CHAPTER 11 "THE CONFESSION"

304 13 2
                                    

A/N: Hello my dear readers! Happy 2k reads!!! Thank you for your support! Kamusta kayo? Sorry nga pala for the late UD, medjo naging busy lang ako sa work. And I would like to inform you na mas lalo akong magiging busy sa work ko kaya medjo matatagalan ang mga updates ko. But don't worry, I will see to it na makakapag UD parin ako from time to time. Thank you nga pala sa mga nag vo-vote, very much appreciated. So hindi ko na patatagalin pa, here's Chapter 11. Enjoy! <3



KEITH'S POV

Nandito na kami sa loob ng dorm namin.Heto ako nakahiga sa kama ko habang ang roommate ko naman ay nasa banyo. Iniisip ko parin ang nangyari kanina.Hindi ko talaga inaasahan na makikita ko ang lalaking yon. Sa pagkakaalam ko ay nag migrate na sa America ang buong pamilya nito. Bakit pa sya bumalik?  Sa gitna nang aking pag-iisip ay narinig kong bumukas ang pinto ng banyo. Hindi ko sya nakikita kasi nakaharap ako sa kabilang direksyon. Di nagtagal ay namatay ang ilaw ng kwarto namin. Tanging ilaw mula sa night lamp ang nagbibigay ng kaunting liwanag sa kwarto.

'Sasabihin ko ba sa kanya ang tungkol kay Rex?' tanong ko sa sarili ko. Alam kong hindi pa kami ganon ka close pero there's something in him that makes me wanna share everything. Kapag nandyan sya, parang nawawala lahat ng takot ko. Hindi ko alam kung ano ang meron sa kanya at bakit ako nagkakaganito. Kilala ako bilang manhater at terror. Pero bakit pagdating sa kanya, kahit anong gawin kong pag-iwas, I always end up being weak.

"Mark?" tawag ko sa kanya.
"Hmmm?" Sagot nya.
"Salamat." Sabi ko.
" Wala yun." Sabi nya. Ang ikli naman ng sagot nya. Napagod siguro sa booth kanina. Kaya sinubukan kong matulog. Sa tuwing ipipikit ko ang mga mata ko ay nagf-flashback ang mga nangyari kanina. Bumangon ako sa pagkakahiga at umupo paharap sa kama ni Mark.  Napatingin naman ito sa akin at umupo rin ito paharap sa akin. Nakapagdecide na ako na sasabihin ko sa kanya ang tungkol kay Rex. Huminga muna ako ng malalim,

"Sya si Rex, ang first love ko."  Sabi ko sa kanya habang nakatingin ng diretso sa mga mata nito. Nakita ko ang pagkabigla sa mukha nito pero hindi nagtagal ay nawala rin ito at napalitan ng mapangunawang ekspresyon. Habang kinukwento ko ang tungkol sa amin ni Rex ay tahimik lang itong nakikinig sa mga sinasabi ko. Panaka-naka rin itong tumatango. Sa bandang dulo ng pagku-kwento ko ay hindi ko na namalayang tumutulo na pala ang mga luha kong kanina ko pa pinipigilan. Lumipat naman si Mark sa tabi ko sabay hagod ng likod ko.

"Yan ang rason kung bakit ayokong maging close sa ibang mga lalaki. Natatakot akong maulit ang mga nangyari sa nakaraan. " sabi ko sabay yuko ng ulo ko.

Hinawakan ni Mark ang baba ko sabay pihit nito paharap sa kanya. Nagkatitigan kami. Matagal. Nakatingin lang ako sa mga mata nya. 

"Salamat Keith. Salamat at natutunan mo akong pagkatiwalaan. Alam kong hindi madali sa iyo na ikwento ang lahat. " sabi nya sa akin sabay hawak sa mga kamay ko. Tumango lang ako.

"Sige na magpahinga kana. Malalagot ako kay Lester kapag napuyat ka." sabi nya sabay ngiti. Tumayo ito at nang akma na itong hahakbang papunta sa kama ay  hinawakan ko ang mga kamay nito. Napatigil naman ito sa paghakbang. Bago paman sya makaharap sa akin ay niyakap ko sya sa bewang.

"Can we stay like this for just 5 minutes?" bulong kong sabi habang nakapikit ang mata. Tila nanigas naman ito pero di kalaunan ay hinawakan nito ang mga kamay kong nakayakap sa bewang nya.  Being close to him like this takes all my worries and sadness away. How I wish na sana hindi na matapos ang moment nato. Pero napamulat ako nang kinalas nito ang mga kamay kong nakayakap sa bewang nya. Lumuhod ito sa harap ko, ngumiti sabay sabing,

"Alam kong marami kang iniisip ngayon at alam ko rin na hindi ito ang tamang timing para sabihin sayo 'to. Pero hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa...

.

Making You MineWhere stories live. Discover now