CHAPTER 2 "THE ENCOUNTER"

844 32 0
                                    

PRESENT

*Keith's POV*
"Keith, anak,  gising na! Ngayon ang lipat mo sa dorm diba?"  Sunod sunod na katok ni Mama sa pinto ng kwarto ko ang pumukaw sa akin. Kaya agad akong bumangon at binuksan ang pintuan.
"Ma, bakit ba ako mag dodorm eh ok naman sa akin ang bumyahe papuntang school araw-araw? "tinatamad kong sabi kay Mama.
"Anak, diba napag-usapan na natin to? Na kailangan mong mag-dorm para hindi kana ma hassle sa kakabyahe araw-araw at para makapag-focus kapa lalo sa pag-aaral at pagiging athlete mo? " sabi ni Mama.
"Ma naman kasi----"
"Wala nang kasi kasi, maligo kana at magbihis,  hihintayin ka namin ng Daddy mo sa baba,  bilis na" sabi ni Mama sabay sarado ng pinto ng kwarto ko.
'Hayyyyy!! Bakit kasi kailangan kong mag dorm? Magkakaroon pa ako ng roommate na lalaki, nakakainis! ' reklamo ng munting tinig sa isipan ko. 3 days nalang kasi ay start na ng 1st semester. Ang masaklap pa naubusan na ako ng pang-isahang kwarto, so no choice na at double bed spacer ang pina-reserve ni Mama.
' Les nakalipat kana ba ng dorm room?' txt ko sa kaibigan kong si Lester.
' Oo, kakalipat ko lang dito sa building B kahapon. Ngayon ba lipat mo dito?' reply nya
' Oo, tulungan moko mamaya sa paglipat ko.' Txt ko
' ok captain. Txt mo lang ako if malapit kana.' reply nya.
' ok. Salamat' reply ko
After 5 minutes na pagmumuni-muni ay bumangon na ako at naligo.  Pagkatapos kong magbihis ay bumaba na ako sa aming dining room. 
"Good Morning Daddy, Mama" bati ko sa aking mga magulang.
"Good morning anak.  Naayos mo na ba ang mga gamit na dadalhin mo sa dorm? Sabihan mo lang si Roger at Manang Selsa, naka ready na ang sasakyan sa garahe na kakarga sa mga gamit mo papuntang dorm." Daddy
"Ok na Dad. " sabi ko kay Daddy.
"Kailangan mo ba ng tulong sa paglipat anak? Samahan kita?" sabi naman ni Mama
"Ma, wag na po. Kaya ko na. At tsaka konti lang naman ang gamit na dadalhin ko." Sabi ko.
"sige anak" -Mama

Pagkatapos naming kumain ay nagpahatid na ako sa aming driver papuntang school dorm.
Ay sandali,  hindi pa pala ako nagpapakilala. 
Ako nga pala si Keith Marcos.  18 years old.  2nd Year College dito sa Stanfiend International University, taking up Bachelor of Science in Business Administration major in Financial Management. Team Captain ng Volleyball Team ng school. At isa akong Gayman. Pero hindi ako kagaya ng iba na ladlaran. Kilala ako sa school bilang isang terror at MAN HATER. Pero don't get me wrong ha? May mga friends rin naman akong lalaki pero pinipili ko lang yung swak sa standards ko. Back to the topic, actually against talaga ako na mag-dorm kasi hindi ako sanay na may kasama sa kwarto. Pero wala na akong nagawa kasi kinuha ni Daddy ang kotse ko. Kaya heto ako ngayon, kahit labag sa loob ay titira sa dorm sa loob ng isang semester. Ang masama pa, magkakaroon pa ako ng roomate!

Nakarating na kami sa parking lot ng school dorm. Marami- rami rin ang mga estudyante dito ngayon na naglilipat. Bumaba na ako ng sasakyan. Binaba naman ni Mang Roger ang mga gamit ko.
"Sir, ano po ang room # nyo? Hahatid ko tong iba nyong gamit para hindi na kayo mahirapan. " Sabi ni mang Roger.
"Wag na po Mang Roger, may kaibigan po akong kinontact kanina. Sya nalang po tutulong sakin." Sabi ko sa kanya.
" Ok sir, kung ganon po eh mauna na po ako. Ingat po kayo sir." Sabi nya
" Ok manong. Samalat".
' Lester andito na ako sa baba' txt ko kay Lester
' ok captain. Pababa na' reply nya. After 5  minutes ay dumating narin sya.
" Hi Captain! Welcome sa Dorm!" bati ni Lester sa akin sabay akbay.  2nd year rin sya pero BSIT ang course nya.  Sa lahat ng kakilala kong lalaki, sya  ang itinuturing kong 'closest friend'.
" Les, tatangalin mo yang kamay mo o ako mismo ang magtatanggal nyan, for good?"  sabi ko sa kanya with a serious face.
" Ohhh!! Easy Captain. Ang aga aga eh ang init init na ng ulo mo." sabi ni Lester habang itinataas ang kamay at pabirong tumatawa.
" Mainit talaga ang ulo ko! Bakit ba kasi naimbento ang Dorm? Nakakainis!"  sabi ko
" Relax, ok nga ang dorm eh. Mas makaka-enjoy ka. Anytime pwede kang gumala. FREEDOM!!!" sigaw nya sabay taas ng dalawang kamay. Binatukan ko nga,
"Aral ang punta ko sa school hindi gala. Nakapa-BI mo talaga! Tulungan mo nalang akong dalhin tong mga gamit ko sa kwarto ko para naman may silbi yang pangungulit mo sa akin. " sabi ko sa kanya.
"Aray naman, yun lang ba talaga silbi ko sayo captain?" Sabi nya sabay puppy eyes.
"Hoy maghunos dili ka nga! Ang pangit mo! Tara na!"  Pang-aasar ko sa kanya. Dinala na namin ang mga gamit ko. Ayon sa registration ko, Building B, 5th floor, Room 510. Sumakay na kami sa elevator ni Lester.
" Uy Lester anong room # mo?" Tanong ko sa kanya
" Room 515 Captain. Sina Josh at Justin naman Room 520. " Sagot nya. Si Josh at Justin ay teammate rin namin sa Volleyball team. And to tell you a secret, they're in a relationship. Kaya naging kaibigan ko rin yung dalawang yun.
" Ganun ba? Buti at medjo magkakalapit tayo ng kwarto. Na meet mo na ba ang new roommate mo?" Tanong ko ulit sa kanya.
" Oo, kakarating nya lang kanina. Mula sya sa faculty of engineering. Mukha namang mabait at maayos sa gamit. Kaya ok narin" Sagot nya. Buti pa sya ok yung rooomate. Yung magiging roomate ko kaya?  Hayyy, Lord please, bigyan moko ng roomate na may sariling mundo. Yung di ako kakausapin at di ko rin sya kakausapin. Yung parang hangin lang ang turing namin sa isa't isa? Please Lord!!!
Ting!!!
Nakarating na kami sa 5th floor. Hinanap namin ni Lester ang room ko. Nang sa harap na kami ng pinto ng kwarto ay nagpaalam si Lester sa akin.
" Ok kana rito captain? May pupuntahan pa kasi ako eh." Paalam ni Lester sa akin
" Sige. Salamat ha? " Sabi ko sa kanya
" Sige captain. Kitakits nalang!"
Nang makaalis na si Lester ay binuksan ko na ang pinto ng magiging kwarto ko. Maganda naman ang kwarto, mint green ang pintura. May dalawang kama sa makabilang side. May kanya-kanyang closet. May balcony rin. In fairness ang ganda ng room. Inumpisahan ko ng ayusin ang mga gamit ko. Nilabas ko ang mga collection kong libro ng Harry Potter, kahit ilang beses ko nang nabasa ay hindi parin ako nagsasawa na ulit-ulitin. Inayos ko na rin ang study table ko. Nilagyan ko na rin ng bagong bed sheet ang kama ko.  After 2 hours ay natapos ko ng ayusin ang mga gamit ko. Tiningnan ko ang oras,naku! 12:30 na pala. Kailangan ko ng mag-lunch. Nag-ayos ako at lumabas ng kwarto. Habang papasok ng elevator ay may tumawag sa akin.
"Captain!!"
Paglingon ko ay nakita ko sina Josh at Justin.
" Maglu-lunch ka rin ba captain? Sabay na tayo" Tanong ni Justin.
" Oo nga captain. Sabi nila masarap daw ang pagkain sa cafeteria ng Building A. Dun nalang tayo mag- lunch." sabi naman ni Josh.
" Sige." Sabi ko. Tong dalawang to talaga, parang may glue, palaging magkadikit. Si Justin ay kaklase ko, BSBA rin. Si Josh naman ay BS Computer Science. Last semester lang naging sila. Ako pa nga ang ginawa nilang tulay sa love story nila.
Kaya  ayun pumunta na kami sa Building A. Ito yung dorm building para sa mga freshmen. Pagdating namin ay marami naring mga estudyante ang kumakain sa cafeteria.
Pumila na kaming tatlo para makabili ng pagkain. Pagkaupo namin ay napagkwentuhan namin ang try outs para sa volleball team. Kailangan narin naming magrecruit ng mga bagong players. Halos kasi lahat ng teammates namin ay grumaduate na nung March. Kaya ang natira ay kami na nasa 2nd year at kokonti sa 3rd year.
" Kailangan na nating mag paskil ng announcement para sa recruitement natin captain" sabi ni Justin
" Sige, sasabihan ko si Coach para jan. Josh pwede bang ikaw nalang ang gumawa ng layout para sa poster?" Sabi ko kay Josh
" No problem captain. Sesend ko nalang sa email mo as soon as matapos ko."  Josh
" Ok. Update ko nlang kayo sa group chat natin kung ano man ang mapag-uusapan namin ni coach." Ako
" Sige captain." Sila
Pagkatapos naming kumain ay nagpaalam na ang dalawa, mag dedate padaw sila. Kaya bumalik nalang ako ng kwarto ko. Magkakalapit lang naman ang mga buildings ng School dorm.
Pagkarating ko ng kwarto ay humiga ako sa kama. Totoo na talaga to, I'll be living here for the whole semester. Kakayanin ko kaya? Hayyy, makapagbasa na nga lang ng libro. Habang nagbabasa ay parang dinadalaw ako ng antok ko, kaya napapikit nalang ako at nakatulog.

Making You MineDonde viven las historias. Descúbrelo ahora