CHAPTER 14

243 19 8
                                    

LESTER'S POV

Nandito kami ng tropa ngayon sa SC room. Kakatapos lang ng mga klase namin. Kasalukuyan naming inaayos ang listahan ng mga sasali sa bawat sports ng club. Saktong nakuha ko ang form ni Mark. Grabe, ang haba nang listahan ng nasalihan nitong tournaments. At sya ang team captain. Na curious tuloy ako kung gaano ito kagaling maglaro. Habang nagbabasa pa nang ibang forms ay biglang tumunog ang cellphone ko. Kaya nung chineck ko ay may nakita akong video. Video na kuha sa isang hallway ng school. Una kong nakita si Rex at hindi nagtagal ay lumabas rin sa video sina Mark at Kenn. Binasa ko ang mga comments sa video. Kasalukuyan na itong may 5k likes at at 8k views at patuloy pa rin sa pagtaas ang likes at views nito.

"Guys! Tingnan nyo 'to!" Malakas kong sabi. Napatingin naman sina Josh at Justin sa akin. Binitawan nila ang kanilang hinahawakang mga forms at lumapit sa kinauupuan ko. Hindi narinig ni Kieth ang mga sinabi ko dahil nakasuot na naman ito ng headset nito. Tiningnan ulit namin ang video ay napanganga na lang sa nasaksihan namin. 

"Grabe, mukhang natamaan na talaga ng malala si Mark sa kaibigan natin." sabi ni Josh.

"Sinabi mo pa. Mukhang magsisimula na ang ligawan nila soon." sabi naman ni Justin.

"Ang angas ng mga sinabi ni Mark n? Nakita nyo naman kung paano natameme ag gag*ong Rex na 'yon. Hahaha." sabi ko naman. Grabe. Napabilib ako ni Mark. Kitang-kita kung gaano siya kaseryoso sa mga sinabi nito. 

"Oh? Ano? Ako nalang ba ang magtatrabaho? Tapos kayo manunuod lang jan sa cellphone?" biglang sabat ni Kieth sa amin ng makita ang ginagawa naming tatlo. Kinuha nito ang kaliwang bahagi ng headset nito sabay taas kilay na nakatingin sa amin.

"May ipapakita ako sa 'yo. Tingnan mo 'to, dali! Siguradong matutuwa ka sa makikita mo." sabi ko sa kanya at lumapit sa kinauupuan nito.

"Ano na naman ba 'yan? Nako 'pag ito kalokohan at walang kwenta, babatukan talaga kita." sabi nito sabay tingin sa screen ng phone ko. Bigla naman itong nanamihik at namula. Hindi ko mabasa ang ekspresyon sa mukha nito. Parang kinikilig na may konting pag-aalinlangan.

"Uyyy, nililigawan kana pala ni Mark ah! Hindi ka man lang nagsabi." tukso ko sa kanya pagkatapos naming panuorin ang video.

"A-anong n-nililigawan ka jan! Tumahimik ka nga at baka matahi ko 'yang bibig mo."sabi nito at binalik ang atensyon sa ginagawa nito.

"Ano kaba. Huwag kang mag-alala dahil hindi kami tututol kung nililigawan ka man ni Mark. Boto pa nga kami sa kanya eh. Diba guys?" sabi ko naman sabay tingin kina Josh at Justin. Napangiti naman ang mga ito at tumango.

"Para kayong mga sira. Hindi ako nililigawan ni Mark. Kaya pwede ba, tama na yang kalokohan at bumalik na tayo sa trabaho." sabi nito.

"Uyyy, umiiwas. Hayaan mo at tuturuan ko si Mark kung paano ka liliga- aray!" hindi ko na natapos ang mga sasabihin ko nang batukan ako ni Kieth.

"Sige ituloy mo yang sasabihin mo at makakaisa kapa sa akin." Sabi nito kaya bumalik nalang ako sa upuan ko. Grabe naman, ang sakit ng pagkakabatok nya. Parang nauga yata ang utak ko.

Hindi nagtagal ay nakaramdam na ako ng gutom. Tiningnan ko ang oras at masyado pang maaga para mananghalian kaya bibili na muna ako ng meryenda sa cafeteria.

"Pupunta muna ako sa cafeteria guys. May papabili kayo?" Tanong ko sa kanila.

"Sandwich nalang sa akin at tsaka pineapple juice. Sa 'yo babe?" Sabi ni Josh sabay tanong kay Justin.

"Tulad nalang nang sa 'yo babe." Sagot naman ni Justin.

"Ikaw Kieth? Huy! Kieth! Captain!" Tawag pansin ko kay Kieth.  Hindi nya naririnig ang pagtawag ko sa kanya dahil sa head set nito. Kaya nilapitan sya ni Josh at tinapik.

Making You MineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon