Chapter 13: Slammed door

405 14 1
                                    

<Jane's POV>

"Uy Jane.. Ano yung kanina ah?" tanong ni sis nang maka-pwesto na kami sa garden. May mga seats at tables din dito. Tambay lang kami kasi vacant. Sinulo ko muna si sis ngayon kasi may gusto akong itanong eh. Pero naunahan yata ako ni sis ng tanong.

Itong si sis naman ngayon parang alam ko na ang tinutukoy. Malakas radar nito sa'kin eh. >.<

"Ang alin, sis?" patay-malisya kong tanong din.

"Ba't panay sulyap mo dun sa Gyle? Kala mo hindi ko nahalata ah?" Sabi ko na nga ba eh. Si sis talaga. Wala talaga akong naitatago sa kanya. Lalo na pag tungkol sa lalaki.

"Eh kasi ano. Sis.. may sasabihin ako. Si Gyle kasi.. Siya yung tinutukoy kong lalake na nakita kong naka-nerdy eye glasses nun na ginaya ko. Remember?"

"Ha? Siya yun? Naku Jane ha? sinasabi ko sa'yo, huwag kang magpapakita ng mutibo sa lalaking yun." =.= Si sis pag tungkol sa lalaki ang bitter. Kelan ba ito magbabago?

"Eh? Sis naman... Mutibo talaga? Pero.. gusto ko talaga siya, sis.. Alam mo yung spark? Yung erratic heartbeat? Nararamdaman ko yun sa kanya nung una ko pa lang siyang nakita. Lalo na nung ngitian niya ako kanina." Yiieee! Kinikilig talaga ako pag naiisip ko.

Nasamid bigla si sis habang umiinom ng juice. "*cough* Ano?! *cough* Uy Jane ha? Pigilan mo 'yan! Masasaktan ka lang!" Nega si sis! at bitter din!

"Alam mo sis, ang nega at bitter mo talaga! Basta gusto ko si Gyle. At nararamdaman ko gusto niya rin ako."

Ang assuming ko ba? Pero ang ganda kasi ang ngiti n'ya sa'kin kanina eh.

Naisip ko lang na baka crush niya ako. Kyaaa! Kinilig nga ako kanina sobra. ^////^

Sorry.. Assuming talaga ako. Pero sana ganun talaga.

"Huwag kang umasa. Baka feeling mo lang yun. I'm telling you as a friend, huwag ka masyadong papadala sa nararamdaman mo. Ayokong masaktan ka."

"Sis naman eh.. Hindi ako masasaktan."

"Bahala ka. Basta sinabihan na kita ah?"

"Opo. Ah nga pala, sis, ba't magkasama kayo kanina ni Keith? Tsaka ba't parang friends na kayo? And nag-thank you ka pa sa kanya." Kanina ko pa talaga gustong malaman eh. Curiousity kills.

"Ah yun ba.. Nagkita lang kami accidentaly tapos yun inaya niya ako, linibre niya akong mag-ice cream. Nagkausap kami sandali. At mabait siya. Magaan loob ko sa kanya." Eh? Ganun?

Nakakapanibago. Pinaulakan ni sis ang paanyaya ni Keith? Eh si papa Gian nga hindi eh.

Kahit alam kong malapit si sis sa kagaya ni Keith, hindi lang talaga ako halos makapaniwala na makakagaanan niya ng loob ang isang lalaki.

Posible kayang unti-unti nang nawawala ang pagiging man hater niya? Pero... ba't kay Keith lang siya ganyan?

O___O

Don't tell me may gusto siya kay Keith?!

Oh eeeM Geeee!

"Jane.." Natauhan ako nang tinawag ako ni sis. Nang balingan ko siya. Nyeee. Death glare ang inabot ko. Mukhang nabasa niya yata iniisip ko eh. >.<

"Kung iniisip mo na may gusto ako kay Keith kaya iba trato ko sa kanya, then you're wrong. Magaan lang talaga loob ko sa kanya. You know na malapit ako sa gaya niya. I find them harmless and kind. Huwag kang mag-isip ng kung ano."

See? Nabasa niya nga ang iniisip ko. Wala talaga akong kawala sa kanya.

"Okay sis.. Sorry sa inisip ko. Pero.. sis, ba't kaya hindi ka na lang maging nice sa lahat ng lalaki. Especially kay Gian." Kasi unfair nga 'di ba? Lahatin niya kasi sana.

"What?! I'm not stupid to do that, Jane. Aissshh. Kumain na nga lang tayo." Ayan.. Sumimangot na naman siya.

Hindi bali, pasasaan pa't magbabago ka rin sis. Alam ko, magagawa ni Gian na i-defrost ang puso mo. And you will fall for him.. ^_ _ _^

——Classroom——-

<Alex's POV>

"Sophy ko, pasyal tayo mamaya with my friends and Jane." Pssshh. na naman sa'kin ng jerk. Umagang-umaga! He's getting into my nerves big time!

"Ayoko!" I hissed at him.

"It's just that I wann—-" I didn't make him finish another annoyance.

"Stop it!" I glared at him.

"Huwag mo na pilitin ang lion girl na 'yan, Gian. Sasakit lang ulo mo," sabi naman nung lalaking sa likod ko. Lumingon ako sa kanya. Yung kaibigan pala ni Gian na weird tumingin. Nakaka-irita rin siya.

"Vince," sabi ni Gian dito na parang sinasaway ito sa sinabi nito.

"Hoy! Bakit, dini-discourage si Gian sa sis ko ha?" sabi naman ni Jane na masama ang tingin kay Vince. Tiningnan din si Jane ni Vince ng masama. Uh-oh. Mukhang may namumuong tensyon sa dalawa ah?

"Tsss." tapos sinubsob na nung Vince ang mukha niya sa disk niya.

"Pasensyahan niyo na ang isang yan. Ganyan talaga yan pag wala sa mood," sabi nung Gyle. Pagpasensyahan? Duh.. As if I care about him or about what he said. Pssh.

"Eh parang wala naman yan sa mood palagi eh. Seessh. Pagsabihan niyo yang kaibigan niyo ha? Nakakainis siya," Jane said exasperatingly. Nagnod yung Gyle sa kanya at ngumiti. =____=

Ang loka kong kaibigan naman namula! Oh God Jane! Masyadong halata!

Kinurot ko siya. "Hoy, babae. Masyado kang halata," I wispered. Nag-pout lang sa'kin. Aiissh. Naman talaga. Sana lang hindi mapunta kung saan 'yang nararamdaman niya.

"Sophy ko," ungtad na naman ng jerk sa'kin. Ghad! Kelan ba siya mapapagod?

"Itikom mo bibig mo ano ba!" sabay lingon sa kanya. *smooch*

O____O

WOOAAAHHHH!

What was that?!

KYAAAAHH! <—— sigawan ng mga leshe kong kaklase!

"THE HELL!" I hissed at him. Halikan daw ba ako sa chin ko! Arrrg!

"Hindi pa kita nahahalikan sa part na yan kaya ginawa ko.." sabi niya sabay kindat sa'kin.

Bweset! Ba't ang init ng mukha ko?!

Grabe! Kumukulo dugo ko sa inis! Nagsisigawan pa mga kaklase ko!

*BLAAAAAGG!*

O____O <—- Kami lahat

Nagaulat kami lahat sa malakas na tunog ng pagsara ng pinto ng classroom namin. Someone slammed the door. Wala yatang nakapansin sino.

"Sino yung langyang nagsara nung pinto ng ganun kalakas?" - classmate A

"Ba malay.. Busy tayo sa kiligan eh! Aahahaha!" -classmate B. Errrr! Kiligan your face. =___=

"Kainis naman yun! Nagulat ako dun ah?! Galit siya? Galit?" - classmate C

At marami pang may voilent reactions dahil dun sa marahas na pagsara ng pinto. Sino nga kaya yun? Walang nakapansin.

Pero thanks to that person for that slammed door kasi natigil ang nakaka-irita at nakakabanas na ingay ng mga classmates ko.

Pero sino nga kaya yun? Mas galit pa yata yun sa'kin eh.




I Hate You Because I Love YouDonde viven las historias. Descúbrelo ahora