kaya pumunta yung isang yun." Sabi ko nalang

" Love, wag kang mag-alala. Baka maya-maya eh nandito na rin yon." Sabi naman sa akin ni Josh at inakbayan ako. Hindi ko talaga maiwasang mag-alala. Kasi si Keith ang taong perfectionist, kaya nagtataka ako kung bakit hanggang ngayon ay hindi parin sya nakabalik. Past 2 na rin ng hapon.

"Hmmm.. sige. " Ang tanging nasagot ko na lamang.

"Hindi ko sya macontact. Patay ang cp nya." Sabi ni Lester sa amin. May bahid na rin ng pag-aalala ang boses nito.

" Saan na kaya sya?" Sabi ko.

"Hahanapin ko sya. Parang kasalanan ko kasi kung bakit sya umalis kanina. Naingayan siguro sya sa amin." Singit naman ni Mark.

"Ako tutulong rin ako sa paghahanap." Sabi naman ni Kenn sabay taas ng kamay.

" Nako Mark. Wala kayong kasalanan. Sa paalam nga nya kanina eh may pupuntahan sya. Baka may emergency kaya hindi nya na kami nahintay para makapag-paalam." Sabi naman ni Josh.

" Oh sya, sige sabay na tayong tatlo sa paghahanap sa kanya. Dito nalang kayo ni Josh, Justin. Samahan nyo muna sina Annika sa pagtatapos ng mga gawain dito sa booth. Tawagan nyo nalang ako kapag nakabalik na si Keith dito." Sabi naman ni Lester.

" Sige." Sabay namin sagot ni Josh. Saan na kaya nagpunta si Keith? Sana walang masamang nangyari sa kanya.

Mark's POV

Halos mag-iisang oras narin kaming naghahanap. Hindi talaga namin sya makita.

" Maghiwa-hiwalay muna tayo. Pupunta ako sa Business Ad. Building, ikaw Ken sa I.T. Building at ikaw naman Mark sa Engineering Building. Baka sakaling makita nyo sya, tawagan nyo kaagad ako." Sabi ni Lester sa amin tsaka binigay ang kanyang number.

Kaya naghiwa-hiwalay na kami para hanapin si Keith. Habang naglalakad ako papunta sa Engineering Building ay may nahagilap ang aking mga mata.

" KEITH!" sigaw ko. Agad akong tumakbo sa kinatatayuan nya. Tinitigan ko ang mukha nito at tila naguguluhan ito kung bakit ganito ang ayos ko. Basang- basa ng pawis ang damit ko dahil na rin sa kakalakad ko at sa sobrang init ng panahon. Dahil sa sobrang pag-aalala ko ay hindi ko napigilang yakapin sya.

"Nandito kalang pala. Kanina pa kita hinahanap." ang tanging nasabi ko na lamang.  Tila nanigas naman ang kanyang katawan dahil sa pagyakap ko. Pero naramdaman ko na lang ang mga kamay nitong yumakap rin sa bewang ko.
"Akala namin kung ano na ang nangyari sayo. Hindi ka namin macontact. Buti naman at ok ka lang." Dagdag ko pa. Tila natauhan naman ito at kumalas na sa pagkakayakap ko. Namumula ang pisngi nito at nakayuko.

"A-ano k-kasi---"

"Sige na. Mamaya kana magpaliwanag. Tatawagan ko na muna sina Lester para sabihing nakita na kita." Putol ko sa sasabihin nya.

Pagkatapos kong tawagan si Lester ay naglalad na kami ni Keith papuntang gym.
Pagkararing namin sa gym ay agad syang niyakap nina Lester, Justin at Josh si Keith.

Making You MineWhere stories live. Discover now