Chapter 1 "THE PAST"

1.3K 47 3
                                    

2 Years Ago
Hodsons Academy
*Kieth's POV*

'Rex, pwede ba tayong magusap? May sasabihin kasi ako sayo. Hihintayin kita sa likod ng library.' - txt ko kay Rex. Sya ang first love ko. Mula first year kami ay may gusto na ako sa kanya. Hanggang ngayong 4th year na kami ay sya pa rin ang itinitibok ng puso ko. Sapat na rin siguro ang apat na taong pagtitiis kong itago ang nararamdaman ko para sa kanya.  Sa loob ng mga panahong yon ay unti-unti kong inipon ang lakas ng loob na meron ako para makapag-confess sa kanya.
' Sige, mamaya nalang pagkatapos ng graduation practice natin' reply nya sa akin.
Heto na Keith! Wala nang atrasan to!  It's now or never! Kaya mo to, at sa tingin ko naman eh may pag-asa kasi noong valentines day ay binigyan nya ako ng chocolates. Sobrang kinilig talaga ako.
Pagkatapos ng last practice namin para sa graduation ay pumunta na ako sa likod ng library. Kahit nanginginig ay tinatagan ko ang aking loob.  After 15 minutes ay dumating na si Rex, kasama ang kabarkada nyang si Mark at Kobi.
" Oh Keith. May sasabihin ka? Pwede paki bilisan kasi may pupuntahan pa kami."  sabi ni Rex sa akin.
" Ahh, ehh, Rex pwede ba na sa gate mo nalang pahintayin sina Mark at Kobi? Ikaw lang kasi talaga ang gusto kong maka-usap" sabi ko. Nagkatingininan silang tatlo,
" Ano ba yung sasabihin mo at bakit kailangang ako lang? Kabarkada ko naman sila, wala naman sigurong masama kung marinig nila yung sasabihin mo" sabi ni Rex
" Ahhh--- Ehhh, ano kasi----"
" Ano?! Kung hindi mo talaga kayang sabihin eh wag nalang!" tumalikod na si Rex kaya sumunod narin si  Mark at Kobi.
"Rex, mahal kita! " sigaw ko habang nakapikit. Bahala na si batman! Basta nasabi ko na ang gusto kong sabihin sa kanya.Habang nakapikit ay pinapakiramdaman ko ang paligid. Pero tanging pintig ng puso kong napakalakas ang tanging naririnig ko.  Unti-unti kong minulat ang aking mga mata. Ngunit nadismaya ako sa aking nakita.
"Pffftt--!  Hahahahaha. T*ngina Keith! Hahaha." ang tanging nasagot nya. Kaya nagtawanan narin ang mga kabarkada nya.
" Guys!! Rinig nyo ang sinabi ni Keith. Mahal nya daw ako! Hahaha! Sino ba dito ang hindi nakakaalam?" sabi nya habang natatawa. Napatingin naman ako sa mga kabarkada nya. Halatang nagpipigil rin ng tawa.
" Keith, alam ng lahat na may gusto ka sa akin. Paano ba naman, kapag may assignments at projects, isang sabi ko lang, gagawin mo na agad. Kahit di ko sinasabi, binibilhan mo ako ng pagkain. Sinong tanga ang hindi makakahalata na may gusto ka sa akin? " pang-iinsultong sabi nya. Hindi ko na napigilan ang mga luhang kanina ko pa pinipigilan. Nanliliit ako sa mga sinabi nya.
" Akala ko gusto mo rin ako? Bakit binigyan mo ako ng chocolates nung valentines day?" umiiyak kong tanong sa kanya
" Hahaha. Binigyan lang kita nun kasi andame ko nang chocolates. At tsaka hindi lang naman ikaw ang binigyan ko. Halos lahat ng classmates natin ay binigyan ko rin. Ikaw lang tong nag-assume na may gusto rin ako sayo. Kahit kailan Keith, HINDI AKO MAGKAKAGUSTO SA ISANG TULAD MO! AT KAHIT KAILAN HINDI KITA GINUSTO." sabi nya sabay talikod.
Naiwan akong nakatulala. Napaluhod nalang ako at lalo pang bumuhos ang aking mga luha.  Totoo nga, ako tong tanga na umasa,ako tong tanga na ginagawa ang lahat para sa kanya. At ang ending? Heto, pinagtawanan at ininsulto nya lang ako.  Para akong nadudurog.
Kasabay ng pagtulo ng aking mga luha ay unti-unti ring pagbuhos ang ulan. Wala na akong pakialam kahit mabasa na ako ng ulan. Tanging sakit lang ang nararamdaman ko.Ang sakit!!

Pagdating ko sa bahay ay agad akong sinalubong ni Mama.
" Anak, anong nangyari? " Nag-aalalang tanong ni Mama.
" Ma, ang sakit! " Dun na ako napahagulgol ng iyak. Agad naman akong yinakap ni Mama.
" Ma bakit ganon? Ginawa ko naman yung best ko para mahalin nya rin ako. Pero nasayang lang lahat ma."
"Anak, ganyan talaga ang love. Kahit gawin mo pa ang lahat,kahit bali-baliktarin mo ang mundo, hindi natin mapipilit ang isang tao na mahalin tayo pabalik. Pero anak tandaan mo na ang rejection ay isang blessing in disguise si Lord para sa atin. Alam mo ba kung bakit? Kasi iniwas tayo ni Lord sa taong hindi destined para sa atin. Na may tao syang inilaan na worth-it sa pagmamahal at handa tayong mahalin higit pa sa pagmamahal na kaya nating ibigay. " Sabi ni Mama at lalo pang hinipitan ang pagkakayakap nya sa akin.
" Hindi lang si Rex ang lalaki sa mundo anak. Makakakita ka rin ng lalaking mamahalin ka ng buong-buo. Yung lalaking handang tanggapin ang kasarian mo. Wag ka lang mawalan ng pag-asa. At lagi mong tatandaan na nandito lang kami ng Daddy mo. Mahal na mahal ka namin anak." Dagdag ni Mama. Sabay bitaw sa pagkakayakap sa akin.
"Salamat ma. Mahal na mahal ko rin kayo ni Daddy." Sabi ko kay mama
Pagkatapos naming mag usap ni Mama ay umakyat na ako sa kwarto ko. Nagbihis ako at nahiga sa kama ko. Hindi ko na naman napigilan ang mga luha ko. Naiisip ko parin ang nangyari kanina. Kung paano ako pinahiya ni Rex sa harap ng mga kabarkada nya. At higit sa lahat ay ang pangre-reject nya sa akin.
Hinding hindi koto makakalimutan. Pinahiran ko ang mga luha ko. Mula ngayon ay hindi na ako magmamahal pang muli. Ayoko nang masaktan.
Babaguhin ko ang sarili ko. Para hindi ko sila mabigyan ng pagkakataong saktan ako. Papakita ko sa kanilang lahat na kahit bakla ako ay kaya kong maging matatag at matapang.
PINAPANGAKO KO, HINDING HINDI NA AKO LULUHA PA ULIT NG DAHIL SA ISANG LALAKI!!!

Making You MineWhere stories live. Discover now