Chapter 47: Decision

246 10 1
                                    

A/N:

Thank you so much for your support in this story and coming this far. Sobrang na-aappreciate ko kayo from the depth of my heart. ^___^

___________________________________________________________

<Jane's POV>


Matapos nung nakakapanlumong balita sa paglubog ng isang cruise ship nila Gian at ang samu't-saring bad issues tungkol sa companya nila, may mas nakakapanlumo pang balita ang lumabas ngayon. Hindi lang nakakapanlumo, maka-wasak-puso pa!




Nagulantang ang mundo naming lahat nang marinig namin ang usapang ipapakasal si Gian sa ibang babae! Oo! Ipapakasal siya sa iba! Kalat na kalat na yun sa news, pero hindi pa pinangalanan kung sino yung babae.




My God! Paano nangyari yun?! Si sis? Anong bang nangyari kay sis?! Ba't nagkakaganito?!




Ilang araw na namin siyang tinatawagan pero out of reach padin ang cellphone niya. Alalang-alala na kami.. lalo na si Tita Marriane. Iyak na nga ng iyak si tita Marriane eh. Si tita ang pinaka-apektado sa'ming lahat ngayon.




Gusto naming kausapin si Gian at sila tito Edward at tita Isabel pero hindi namin sila mahagilap. Ang rinig namin nasa Australia daw sila ngayon. Hindi rin sila ma-contact. Jusko!




Gulong-gulo na talaga kaming lahat dito. Hindi namin alam kung bakit nangyayari itong mga nakakabaliw na bagay na ito. Kung bakit nawala si sis. kung bakit biglang may ibang finacée na si Gian!




ANO BA KASING NANGYARI NA HINDI NAMIN ALAM?!




Uwwwaaaaaa! Sobrang sakit sa puso talaga!

Si sis.. Kailangan namin siyang mahanap agad!



"Ka-imbyerna itong mga nangyayari ah! Ano ba naman 'tong si Gian at Sophia! Wala man lang abiso at biglang boom nawala na lang sila! God! Tapos ipapakasal na sa iba si papa Gian?! My gosh! Nakakaloka!" - Lucky




"Pakiramdam ko sobrang bigat ng pinagdadaanan ngayon ng dalawa.." - April




"Oo nga eh. We know Gian. Alam natin gaano niya kamahal si Sophia. Hindi ako naniniwalang basta-basta niya lang igi-give up si Sophy at magpapakasal sa ibang babae. Hindi yun gagawin ni Gian nang walang napakabigat na dahilan." - Gyle




"Tama ka, Gyle." - Charlotte




"My god! Hindi kaya finorce si Gian na pakasalan ang ibang babae? Tapos no choice siya kundi hiwalayan si Sophy?" - Lucky




"Sino naman ang pupwersa sa kanya? Si tito at tita? Imposible yun, Lucky. Eh kita niyo namang gustung-gusto nila si Sophy para kay Gian. And more than that, napamahal na rin sa kanila si Sophy. Imposible talaga yun." - Drake




Tama si Drake. Hindi magagawa nila tito at tito ang iniisip ni Lucky.




"Hindi natin malalaman ang totoong sagot sa mga katanungan natin guys, unless maka-usap natin si Gian at sis Sophia," sabi ko.




"Baka naman kasi si Sophia ang nakipag-hiwalay, and so Gian let her go?" - Vince




Napatingin kaming lahat sa kanya. Nagpanting ang tenga ko nang marinig ko ang sinabi niya. Ganun ba kasama ang tingin niya kay sis?! Nakakainis na talaga siya!



"Pwede ba, Vince. Nagasasalita ka nga pero nakakainis naman! Can you just shut up kung wala ka namang nasasabing tama? Hindi magagawang hiwalayan ni sis si Gian! Sis loves him so much! Hindi mo ba nakikita yun ha para sabihin mo ang mga bagay na 'yan?!"




I Hate You Because I Love YouWhere stories live. Discover now