Chapter 56: Her sacrifice

306 11 5
                                    

Sorry sa napakatagal na update. Sadyang napakabusy ko lang po talaga. Sana magustuhan niyo ito. :)

_______________________________________________________

<Jane's POV>

"Jane, why are you here?" tanong ni Gian sa'kin pagdating ko sa mansion nila. Kinakabahan ako ng husto. Pero kaya ko 'to. Kailangan kong ibalik ang dating Gian at sis Sophia.

"How are you?" panimula kong tanong sa kanya. He smiled. Kung titingnan si Gian ngayon sa harap ko, I can say he's doing well. Yung parang walang nangyaring masakit sa kanya. Yung parang walang Sophia Alexis na dumating sa buhay niya.

But I know, the Gian I'm facing right now is a man of mask. Sa likod nun ang totoong Gian na nasasaktan. Bagamat naniniwala ako na ang Gian na yun ay mahal parin si sis.

"I'm doing very well, Jane. C'mon, maupo ka muna." Iginiya niya ako sa isang couch. Naupo din siya.

"Ikaw, kumusta ka?" tanong niya naman sa'kin.

I just smiled weakly as a response. If I utter it into words I'd say that I'm not really fine.

"I'll get you a drink muna."

"No, huwag na. Thank you." I sighed. Ito na. "I'll go straight to the point. Gian, I'm here because of sis Sophy," I said. Naging seryuso agad ang mukha ni Gian. Nawala rin ang ngiti niya.

"I think hindi na natin dapat pinag-uusapan 'yan, Jane," sabi niya na parang annoyed. Tumayo siya mula sa pagkakaupo. "Ipapahatid na kita pauwi."

"Gian, maniwala ka. Mahal na mahal ka ni sis," naiiyak kong sabi.

"Pati ba naman ikaw Jane nagsisinungaling sa'kin? Please, leave now, Jane."

"Ba't ba ayaw mong maniwala, Gian? Alam mo ba kung gaanong nasasaktan si sis ngayon? Gian, she gave you up even if she loves you that much para—-"

"Stop it, Jane! Pati ba naman ang isip mo nalason na niya? 'Yan ba ang mga sinabi niya sa'yo? Para ano? Para ikaw ang magsabi sa'kin? Ginagamit ka lang niya para saktan ako. Even Vince. But I'm sorry, hindi niyo ako maloloko." Umalis siya sa harap ko at mabilis na umakyat sa taas.

Wala na akong ibang nasabi sa kanya. Tama nga si sis. Ayaw na niyang maniwala. Masyado nang sarado ang puso niya, at ganun din ang isip niya.

Naiyak na lang ako. Kahit ako nawawalan na rin ng pag-asa na maaayos pa ang lahat, kasi nakita ko kay Gian na wala na talaga. Wala na yung dating Gian.

Umalis na lang ako ng mansion nila. Pakiramdam ko broken-hearted ako. Nasasaktan ako ng husto para kay sis..


<Sophia's POV>

Kararating ko lang sa mansion nila Gian para sundan si Jane. Agad akong pumunta sa may gate nila. I was about to press the doorbell nang may sasakyang dumating. Tumigil iyon sa tapat ko.

Lumabas mula sa sasakyan si Fiona. Halatang galit siya.

"What are you doing here ha?!" she hissed.

"It's none of your business, Fiona," I just said to her.

"Huh. Ang kapal naman talaga ng mukha mong pumunta rito after everything you've done," she said sarcastic.

"Huwag kang mag-alala, Fiona. Hindi naman ako pumunta rito para manggulo sa inyo ni Gian."

"Talaga lang ha? Alam mo, hindi ka na dapat pumunta rito eh. You don't have any right. Ba't ka nga ba narito? Hindi ka naman siguro pumunta rito para sa wala. Baka naman may balak kang agawin si Gian sa'kin?"

I Hate You Because I Love YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon