CHAPTER 9"THE PAST IS BACK"

272 21 2
                                    

KEITH'S POV

Pagkatapos ng pangungulit sa akin Mark ay dumeretso na ako sa University Gym. Kailangan ko munang i-check kung ok na ang lahat. Pagdating ko sa Gym ay medjo madami na ring mga estudyante nag bo-booth hunt. Habang papunta ako sa booth namin ay may nahagip ang mga mata ko. T-teka??! A-anong ginagawa nya rito? Napailing naman ako sabay pikit ng mga mata ko. Baka namalikmata lang ako. Imposibleng nandito sya! Pagtingin ko sa direksyong yon ay wala na ito. Tama namalikmata lang ako.

"Huy Keith? Anong nangyari sayo? Ba't ganyan mukha mo? Para kang nakakita ng multo." bungad na tanong sa akin ni Lester pagdating ko sa booth.

"A-ahh wala. W-wala ito. Ok naba ang lahat?" pag-iiba ko sa usapan.

"Oo. Ok na. On the way na rin sina Josh at Justin." sagot naman ni Lester sa akin. Buti naman at hindi na ito nangulit sa akin.

'Imagination mo lang yon Keith. Wag kang mag-alala." kumbinsi ko sa sarili ko.

Nang masiguradong ok na ang lahat sa booth ay pumunta muna kami sa kanya-kanya naming faculty para sa orientation. Magkasama kaming dalawa ni Justin at sina Lester at Josh naman ang magkaklase. Napag-usapan na namin kanina na doon nalang kami maglu-lunch sa booth. 

"Sa wakas at natapos rin ang orientation! Nagugutom na ako." sabi ni Justin habang papalabas kami ng room.

"Ako nga rin eh. Natawagan mo na ba sina Josh at Lester?"tanong ko sa kanya.

"Oo, nandun na raw sila sa gym at tayo nalang ang wala doon." sagot nya naman sa akin. Kaya nagpatuloy kami sa paglalakad papuntang gym. Sa aming paglalakad ay may naririnig kaming nag-uusap na mga estudyante. Sa pagkaka-alam ko ay mga seniors ito ng IT department. 

"Oi Sis! nakita nyo ba kanina yung transferee sa Engineering department?" Student 1

"Oo, sis! Ang gwapo niya!" Student 2

"Ah! Basta! Akin sya!" Student 3

Hay nako! First day na first day eh, ganito na ang eksena? Tsk! Anong pinunta nila dito? Mag-aral o makipaglandian? Ewan! After 10 minutes na paglalakad ay nakarating na rin kami sa university gym.

"Buti naman at dumating na kayo. Kanina pa ako nagugutom." bungad sa amin ni Lester.

"Kailan kaba hindi nagutom Les?" pang-aasar pa ni Justin.

"Aba! Anong akala nyo sa akin? Patay Gutom?" sagot ni Lester sabay pout.

"Oh, siya. Tama na yan at kumain na tayo." awat ko sa kanila. Ang mga 'to talaga, kapag nag-umpisa na ang asaran eh parang hindi na titigil.

Kaya kumain na kaming lahat. Umorder lang kami at pina deliver ang mga pagkain namin.

"Bakit wala si Nate?" tanong ko sa kalagitnaan nang aming pagkain.

"Sa labas kumain si Nate kasama yung bago na naman nyang girlfriend. Alam mo naman yon kapag may bagong girlfriend eh hindi 'yon sasabay sa atin." sagot naman ni Paulo, team captain ng basketball team habang si Nate naman ay captain ng swimming team.

"Ok, pero make sure na nandito sya mamaya kapag nagstart na ang club hunting," sagot ko.

"Sige Pres, ako na ang bahala." sagot naman ni Annika.

*After 30 minutes*

"Good Afternoon students! Alam kong excited na kayong lahat! Kaya hindi na natin patatagalin pa. Let the Club hunting begin!" sabi ng Dean namin through speaker.

Kaya nag-umpisa nang magdagsaan ang mga estudyante sa booth namin. Tatlong sports lang naman ang nasa sports club. Swimming, basketball at volleyball. Habang busy ang lahat sa pag-ientertain ng mga estudyante nang biglang...

Making You MineWhere stories live. Discover now