CHAPTER 13

225 16 8
                                    

IETH'S POV
Pagkatapos ng insidente sa cafeteria ay mabilis na lumipas ang mga oras. Oo nga pala,may meeting kami ngayon para sa volleyball try outs. Kailangan ko munang isantabi ang personal issues ko para makapag focus sa pag-aaral at school activities. Mabuti rin ito para makalimot at malibang ko ang sarili ko.
Nandito na kami nagyon sa SC(sports club) Room para sa meeting with coach. After 2 hours ay natapos rin ang meeting namin. Uwian na at napagpasyahan naming apat na kumain sa labas.

"Saan tayo kakain?" Tanong ni Lester.
"Kahit saan." Sagot ko.
"Mcdo?" Sagot naman ni Justin.
"Deal!" Sabay sabay naming sabi at napatawa nalang.

Pagkarating namin sa Mcdo ay pumila na para makapag order sina Josh at Lester habang kami naman ni Justin ay naghanap ng mauupuan. Nang makahanap na kami ng mesa ay kinuha ko mula sa bag ko ang cellphone ko. Sa sobrang busy ko ay ngayon ko lang naalala na buksan itong cellphone ko. Hindi kasi ako mahilig sa social media. Kinailangan ko lang ng account sa FB para mas madali kong macontact ang mga teammates at members ng club. Pagkabukas ko nang cellphone ko ay mayroon akong isang message.

From:Roommate
Good Morning:)

Di ko maiwasang mapangiti sa nabasa ko. Kaya naisipan kong replyan ito.

To:Roommate
Hi.Medjo male-late ako nang uwi. Sa labas kami kakain,kasama ko yung tatlo.

Pagkatapos kong i-send ay saktong dumating na sina Josh at Lester dala dala ang mga pagkain namin. Napatingin ako kay Lester at tila nanunukso itong nakatitig sa akin.
"Bakit?" Sita ko sa kanya.
"Wala naman. Hindi ko maiwasang ma-amaze na nakikita kang kinikilig." Panunukso nito.
"Sira ka talaga! Kumain na nga tayo. Ang dami mong alam." Sabi ko sa kanya.
Kaya nagsimula na kaming kumain. Habang nasa kalagitnaan ng pagkain ay naramdaman kong nag vibrate ang cellphone ko.

From: Roommate
Enjoy. Ingat kayo sa pag-uwi.:)

Napangiti naman ako sa nabasa ko. Pagkatapos kong mabasa ang reply nya ay binaba ko ulit ang cellphone ko at nagpatuloy sa pagkain.
Nagkwentuhan lang kami ng kung ano-ano at napagpasyahan na naming umuwi.
Pagkapasok ko nang dorm ay bukas pa ang mga ilaw at nakita ko si Mark na nakatalikod habang naggigitara. May headset rin itong nakalagay sa tenga nito kaya hindi nito narinig ang pagpasok ko.
Dahan dahan akong pumasok at naupo sa kama ko. Napasandal ako sa pader at napapikit. Nakakarelax ang pagtugtog nya. Hindi ko alam kung anong kanta ang tinutugtog nito pero napaka gandang pakinggan. Napamulat ako nang biglang tumigil ang tugtog. Nakita ko si Mark na nakangiting nakatingin sa akin.
"Kanina ka pa?" Sabi nito na tila nahihiya pa habang kinakamot ang ulo nito.
"Medjo. Magaling ka palang tumugtog ng gitara." Sabi ko sa kanya nang nakangiti.
"Ah hindi naman. Marunong lang ako ng konti." Sabi naman nito. At binalik ang gitara sa stand nito.
"Salamat nga pala kanina Mark." Sabi ko sa kanya.
"Wala yon, sabihin mo lang sa akin kung ginugulo ka pa nya." Sagot nito.
Napatango na lang ako. Kailan pa kaya ako titigilan ng lalaking 'yon?

KINABUKASAN

MARK'S POV
Maaga akong nagising dahil maaga ang pasok ko ngayon. Ngayon din pala magsisimula ang guitar lesson ko para kay Kenn.Akala ko nagbibiro lang sya na wala syang ka alam alam sa music. Aba! Talagang wala talaga itong alam. Mukhang pahihirapan ako nang isang 'to. Nandito kami ngayon ni Kenn sa open field, break time kasi namin at tatlong araw nalang ay audition na para sa sports club. Kaya kapag may pagkakataon ay tuturuan ko sya ng basics.

"Pa'no nga ulit yon 'dre?" Tanong ni Kenn sabay kamot sa ulo nito.
"Pang-ilan na ba 'to Kenn? Sampung beses na ata natin 'tong inulit-ulit. Sabi ko kasi sayo na magfocus ka nalang sa volleyball. Pinapahirapan mo lang ang sarili mo." Biro ko sa kanya. Dalawang chord palang ang natuturo ko sa kanya ay parang mauubos na ang pasensya ko.
"Grabe naman. Hahayaan mo nalang bang mawasak ang puso ko? Pre, ito lang ang way para mas mapalapit ako kay Sapphire. Kaya please konting pasensya pa okey? Promise talagang pagbubutihan ko." Sabi nito. Napahinga nalang ako nang malalim.

Making You MineWhere stories live. Discover now