Chapter 53.1: Heart-breaks (part 2)

255 6 0
                                    


<Jane's POV>


Hindi na ako sumali sa sayawan pagkarating ni sis. Sinamahan ko lang siya sa table namin. Pinakain ko rin siya, eh kasi parang hindi talaga si nagdinner. Pinilit ko nga lang siya. Yung barkada nga at ang boyfriend ko, parang ang sama na ng tingin sa'kin. Tsk. Bahala sila. Mas importante si sis sa'kin.


This time, paninindigan at sasamahan ko talaga ang sis ko kahit magalit pa silang lahat sa'kin.


"Guys, we're getting long with the dancing! C'mon, swimming naman tayo?" Fiona interupted matapos nung mahabang sayawan nila. Umagree naman sa kanya ang mga kaklase namin. Ano pa nga ba? Err..


"So let's change swimwear?" aya ni Fiona.


Mukhang prepared din yung iba naming kaklase. Grabe, kung makatakbo sa suites nila parang hinahabol eh. Magpapalit na siguro ang mga yun. Tssh.


Bumalik sa table namin ang buong barkada, well except Gian. Kasama niya parin si Fiona. At mukhang magpapalit na sila ng pampaligo.


"I'll be going," sabi ni sis. Tumayo agad siya. Umiiwas din talaga siya sa mga kaibigan namin.


"Sis! Huwag muna. Gabing-gabi na rin eh. Dito ka na lang magstay ngayong gabi. Magswimming tayo." I stopped her.


"Jane ano ba?" saway ni Drake sa'kin. Tsk.


Alam kong ayaw nilang narito si sis. Alam kong gusto nilang lumayo si sis kay Gian. It's because they don't know what sis truly feels for him.


Gustung-gusto kong sabihin sa kanila yun pero alam kong wala akong karapatang pangunahan si sis. Lalo pa't hindi niya naman alam na alam ko ang totoong nararamdaman niya para kay Gian.


"Sige na, sis. Please?"


"Wala akong dalang mga gamit."


"Papahiramin kita. May mga dala akong hindi ko pa nagagamit. Gusto talaga kitang makasama eh. Sobrang miss na kita. Sige na, sis. Dito ka muna."


"Jane, stop it. Isa pa, baka madamay ka rin sa galit nila sa'kin pag lumapit ka sa'kin. Gusto mo ba na pati ikaw kainisan nila?"


"I don't care, sis. Naisip ko na dapat hindi ako lumayo sa'yo. Mali ang layuan ka kasi bestfriend kita. Kung hindi nila matanggap yun, wala akong pakialam."


Rinig yun ng mga narito pa sa pool area ngayon. Bahala sila. Hindi ko na sila pinansin.


Hinila ko si sis papunta sa loob ng hotel. Nakatingin lang silang lahat sa'min.


"Jane, I'm going." Aish. Ang kulit naman ni sis! Ayoko pa ngang umuwi siya!


"No. Ayoko ng nakikitang OP ka palagi sis. Dapat ikaw yun eh! Dapat ikaw ang nasa lugar ni Fion--"

I Hate You Because I Love YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon