<Alex's POV>
Narito ako ngayon sa labas ng gate ng bahay namin. Papasok na sana ako ng gate nang may lumabas mula sa bahay namin. Naitulos ako sa kinatatayuan ko nang makilala kung sino yun.
SIYA?!
Ang walang puso kong ama!
Bakit narito siya?!
Agad akong nagtago. Ayokong makita niya ako! How dare he na pumunta rito! Ano ang pakay niya rito?! Ano pa bang kulang sa pananakit niya sa amin?!
Ano pa bang kulang na iwanan niya kami ni mom noon at bumalik pa siya?! At si mom.. Ba't niya pinapasok sa bahay namin ang walang pusong lalaking yan?!
It pains me to see that heartless man. Bumalik sakin lahat ng ginawa niyang pananakit sa amin, sa'kin. Kinamumuhian ko siya ng lubos. Kahit kailan, hinding-hindi ko siya mapapatawad.
Hindi ko mapigilang mapaluha. Sukdulan yung galit na nararamdaman ko ngayon habang natatanaw ko siya. Parang sasabog ang dibdib ko.
Wala sa sariling naglakad ako papunta sa kung saan na hindi ko alam. Bahala na kung saan ako dalhin ng mga paa ko. Basta gusto kong lumayo rito!
*PEEEEEEEPPPPPPPP*
Ano'ng.. Oh no..
May humaharurot na sasakyan na palapit sa akin. Is this the end of my life? Fine, I don't care. Buti pa ngang mawala na lang ako sa mundong ito, kaysa mabuhay nga sa mundo pero sobrang sasama naman nang nangyayari sa buhay ko.
I closed my eyes, unmoving.
But in a sudden I felt a strong hand, pulling me. Tapos, naramdaman kong may yumakap sa'kin.
"What are you doing? Magpapakamatay ka ba?" nag-aalalang tanong ng isang pamilyar na boses ng lalaki. Nanatili lang akong nakapikit.
I hate this guy! Bukod sa naiinis ako na niyayakap niya ako, naiinis din ako at iniligtas pa niya ako!
"Hoy! Tumingin ka naman sa dinadaanan mo miss! D'yahe naman mapapahamak ako sa'yo!" sigaw nung driver yata nung sasakyang muntik nang makabangga sa'kin.
"A-are you okay?" tanong pa ulit nung lalaking ito na nagligtas sakin. Aisshhh! Sino ba siya?
I've decided to open my eyes. At...
"K-Keith?" Hindi ko inaasahan na siya ang makikita ko.
"Alex.. Why did you cross the street na hindi tumitingin? Okay ka lang ba?"
Hindi ko siya sinagot. Tapos umiyak lang ako. Sobrang bigat kasi talaga ng nararamdaman ko.
Yinakap naman ako ulit ni Keith. It's tighter this time. Ayos lang.. Kailangan ko rin siguro ng isang shoulder to cry on.
Nakakainis lang at nagkakaganito ako. Pakiramdam ko, ang hina ko.
<Keith's POV>
Damn it! Akala ko masasagasaan na si Alexis kanina. Ang lakas ng kaba ko. Buti na lang naabutan ko siya. Tapos ngayon ito.. Umiyak siya bigla.
Parang pinipiga ang puso ko habang nakikita siya na umiiyak. Sht! Ayoko siyang nakikitang nagkakaganito.
Sino ba ang bastardong nagpaiyak sa kanya? Yung Gian na yun ba?!
I hug her tight. Sana makatulong akong maibsan kahit kunti lang ang nararamdaman niya ngayon. "It's okay.. Just cry.. Ilabas mo lahat.." sabi ko habang tinatap ang likod niya.
BINABASA MO ANG
I Hate You Because I Love You
Teen Fiction[COMPLETED] She's a hater. He's a man who loves unconditionally. She hates him. He loves her. Fate made them together. Her hate became deeper. Is his love strong enough to conquer her hate? Is he strong enough to make the man hater fall for him? Can...